Humeaddown nalang ulit ako nang bigla akong iwan nila Cenon at Lia , Napatingin ulit ako sa may bintana at andun na naman si Liyon.
"Ayos na ba sila?"tanong ko sa sarili ko
Lumabas na ako ng room nang mag dismiss na , Hinahanap ko sila Cenon kaso hindi ko na makita nang may biglang pumitik sa noo ko kaya naman napahawak ako sa noo ko at napapikit
"Aray ko! kanina pa may nananakit sakin ha!"at nang pagka buklat ko ng mata
"Ha? Sino yung nanakit sayo? bugbugin natin"napairap naman ako at tumingin sa tabi
"Hahahaha Joke goodboy na ako"dagdag niya
"Oh ano na? nag usap na ba kayo?" tanong ko sa kanya at siya naman parang nahihiyang ewan
"Oo , Sabi niya pag iisipan niya daw basta gawin ko lang daw yung makakaya ko para makuha ulit siya"
"Ohh , Goodluck , Tapos na ata yung trabaho ko? "
"Ha? Hindi mo na ako tutulungan?"
"Tinulungan na kita ha? , Marami pa kasi akong inaasikaso baka hindi na kita matulungan pa , Kaya ginawa ko agad yung makakaya ko na kausapin si Lia para sayo , kaya ikaw na bahala sa iba okay?"
Ewan , hindi ko na naman alam kung ano ba tong pinag sasabi ko , Pero parang gusto ko nang tapusin yung istoryang ginagawa ko , At ipasa na sa prof ko tutal madami dami na rin yon.
Umalis na ako sa harapan niya nang bigla niya akong hinarangan
"Please , kapag nakuha ko na talaga siya , doon mo na ako pabayaan"napabuntong hininga ako
at tumingin sa kanya kaya naman tinitigan niya rin ako
"Please?"
"Hay nako , Basta siguraduhin mo lang na matino ka na "
"H-Ha? a-ano kasi"
"Ano? hindi ka parin ba tumitigil sa gulo?"hindi siya mapakali kaya naman umalis nalang ako sa harap niya
"Aabangan nila ako mamaya"Napastop ako nang bigla siyang nagsalita kaya naman humarap ako sa kanya
"Ano na naman bang ginawa mo ?" napayuko siya
"Alam na nila na matino na ako , kaya ngayon sila reresbak " wala na akong choice kung hindi bantayan siya kaya lumapit ako sa kanya
"Uuwi ka na ba? s-samahan nalang kita" sabi ko
"Ha? sira ka ba? eh paano kung madamay ka?" Ay Oo nga pala
"E anong gagawin mo?" huminga siya ng malalim kaya naman napatingin ako sa kanya ng direcho
"Dont tell me , Magpapabugbog ka na naman?" at hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko
"Kaya ba nagkakaroon ka ng mga pasa sa muka mo kasi hindi ka lumalaban? eh paano kung mamatay ka sa kakabugbog nila sayo?" huminga ako ng malalim , hindi ko dapat sinasabi tong mga to sa kanya
"Okay lang atleast alam niyo nang lahat na nagbago na talaga ako"
"Eh p-paano si Lia?"
"Andiyan ka naman eh , Alagaan mo siya para sakin"at lumapit siya sakin sabay hinawakan niya ako sa balikat ko at ngumiti
"Hindi pa kita masyadong kilala pero ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko , Kaya nagtitiwala ako na hindi mo siya papabayaan"at umalis na siya sa harapan ko
Napabuntong hininga naman ako
"Teka , sineryoso niya ba yung sinabi ko? Nagpapaalam na ba talaga siya?" sabi ko sa sarili ko