Entry no. 7

7 2 0
                                    

Kumakain na ako ng almusal ko dito sa convenience store , tinamad na akong bitbitin pa yug binili kong pagkain sa bahay kaya dito nalang ako kumain nang biglang tumawag si Cenon kaya napa ubo ako at pinunasan yung bunganga ko

"O-Oy Cenon a-ano ng nangyari kay Liyon?"

"Okay na raw siya Beshi , Gusto mo bang pumunta rito?"tanong niya kaya naman napalunok ako

"H-Hindi ko atang siya kayang makita Cenon"

"Hayz ano ka ba . Hmmm baka mga friday mo pa ulit siya makita , kailangan niya daw kasi magpahinga eh lalo na sobra na daw yung pagkakabugbog sa kanya"napabuntong hininga ako

"O-Okay lang atleast makakapagpahinga siya"

"Osige , ay teka ikaw ba? Okay na ka ba ha? may sinat ka parin ba?"

"Hmmm Onti nalang ata , Bwiset kasi si Liyon eh wala naman talaga akong sinat nagkatotoo tuloy "

"Hahahaha Oh , Gising na si Liyon gusto mong maka usap?"

"Ha? W-Wag n-"

"Hoy Goldilocks"nanlaki yung mata ko nang marinig ko yung boses niya , hindi ako makapagsalita , bumilis na naman tibok ng puso ko , Jeez

"Grabe ka pagkatapos kitang pakainin ng pagkasarap sarap na lugaw hindi ka pupunta dito?"nang sinabi niya yun bigla nalang may tumulo sa mata ko at napakagat ng labi

"B-badtrip ka"

"Hahahahaha umiiyak ka ba?"pinunasan ko yung luha ko

"B-Bakit ako iiyak? Magpahinga ka nga ! bye" pinatay ko na yung phone ko at napahinga ng malalim

at maya maya napatingin ako sa phone ko may nag message sa messenger

Liyon sent a photo

Binuksan ko yung sinend niya at nakita ko yung picture niya , naka hospital gown siya at naka peace sign kaya naman napangiti ako 

umuwi na ako ng bahay umupo sa may study desk ko nang biglang tumawag si Lia

"Scully? "

"L-Lia?"

"Alam mo ba kung saang hospital si Liyon?"napalunok ako

"Ah Oo , s-se send ko nalang sayo yung address at yung room niya"

"Hayz maraming salamat Scully , Ahmm , gusto mo bang sumama?"

"H-Ha? m- may ginagawa kasi ako eh baka sa susunod na ako makapunta , i-ingat nalang Lia"

"Aw osige thankyou ulit , bye" napabuntong hininga ako at ito na naman yung sakit ko na hindi macontrol yung sarili

Bigla ko nalang sinearch yung pangalan ni Lia

it is to strive or excel or Rival

Napabuga ako ng hininga , talaga bang sumasakto yung mga pangalan namin sa mga meaning non? o sadyang nagkakataon lang?

--

inabot ng limang araw na wala akong naidagdag sa istoryang ginagawa ko , dahil wala yung main character wala akong ma ikwento at hanggang ngayon hindi ko parin siya binibisita hanggang sa makaabot na sa pag alis niya sa hospital

School.

"Hoy babae , bakit naman hindi mo sinubukang puntahan si Liyon sa hospital? " napayuko ako at kumain nalang , naandito kami sa canteen ni Cenon

"Alam mo bang ako lang nakapanood ng nakakaiyak na movie nung  naandun si Lia sa may hospital?" dagdag niya

"Huh? nakakaiyak na movie?"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon