chapter 10

187 22 1
                                    

Natigil ang pag daday dream ko nang sumigaw si janella sa gilid ko kaya agad ko siyang tinignan nang masama,nag peace sign lang ito at umupo sa harap ng desk ko.

Yes,nandito siya sa room namin,hindi ko alam kung bakit,para yata maki chika.

"Bakit ba kanina ka pa lutang?,ni hindi mo manlang nalaman na kasunod mo ako kanina habang kuda ako ng kuda,akala ko ay nakikinig ka yun pala nananaginip ka pa dyan"Reklamo niya sa akin habang hawak ang magkabila niyang pisnge na tila ba nag papacute.

"Late na kasi ako nakatulog tapos maaga pa ako nagising"Pag sisinungaling ko at dumukdok sa desk ko.

Ilang saglit lang ay wala akong narinig na boses ni janella kaya nag angat ako nang tingin,laking gulat ko nang makita ko itong kausap si ethan na may hawak na libro.

"Ayan pala e,hailey?Boyfriend mo pala itong lalaking ito oh,hindi mo manlang sinabi sa akin na may mala dyos ka pa lang jowa"Sabi ni janella habang humahagikgik,napatingin nalang ako kay kurt na nag lalakad at nakapamulsa ito na papunta sa direksyon ko.

napalunok nalang ako dahil sa paraan ng pag titig niya sa akin.

"Hoy saan mo dadalin yang kaibigan ko!"Sigaw ni janella dahil hinila ako ni kurt palabas ng classroom,hindi na ako nag pumiglas pa dahil alam ko naman na kapag nag salita o pumiglas ako ay ano mang oras may mag bubulungan.

"Ang landi pala nung hailey na yan...boyfriend daw si ethan tapos si kurt ang kasama.."

Ayan na nga ba sinasabi ko,kaya ayokong lumapit sa lalaki,kung ano ano ginagawang issue,Konting galaw issue at mag tatabi lang maiissue ka rin?Saan ba dapat lumugar dito sa mundo ng judgemental?

"Don't mind them,At anong boyfriend yung sinasabi ni janella?Darn it,kahapon lang kayo nag kakilala boyfriend agad?saka sinabi ko sayo na layuan mo siya diba?"Mahinhin niyang sabi at hinihilot ang kanyang sentido.

"Bakit selos ka?"Sa halip ay yan ang sinagot ko sakanya,dahil ayoko nang masira ang araw ko kagaya kagabi ay halos hindi ako makatulog dahil sa inis na ginawa niya sa akin.

Gusto ko matawa sa reaction niya ngayon dahil nanlaki ang mata niyang tumingin sa akin.

"No way!"Mabilis niyang sagot sa akin nang maka recover.

"Yes way!Aminin mo nalang kurt,masama mag sinungaling,sampalin kita diyan gusto mo?"Pag bibiro ko sakanya,ramdam ko naman ang pag bitaw ng kamay niya sa braso ko.

"Its no way,loser!"Naiinis na sabi niya at nag mamarshang tumalikod sa akin saka pumasok nang classroom.

Napailing nalang ako nang maiwan niya ako dito sa corridor.

Napag desisyunan ko nang pumasok sa loob nang classroom dahil baka bigla kong makasalubong sa corridor si Mr quazon.

Nakakatakot pa naman ito pag nagalit,baka pagalitan pa ako kung bakit nasa labas pa rin ako kahit oras nang klase,hindi ko naman pwedeng idahilan na walang teacher dahil invalid reason yun para sakanyan.at Baka sabihin nanaman nun na..

"Hindi porke walang teacher ay nasa labas na kayo"

Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid.Wala na rito si janella,siguro ay umalis na nang hilahin ako kanina ni kurt palabas nang classroom.

Nakaramdam ako nang tuwa at laking papasalamat ko dahil wala nang maingay na nilalang.

Umaasang darating na ang aming guro nag kamali ako sa pag asa na darating ito pag ka ring nang bell sa aming classroom.

Bagot na bagot na ako at tila gustong may gawin ngunit hindi ko magawa dahil wala naman akong maisip na gawain dahil lahat ng mga activity at assignment ay nagawa ko na kagabi nung hindi ako makatulog dahil sa inis.

"Bored?Same"Sabi nito kasabay nang pag halakhak niya at umupo sa harao ng desk ko,napangiwi nalang ako sa kinikilos niya ngayong umaga.

Mukhang hindi siya nag iisip nang kung ano ano about sa nangyare kahapon,samantalang ako?Halos hindi makatulog kagabi dahil sa gulo ng sistema ko.

Payapa ang buhay ko dito sa Academy pero nang dumating sila kurt at ethan dito ay nag kagulo na nang nag kagulo,ilang araw pa lang mula nung pasukan ay piling ko ay nakaka isang buwan na.

OA,i guess?pero ako yung tipo nang tao na ayaw sa ingay dahil ang tanging gusto ko lang ay katahimikan.

"Kanina pa kita kinakausap pero mukhang napaka lalim nang iyong iniisip"Natauhan ako nang marinig ang seryosong tinig ni ethan sa harap ko.

Napailing ako para buhayin ang sistema ko at bumaling sakanya na nakakunot ang noo.

"Yes,why?"Pilit ngiting tanong ko sakanya,ngumiwi ito sa akin,siguro ay napansin ang pag pilit ko nang ngiti.

"May bumabagabag ba sa iyon?kung meron ay maaari mong sabihin sa akin kung hindi labag sa iyong kalooban,ako ay handang makinig sa iyo binibini"Binigyan ko siya nang boring na tingin,ngunit bigla itong tumawa.

Sa pag aakala ko ay seryoso ito,ngunit bigla siyang tumawa na ikinagulat ko.

Sa totoo lang ay gulong gulo na ako sa mga nangyayare sa paligid tapos bigla pa siyang sasabay sa pag sasalita gamit ang malalalim na wika?kung bata lang siguro ang kaharap niya ay tinawanan na siya nito.

"Seriously ethan?hindi ka mukhang ginoo pag nag sasalita nang malalalim na wika...para kang matandang nawawala"Wala sa sariling sabi ko,nakanguso itong tumingin sa akin na para bang nag papaawa.

"Nag sasanay lang naman ako para sa darating na anniversary nang aking mga ninuno?napaka sama mong nilalang kung pati ang aking pag eensayo sa pag sasalita nang malalim na wika ay iyong hinahadlangan?ikaw ba talaga ay hindi magiging masaya para sa aking kaligayahan kahit minsan lang?"Napabuga ako nang hangin at umiling.

Nag dadrama ba siya o kasama yon sa pag eensayo niya?

"Huwag mo akong akitin binibini,baka hindi mag tagal ay lumapat ang aking labi sa iyong mapupula at malalambot na labi"Nakangising sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at tinampal ang kanyang braso.

Nakarinig ako nang bumagsak na upuan sa may likod ko kaya agad akong napatingin doon,nakita ko si kurt na masama ang timpla nang mukha,nag tuloy tuloy itong mag lakad hanggang makalabas nang classroom.

'Layuan mo siya' Bigla ko itong naalala kaya napatayo nalang ako at napatingin kay ethan na parang wala lang sakanya ang pag labas ni kurt sa classroom,halos lahat yata nang kaklase ko ay nakatingin sa pintuan nang makalabas si kurt pero ilang saglit lang din ang tinagal noon at bumalik ang lahat sa normal.

Hindi ko alam kung tinatahak nang paa ko ang palabas sa classroom,hindi ko maintindihan kaya tatanungin ko nalang siya.

---
A/N:Sorry kung ngayon lang yung update,literal talaga na marami akong ginawa sa school at sa bahay.

The Bad boy's Girl(On-Going)Where stories live. Discover now