Chapter 25: Regret

198 11 3
                                    

Min's POV

Hay! Umaga na naman! Nakakatamad bumangon!

Teka parang ibang kwarto 'to ah. Kay Sehun oppa 'to. Tss...naalala ko na naman tuloy yung kagabi. Kakalimutan na nga niya pala ang nararamdaman niya sakin. Parang kakalimutan niya na rin ako. Kasi iiwasan niya ko at hindi niya na ko papansinin.

Ang tanga ko kasi eh! Ang tanga-tanga ko! M.U. na kami oh! Gusto namin yung isa't isa! Pero ako 'tong si tanga hindi umamin. Napakaduwag ko kasi eh! Nakakainis!

Kung umamin sana ko edi may pag-asang maging kami. Hindi sana siya lalayo sakin. Hindi niya sana ko iiwasan.

Ako lang naman ang nandito sa kwarto. Wala siya sa tabi ko. Kaya hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.

Aaminin kong pinagsisisihan ko ang mga nangyari at aking nasabi.

I'm regretting that I didn't say I like you. I'm regretting because I'm letting you go.

'Sehun oppa I like you, I really do.'

Sana sinabi ko yan. Sana hindi ako naduwag.

Pinunasan ko yung mga luhang tumulo mula sa mata ko. Napagpasyahan kong pumunta sa kwarto ko at mag-ayos. Diba me and Eunwoo are hanging out?

Agad akong naligo. Tapos pumunta ko sa walk-in closet ko.

Nagsuot na lang ako ng royal blue na blouse at isang puting palda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagsuot na lang ako ng royal blue na blouse at isang puting palda. Tapos yung buhok ko ay inipit ko na lang sa isang ponytail.

9:30 am na pala. 30 minutes pa naman bago siya dumating. Iinom muna ko ng tubig nauuhaw ako.

Bumaba na ko at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator. Nagsalin ako sa baso at uminom. Hay! Ang sarap!

'Pero mas masarap ang kiss ni Sehun.'

Oo nga, mamimiss ko yun.

Bigla na lang may nag-doorbell. Sino naman 'to?

Pumunta ko dun sa pinto at nakita ko si Eunwoo dun.

Pumunta ko dun sa pinto at nakita ko si Eunwoo dun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isa pa 'tong wafu eh. Grabe ang pogi niya. Ang bilis kong mag-change ng mood. Kanina nagda-drama ako tapos ngayon lumalandi na ko.

'Ganun talaga kapag maganda!'

Tama nga naman!

"Ang aga mo naman ata Eunwoo."

"So we can have more time to hang out. Come on. Let's get going."

Ang cold nito magsalita. Psh. Wala man lang excitement na naramdaman.

Oo nga pala, umalis ang Exo. Mag-eenroll na daw sila. Sila na din daw ang bahala sa pag-enroll ko. Pano ko nalaman? Nagtext si Suho oppa.

"Sige tara na!" excited kong sabi.

Agad kaming tumungo sa kinaroroonan ng kotse niya. Pinagbuksan niya ko ng pinto. Aba! Gentleman! Pumasok na rin siya sa loob.

"Saan nga pala tayo pupunta?"

"Secret."

Nagsimula na siyang mag-drive.

"Psh! Saan nga?"

"Just wait. You'll find out soon."

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
A/N: Short update muna!








OPERATION: Seduce Exo[On-Hold]Where stories live. Discover now