Chapter 27: A Bad Dream

204 9 5
                                    


Nandito ako ngayon sa isang bar. Hindi ako mag-iinom o magpa-party. Tumawag kasi sa akin si Baekhyun oppa at sabi niya ay ayaw daw umalis ni Sehun sa bar. Pangalan ko daw ang sinasabi ng sinasabi ni Sehun. Kaya ako na lang daw ang sumundo sa kanya.

Ilang minuto lang rin ay nakarating na ko sa bar na sinasabi nila. Nakita ko siya sa isang table, napapalibutan siya ng babae. Tss...pinapunta nila ko dito para makita siyang nakikipaglandian sa ibang babae? Akala ko ba ako lang? Tch. Marami nga palang namamatay sa maling akala.

"Oppa! Sehun oppa!" tinatawag ko siya pero hindi niya ko nililingon.

Pumunta ako sa kinaroroonan niya. Tapos kinalabit ko siya.

"Oppa! Pansinin mo naman ako!"

Hindi niya man lang ako nilingon o pinansin.

"Just leave me alone! Go away! I don't need you here! I hate you! I don't love you anymore!"

Ang sakit. Bakit niya ba sinasabi 'to? Akala ko ba mahal niya ko?

"No oppa! Let's go home! Stop joking!"

Pinilit kong ngumiti. Kahit na nasasaktan ako. Malay niyo nagbibiro lang siya!

"Umalis ka na! Di kita kailangan! Di na kita mahal!"

Bakit? Bakit mo ba 'to sinasabi sakin? Di mo ba alam na nasasaktan ako? Sabi mo di mo ko sasaktan pero anong ginagawa mo ngayon?

"Hindi ako aalis dito oppa!"

Tumigil siya sa pakikipaglandian sa mga babae niya at tumingin sakin.

"Kung hindi ka aalis pwes ako ang aalis!" sigaw niya sakin at lumabas na siya ng bar.

Ikaw pa rin ba yan Sehun oppa? Hindi yan ang Sehun na nakilala ko. Hindi yan ang Sehun na boyfriend ko.

Lumabas din ako at sinundan siya.

"Oppa! Sabihin mo nga sakin ano bang problema mo? Bakit ba bigla ka na lang nagkaganyan?"

"Bakit? Tch. Simple lang. Nagsasawa na ko sayo! Hindi na kita mahal! Naiinis na ko sayo! Nakakairita ka! Kaya pwede ba layuan mo na ko?!"

No. Hindi ako naniniwala. Mahal niya ko.

"Oppa! Please umuwi na tayo! Sorry sa kung ano mang nagawa ko! Basta umuwi na tayo!"

Tumingin siya sakin at nakita kong nanlilisik ang mga mata niya.

"Sinabi ng umalis ka eh! Hindi kita kailangan! Ayaw ko sayo! Sawang-sawa na ko sayo!"

At dun na pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Oppa naman eh! Wag ka nga magbiro ng ganyan! Mahal mo ko diba?"

"Hindi na kita mahal Min! Hindi kita minahal! Pinaglaruan lang kita! Kaya pwede ba tigilan mo na ko!"

Tumawid siya ng kalsada pero may nakita akong van na paparating at mabubunggo siya. Kaya tumakbo ako at tinulak ko siya. Ako yung nabangga. Okay lang. Basta ayokong masaktan siya. Mahal na mahal kita oppa.

"Umal---f*ck!" narinig kong sigaw niya.

"O-oppa...s-sarangh---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tuluyan ng nagdilim ang paligid.

"M-min! H-hey! Wake up! C-come on! I take back everything I said! I l-love you! P-please! Wake up!"

~¤~¤~¤~¤~¤

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ko. Bakit ba ko nananaginip ng ganun? Napaginipan ko rin yun nung nakatulog sa kotse ni Eunwoo.

Hinawakan ko yung pisngi ko at naramdaman kong basa ito. Hala umiyak ako?

Siguro naman hindi mangyayari yun. Natatakot na naman kasi ako eh. Haysss...panaginip lang naman yun. It was just a bad dream.

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
A/N: Ang harsh ko ba? Pagkatapos magsaya ni Min lulungkot na naman siya. Hehe...yun talaga yung flow eh. Sarreh! Dapat kahapon ako mag-uupdate eh. Kaso umalis kami, kaya eto muna. Guys! Sino bang magandang i-pair kay IU?

OPERATION: Seduce Exo[On-Hold]Where stories live. Discover now