"Kurt?....What are you doing here?"Takang tanong ko sakanya,at pilit inagaw ang braso ko.
"Let's go home,at hindi mo dapat kasama yang lalaki na yan!"Galit na sabi niya habang dinuduro si ethan gamit ang kanyang hintuturo.
"Bitiwan mo ako!nasasaktan ako kurt ano ba?!"Reklamo ko dito at inaagaw pa rin ang braso ko mula sakanya.
"Let her go man"Kalmadong sabi nito pero kita ko ang kamay niya na nakayukom na at tila nag pipigil nang galit.
"No,I won't let her go unless sumama siya sa akin pauwi"Matigas nitong sabi at hinatak ako pero nag matigas ako at pilit na inagaw ang kamay ko saka siya sinampal nang malakas.
"Don't you dare to touch me!"Galit kong sabi at tinignan siya nang masama.
"Susunod ka o bubuhatin kita?"Matapang nitong sabi pero sa halip na sumagot ako ay nag lakad ako palayo.
"Put me down,you fucker!"pilit ko itong tinulak sa may dibdib dahil binuhat niya ako pa bridal style.
"Man,wag mong hintayin na gumawa ako nang scene dito bago mo siya ibaba"Kalmado pero halatang nag pipigil nang galit.
"Ok!Enough guys!...walang gagawa nang scene...at ikaw!Ibaba mo ako"Saka ito dinuro kaya binaba ako ni kurt.
"Akala ko ba ayaw mo na akong makita pero bakit nakasunod ka sa amin dito?"Sigaw ko sakanya,rinig ko ang pag pito ni ethan at umalis sa harap namin para siguro bigyan kami nang time mag usap.
"You don't understand"Parang inis na sabi niya at hinawakan ako sa braso kaya,naniningkit ang matang tinignan ko siya.
"Then explain kung bakit hindi ko maintindihan?"Lumambot ang expression nang mukha ko nang sinabi ko ito.
"No....hindi mo na dapat malaman pa"Malamig nitong sabi at binitawan ang braso ko.
"because you are not her, and she will never be you!"sigaw niya sa akin.
"Bakit mo kasi siya kinukumpara doon sa babae na yon?!"biglang sulpot ni ethan sa likod ko.
"Man,You are a fool!"sigaw ni ethan sa likod ko at hinitak si kurt palayo sa kinatatayuan ko.
Nanatili parin akong nakatayo at nakatulala hanggang sa makabalik ang mga ito,mga seryoso parin ang mga mukha nila.
"Let's go inside"Mahinahon na sabi sa akin ni ethan kaya sumunod ako.
Nakasunod naman sa amin si kurt na hindi ko alam ko kung bakit?Nag tataka rin ako kung ano ang pinag usapan nila nang lumayo sila sa akin.
Kung tungkol ba ito sa akin?..at sino yung tinutukoy ni kurt?gulong gulo ang isip ko.
"Kumuha ka lang nang street foods na gusto mo dito at tayo ang mag iihaw dahil self service dito"Nakangiting sabi ni ethan,kaya napangiti nalang ako.
Naaalala ko sakanya si dad,ganitong ganito kung paano sabihin ni dad sa akin ang mga iyon.
Kinukuha ko ang mga gusto kong street foods nang maramdaman kong may dalawang pares nang matang nakatingin sa akin kaya agad ko itong hinagilap.
Nang mag tagpo ang mga mata namin ay agad na tumambol ang puso ko na tila ba ay nag wawala nang masilayan ko ang mala tsokolate niyang mga mata na nakatingin sa akin.
Agad kong iniwas ang tingin ko at bumalik sa ginagawa ko,kinuha ko na ang mga gusto kong kainin kaya pinuntahan ko na si ethan sa may grill area kung saan nag papabaga siya nang apoy.
"Ang konti naman niyan!"Reklamo niya sa akin nang ibinaba ko na ang mga street foods na kinuha ko kanina.
"Atleast enough na para malibsan yung gutom ko"Natatawa kong sambit,nakaramdam ako nang isang presensya sa likod ko kaya nilingon ko ito.
It's kurt,at may hawak itong beer at plato na nag lalaman nang mga pag kain saka ibinaba ito sa may lamesa sa gilid nang ihawan.
"Here ito pa,ako na mag babayad nito"Sabi ni kurt at pag daka ay umalis dala ang hawak niyang mug na may lamang beer.
Napatingin nalang kami ni ethan sa isat isa at nag kabitbalikat,ako ang unang umiwas nang tingin saka inikot ang mga iniihaw ko.
"Nasaan yung iyo?"Tanong ko nang mapansin kong walang laman ang plato niya.
Kumuha ako nang betamax at kinain ito habang naghihintay nang sagot sakanya.
"Hmmm?...makita lang kitang kumakain busog na ako"Nakangiting sambit nito,kaya hinampas ko to sa balikat.
"Unang kita pa lang natin nilalabas mo na agad yung pag ka corny mo."Natatawa kong sabi at tinuloy ang pag kain.
"Oo nga e,corny na pala yun?pinapatawa lang naman kita e"Nakangiting sabi niya at uminom nang tubig.
"Uhm?Bakit nga pala hindi pa umuwi si kurt at sumama pa dito?"takang tanong ko sakanya,ngumiti ito sa akin.
"Nothing,naisip namin na mabuting na wag mag away dahil hindi na kami bata para mag away pa,you see...kurt is my childhood friend at lagi kaming mag kasundo dati but may mga bagay na nag bago hanggang sa boom hindi ko na siya kilala"Natatawang kwento nito,napatango nalang ako at sinubo na ang last na natitira sa stick ko.
"Childhood friend huh?tss..."Biglang sulpot ni kurt at masamang tingin ang binigay niya kay ethan.
"Let's go home red...and you!don't you dare to follow us or else I will break your bones into pieces"Pag babanta ni kurt,tinignan ako at hinablot ang kamay ko saka hinila palabas.
"hey!Let me go!"Sigaw ko sakanya pero patuloy pa rin siya sa pag lakad hanggang makarating kami sa kotse niya.
"I won't let you go unless nasa bahay mo na tayo"Matigas na sabi nito at binuksan ang driver seat.
Tinignan ko ito nang masama at tumingin sa Street foods house bago sumakay,agad naman itong umikot sa driver seat saka pinaandar ang kotse.
BUONG biyahe ay tahimik lang kami sa loob na kotse tila may mga dumaang angel,at walang gustong mag salita ng isa sa amin.
"Sa susunod ay ayoko nang makita mo siyang kasama kung hindi....babasagin ko ang bungo nang lalaking yan"Nag tatagis ang bagang na sabi niya,kaya matalim ang tingin ang binigay ko sakanya.
"Wala namang kasalanan si ethan sayo pero bakit ganyan ka maka akto?...Hindi tama,hinding hindi..pinaiiral mo yang pag kaisip bata mo,hindi na tayo bata kurt kaya iwanan mo na yang kinagawian mo"Nanggigigil kong sabi,bigla niyang hinampas ang manibela dahilan para matahimik ako.
"Wala kang alam,okay?..alam kong hindi ka siya pero?!fuck!hindi ko mapigilan ang sarili ko!"Galit na sabi niya at tumingin sa akin.
"Stop it,i can't understand you kurt,kung hindi ka isip bata ay baliw ka!"Galit kong sabi tsaka bumaba sa kotse niya at padabog na sinara ang pinto nang kotse niya saka pumasok sa bahay.
Kung ano ano ang pinagsasabi niya na hindi ko naman alam kung ano,ni nga hindi niya ipaliwanag kung ano yun tapos basta basta nalang magagalit.
YOU ARE READING
The Bad boy's Girl(On-Going)
RomansHailey Del Rosario ay isang babaeng gusto ng katahimikan sa buhay ngunit nang pag buntungan siya ng galit ng isang bad boy sa campus nila,thankful pa siya at napapansin siya dahil sa angking kagaguhan nito ay patuloy lang niya itong inasar hanggang...