On my way ako sa classroom ko nang makarinig ako ng tinig ng isang lalaking kumakanta kaya agad akong napahinto at hinanap ito.
Pumasok ako sa music room upang tignan kung sino ang kumakanta.
Hindi na ako nagulat kung siya lang ang makikita ko dito dahil lagi yatang nasa music room ang lalaking ito.
Isang araw na ang nakakalipas mula nung mag usap kami ni kurt about kay evarongcasze,at isang araw ko na din siyang hindi kinakausap.
"Ikaw pala yan.."Napahinto ako sa pag lalakad ng marinig ko ang boses niya ngunit hindi na kumakanta kundi sa salita na.
"Uhmm..Gotta go.."Mabilis na sabi ko at mag lalakad na sana pero mabilis na nahawakan niya ang kamay ko kaya tinignan ko siya na may nag tatakang mukha.
"Halatang halata na iniiwasan mo ako.."mahinang sabi nito,kapag kuwa'y binitiwan niya ang kamay ko at naupo sa may upuan malapit sa piano,kaya napilitan din akong lumapit at umupo doon.
"Ang sakit dito..."Itinuro niya ang puso niya at malungkot na tumingin sa akin "..na nalalamang iniiwasan mo ako,mula pa nung isang araw...."Napapikit ako dahil piling ko ay nakukunsensya ako dahil sa ginagawa kong pag sunod kay kurt na iwasan si ethan.
"I'm sorry."Napakagat labi ako at yumuko ngunit narinig ko ang mahinang pag tawa niya kaya nag taas ako ng tingin para makita kung bakit siya tumatawa.
"Don't say sorry,hindi magiging gamot ang sorry sa lahat,hayaan mo na nangyari na kaya ang kailangan nalang ay ang tanggapin."ngumiti ito kaya napilitan din akong ngumiti dahil sa pinapakita niyang ngiti.
"Gusto mo ba kwentuhan kita about sa buhay na meron ako bago ako mag transfer dito?.."Wala sa sariling napatango nalang ako kahit hindi ko alam kung bakit.
"By the way bago ko simulan ang lahat ay gusto ko lang sabihin na repeater ako,may dahilan naman kung bakit.."mahina itong tumawa habang ako ay nananatili pa ring nakatulala na para bang hindi ko alam kung ano gagawin.
"Dapat ay tapos na akong mag aral pero heto ako...naka ilang ulit ng pag aaral sa baitang na kolehiyo,hindi ko naman yon ginusto,isa pa hindi ko din ginusto kung bakit lagi akong binubully sa mga previous schools ko,I don't know kung bakit nila ako ginaganon..."Nalungkot ako sa mga nalaman.
Kung ganon ay hindi pala basta basta lang ang mga ngiti na pinapakita nito bawat araw na nakakasama ko ito dati.
"My friends left me without saying or explaining anything,ni hindi ko nga alam ang nangyari sa kanila..litong lito ako kung nakinig sila sa mga sinabi ng nambubully sa akin o pilit nilang tinignan yung mga kamalian ko,unfair right?kasi nung sila ang bilis kong iaccept yung flaws and imperfections nila pero bakit pag dating sa akin?ay madali nila akong sinukuan?"Tumingin ako kay ethan na ngayo'y naka yuko habang nag kukwento.
"Inintindi ko ang mga ugaling meron sila,inintindi ko yung ilang paninira ng kaibigan ko sa akin at pinatawad ko sila agad pero bakit sa simpleng pag sisinungaling lang sinukuan nila ako agad at hindi na muling kinausap pa?"Sa totoo lang ay nalulungkot talaga ako sa mga sinasabi niya ngayon.
Ang kikitid naman ng utak ng kaibigan niya para ganon ang gawin nila kay ethan?actually kung mag bibigay ka ng pangalan ng perfect friend ay pwede na agad mailagay sa unang numero ang pangalan ni ethan.
"Pero hindi na mahalaga yon,dahil nandyan ka naman at hindi mo ako iiwan hindi ba?"Nakangiti itong bumaling sa akin,kaya ngumiti ako sakanya.
"I won't leave you unless it's really necessary.."pabiro kong sabi sakanya.
"Nah,hindi na ako mag eexpect na may mag tatagal sa ugali kong hindi ko matanto kung ano nga ba ako"natatawa niyang sabi kaya naaasiwa akong ngumiti sa kanya.
"See you later ethan,pumasok ka na sa klase hindi yung papasok ka ng school tapos tatambay ka lang pala..nag sayang ka lang ng baon mo,tsk tsk tsk"I don't want to offend him but it's right to say the truth than saying lies.
Tumango siya at kinuha ang bag niya sa gilid,tinungo ang pinto saka ito binuksan kaya sumunod nalang ako sakanya.
Pag labas palang namin ay halo halong bulungan na agad ang narinig ko kaya napailing nalang ako at binilisan ang pag lalakad.
Naabutan namin ang classroom na medyo magulo at makalat tulad ng nasa isip ko kani kanina lang bago kami makarating ng dulo ng hall papaliko sa classroom na to.
Ang ilan ay nag tataka about dito sa school pero isisawalang bahala nalang nila iyon.
Mula sa pintuan ay kitang kita ko ang galit na mukha ni kurt na diretsong nakatingin sa amin ni ethan.
Kung talagang hindi ko kilala si kurt as playful boy ay aakalain kong nag seselos ito sa amin ni ethan ngayon.
Pero hindi eh,isa lang akong hamak na babaeng lagi niyang inaasar tuwing bored siya pero atleas-
t...maganda ako at iyon joke lang."Be quite and don't talk to him i-
ncase?"Ngumiti ako ng pilit sakanya para hindi mahalata ng galit na lalaki na nag sasalita ako."Goodmorning kurt?Ang aga aga mo naman atang bad mood?"Siniko ko si ethan dahil sa tanong ni kay kurt.
Alam nang bad mood tapos iinisin pa?iba yata ang hinahanap ng isang ito.
"Fuck off ethan"Pigil hiningang pumito ako bilang pang aasar sa lalaking katabi ko ngayon na pigil na pigil na tumawa.
"I told you not to pissed him off"Natatawang sambit ko.pero mahina lang yon at sapat na para kami lang ni ethan ang makarinig.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na umimik ang katabi ko at kasabay no'n ang pag pasok ng teacher namin.
Naging matiwasay ang klase,walang nag debate tulad ng nangyare nung nakaraang linggo na kulang nalang ay mag sapakan,pero tila lumipad ang isip ko kaya hindi ako masyadong nakinig sa lesson.Dahil ang nasa isip ko lang ay si kurt na tahimik na nag susulat sa harapan namin ni ethan ngayon.
Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman para sa lalaking ito.hindi yung literal na mahal pero yung nangangapa pa ako kung sino ba talaga ang nasa harapan ko ngayon o araw araw,dahil parang hindi ko siya kilala.
Nag sisink sa utak ko na parang may ilang memoryang kulang sa akin na pilit na napapalitan ng mga memoryang mali mali naman.
YOU ARE READING
The Bad boy's Girl(On-Going)
RomanceHailey Del Rosario ay isang babaeng gusto ng katahimikan sa buhay ngunit nang pag buntungan siya ng galit ng isang bad boy sa campus nila,thankful pa siya at napapansin siya dahil sa angking kagaguhan nito ay patuloy lang niya itong inasar hanggang...