Entry no. 6

9 2 0
                                    

Walang pasok ngayon at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na lalaki pala talaga si Cenon? At isa pang pinoproblema ko , paano nalang kung naliligo ako at mali ng pinto ang mapasukan ni Liyon? nako nako.

Napabuntong hininga ako at humiga sa kama ko , Umagang umaga tamad na tamad akong bumangon , Wala akong gustong gawin ngayong araw , Gusto ko lang humilita , bumangon , kumain , maligo , kumain , humilata vice versa.

"Hayyyy buhay" sabi ko at napapikit ako nang biglang dumilim , nawala yung liwanag habang nakapikit ako kaya binuklat ko yung mata ko ng dahan dahan nang biglang nanlaki yung mata ko

"Halloo"Nagulat ako nang nasa taas siya ng ulo ko , kaya naman tinaas ko yung kamay ko at tinulak siya sabay bangon ko

"A-anong ginagawa mo rito?!"

"Wow , parang first time kong pumunta dito ha?"Tumitibok na naman ng mabilis tong puso ko , nakakainis na , iba na nararamdaman ko kapag kasama ko siya patay na , Naiilang na ako sa kanya .

"Oh , may sakit ka ba?" napaatras ako nang bigla siyang pumunta sa harap ko at hinawakan yung noo ko

"Hmmm , may sinat ka ah"nakatingin lang ako sa kanya

"Jeez may sinat daw ako?" sabi ko sa sarili ko

"Teka , diyan ka lang ha? wag kang gagalaw diyan" tumayo siya sa kama ko at bumaba sabay labas ng kwarto ko

sinundan ko siya ng tingin

"Teka anong gagawin niya?'' sa totoo lang , hindi nga ako gumalaw sa pwesto ko , hanggang sa makaamoy na ako ng pagkain galing sa kusina kaya naman tumayo ako at dahan dahang sumilip

at bigla na namang tumibok tong puso ko , napahawak ako sa dibdib ko

"Asar , bakit ka ba agad nakaramdam ng kakaiba diyan sa lalaking yan?" sabi ko sa sarili ko

"Oy!" nagulat naman ako nang bigla siyang nagsalita at napaharap ako sa kanya habang nakahawak padin sa dibdib ko

nanlaki yung mata ko nang lumapit siya sakin at napapikit nang nilagay niya yung hintuturo niya sa noo ko

"Sabi ko sayo na doon ka lang diba?"hindi ako makapagsalita

HINDI AKO MAKAPAGSALITA!

"Hay nako , umupo ka na nga " pumunta siya sa likod ko at hinawakan niya sabay pinaupo niya ako.

"Ah e , b-bat mo ba to ginagawa?" HALA PATAY NA! ANO BA TONG PINAGTATANONG KO?!

"Ha? siyempre may sakit ka hahaha ano ka ba?"

"B-bayad ba sa mga ginawa ko sayo?" JUSMEYO SCULLY!

"Oy hindi ah , kumain ka na nga " pumunta siya sa tabi ko at sinandukan ako , kaya hinipan ko na yung pagkain at napatingin ako sa kanya , naka ngiti

"Ano? masarap ba? pinagpaguran ko yan" at ngumiti na naman siya , kaya naman napa tawa ako ng mahina

"Talaga? Hmmm lasang lugaw padin naman " kala mo kung ano nang niluto niya , e lugaw lang naman

"Talagang pang may sakit ha?"

"Tsss , kahit lugaw yan , pinasarap ko parin yan no" nagtawanan lang kaming dalawa at bigla siyang lumapit sakin , kaya nawala yung ngiti ko sa labi at nanlaki yung mata ko

"Hmmm may sinat ka padin , sana mamaya okay ka na" napalunok ako , Ang seryoso ng boses niya , ang seryoso ng muka niya . Bwiset tong lalaking to , pinapahulog niya talaga ako sa kanya

Hindi na naman ako nakapagsalita , at maya maya tumayo na siya at niligpit lahat ng ginamit niya nang mapatingin ako sa nagvavibrate na phone

"Lia" bulong ko

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon