"Kung gusto mo makagawa at makabuo ng magandang istorya , Kailangan ilagay mo ang sarili mo sa lahat ng magiging karakter mo , Kailangan kilalanin mo ang bawat karakter , at siyempre kailangan mong alamin kung paano ito matatapos ng maganda." napabuntong hininga ako , at nag simula nang tumunog ang bell para mag dismiss na , Kaya tumayo na ako at pumunta ako sa may ginawa kong bahay malapit sa school ko
Isa akong babaeng may maraming gustong gawin sa buhay , Gusto kong lumawak pa lalo tong imahinasyon ko at sa bahay na ito , dito ko muna ibinubuhos lahat , Wala na akong magulang , at lahat ng gusto ko naandito na , Kahit na maliit , Pinagpilitan ko parin na isiksik dito , Halos kumpleto narin , Nabuo ko tong maliit na bahay na to bunga ng pagsali ko sa mga contest sa School katulad ng Story Making .
At dahil nga magaling ako sa pag gawa ng Istorya , Kinausap ako ng Prof ko
"Scully , maaari bang gumawa ka ng istorya ayon sa mga nakikita mo dito sa paaralan? Yung magkakaroon ng interest yung mga tao na basahin iyon , yung makakarelate ang mga mambabasa at syempre ikaw " Napaisip ako kaya nag isip isip muna ako bago ako sumang ayon
__
Napahiga ako nang bigla akong napatayo dahil bigla nabasag yung salamin ng bintana ko kaya naman nanlaki yung mata ko at lumabas para tignan kung sino ba yung nakabasag
"Kunin mo na yan , Aanga anga ka kasi eh! Hahahahaha" napatingin ako sa nagsalita , at napatingin sa inutusan niyang kunin yung bola
"AH e hehe sorry po"tumakbo na yung lalaki at pumunta ulit doon sa nag utos , hindi na ako nakapag salita at napatingin nalang sa salamin ko
"Lintian , pano na yan? basag na yung bintana ko?"bulong ko sa sarili ko , napabuntong hininga nalang ako at pumasok na ulit sa bahay ko
Pumunta na ako sa may lamesa ko at binuksan na yung laptop , at binuksan na yung Words para makapag simula na mag sulat ng Istorya
"Ano bang Istorya ang pwede na makukuha ko ang interest ng mga mambabasa?" napabuntong hininga na naman ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako
--
Kinaumagahan
Napakamot ako ng mata at napatingin sa laptop ko
"Jusko wala pa pala akong nasisimulan " tumayo na ako at naghanda na para pumasok
Fastforward
School...
"Okay Class see you tomorrow"Tumayo na kaming lahat at nag silabasan na nang bigla akong napatigil sa may Gym namin
"Teka yung lalaki kahapon yun aa" sabi ko sa sarili ko at nang sinilip ko siya , napanganga ako ng onti
"U-umiiyak ba siya?"sabi ko ulit sa sarili ko
Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak , Kasi karamihan sa kanila tinatago yung kalungkutan nila.
Hindi ko napansin na nasa tabi niya na pala ako kaya , kanina pa pala siya nakatingin sakin at nanlaki naman yung mata ko
"A eh"napalunok ako
"Teka Goldilocks?"napakunot naman ako , Goldilocks?
"H-Huh?"
"Ikaw yung nasa bahay kahapon na malapit dito sa school diba?"mas lalo akong napakunot , kanina umiiyak lang to tapos ngayon nang aasar na
Hindi nalang ako nag salita at tumalikod na pero bigla siyang nagsalita
"Teka" napastop ako
"P-Pwede bang"napatigil siya at onti onti akong humarap sa kanya , naka upo parin siya at nakapatong yung dalawang siko niya sa magkabilaang tuhod at nakayuko