Chapter 30: Date (Part 4)

175 11 2
                                    

Min's POV

Nakalimutan niya atang nakaposas kaming dalawa. Kaya akala niya maiiwan niya ko dun.

"Bakit mo ko sinusundan?" napairap ako ng wala sa oras.

"Duh! Nakaposas kaya tayo!" natatawa kong sabi.

Napahawak naman siya sa kanyang batok gamit ang kanyang kanang kamay. Nahihiya siyang ngumiti sa akin.

"Hehe...nakalimutan ko. Tara puntahan natin si Irene!"

Tss...

Taehyung's POV

Kasama ko ngayon si Irene. Hindi nga kami nagde-date eh. Para kaming mga spy sa ginagawa namin. Bakit? Kanina pa namin sinusundan yung dalawa. Oo! Kanina pa simula nung umalis kami sa restaurant! Pagod na nga yung mga paa ko eh!

Flashback...

"You are Taehyung, Am I right?" tumango na lang ako. Ewan. Di ko feel magsalita.

"Ako nga pala si Irene!"

"Alam ko."

"Ang sungit mo naman! Tara na nga sundan na natin yung dalawa!" hinawakan niya ang kamay ko at hingit ako. Nung hinawakan niya yung kamay ko bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Natakbo kami eh. Siguro yun ang dahilan kung bakit.

Sinundan namin sila dun sa Ice Cream Parlor na pununtahan nila. Umupo kami medyo malayo sa table nila. Pero sapat na para makita namin ang ginagawa nila.

"Yah! Listen to me Taehyung!" tinignan ko lang siya. Senyales ito na ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi.

"Gusto ba ni Min si Sehun?" biglaang tanong niya.

"Bakit mo naman gustong malaman?" tanong ko sa kanya.

"Kasi si Sehun gusto niya si Min at parang gusto din naman ni Min si Sehun! Ayaw lang nilang mag-aminan!"

"So? Bakit mo ito sinasabi sa akin?" ewan ko din kung bakit ang sungit ko sa kanya.

"Tayo ang tatayong kupido nila!" sabi niya na para bang tuwang-tuwa sa naisip niya.

"Bakit naman? Anong gagawin natin?" hindi ko alam kung ano ang pinupunto nitong babaeng 'to.

"Duh! Mas lalo nating palalalimin ang nararamdaman nila sa isa't isa! Hanggang sa mag-aminan na! Edi happy na sila!" gustong-gusto niya talagang mag-aminan yung dalawa. Tss...para sa bestfriend ko papayag ako. Gusto ko siyang maging masaya.

"Sige papayag ako...in one condition." ngumisi ako. Nakita ko ang bahid ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Ano ba ang iyong kondisyon?" inosenteng tanong niya.

"Date me..."

Tapos sinundan pa namin sila dun sa tindahan ng damit at tsaka sa arcade.

End of Flashback...

Tch. Kung hindi lang maganda 'tong babaeng kasama ko eh kanina ko pa 'to iniwan. Nakakaasar na eh! Pagod na kaya ako.

OPERATION: Seduce Exo[On-Hold]Where stories live. Discover now