Entry no. 9

10 2 0
                                    

Naiilang ako nang lumapit ako sa kanya 

"Uy may sakit ka na naman ba?"Lumapit siya sakin at hahawakan niya sana yung noo ko kaso napaiwas ako bigla

"Uy problema mo?" pumasok ako sa pinto nang isasara ko na bigla niya na namang hinarang yung paa niya

"aray ko! pangalawa na to ha" kaya nagulat ako

"Hala sorry!" at binuksan ko na naman , Jusme nadala na naman ako , nakapasok na naman siya

lumapit siya sakin at parang may balak gawin kaya naman umatras atras ako

"Hoy Goldilocks , Anong meron sa inyo ni Cenon?" napatingin ako sa kanya at napalunok

"H-Huh? A-ano bang pinagsasabi mo?" umaatras parin ako hanggang sa makasandal na ako sa pader at siya napatigil sa harapan ko 

"Teka" at nilagay niya yung dalawang kamay niya sa tabi ng muka ko kaya naman nanlaki yung mata ko at napatingin ako sa kanya sabay ngumiti siya , jusko ang gwapo sinabayan pa ng nakakakilig na kanta 

"Naiilang ka ba ha?" seryoso niyang pagkakatanong kaya naman napalunok ako

"T-Tsss b-bat ako maiilang?"at kung saan saan na ako napapatingin nang bigla niya akong pinaharap sa kanya kaya nagulat ako

Ang seryoso ng tingin niya sakin , ang gwapo niya , Hindi ko na kaya , hihimatayin ako dito

ilang segundo din kami nagtitigan nang bigla siyang umalis sa harapan ko kaya ang dami kong hangin na naibuga at bigla siyang pumunta sa kama ko at humiga

"O-Oy " sabi ko

"Papahinga lang ako , napagod ako bigla" lumapit ako sa kanya at nakita ko na nakapikit na siya at humihilik

at bigla nalang ako napangiti , jusko baliw na ako

--

11:30 na ng gabi at hindi parin ako makatulog nang may kumakatok na naman sa bintana ko

kaya bumangon ako para tignan kung sino yun

"Oh Cenon?"at binuksan ko yung bintana sabay pasok niya bigla at upo ulit sa kama ko

"Kakayanin ko na Beshi , aamin na talaga ako sa kanya " naka poker face ako sa kanya

"Kaya ka pumunta dito para lang sabihin yan?"

"Ihhh Beshi , feeling ko kasi magiging bakla na talaga ako kapag ginawa ko yun eh , baka kiligin ako hihihihi"

"Hahahahaha loka ka talaga , pakalalaki ka! " huminga siya ng malalim at ngumiti

"Ano kayang mangyayari sa party kapag umamin na ako sa kanya no?"

"Tignan mo , dadami fans mo kapag nalaman nila na lalaki ka talaga " at nag apir kaming dalawa

"Hala beshi masyado ka bang gwapong gwapo sakin? Hahahahaha"

--

Party...

Cenon's POV

Nag hahanda na ako para sa party mamaya , Inayos ko na yung necktie ko at binrush up yung buhok ko at siyempre inayos ko na yung totoo kong boses , ayoko na paliitin tong boses ko para lang maging babae ako , nakakahiya naman na aamin ako kay Lia na pang babae parin boses ko diba?

Huminga ako ng malalim at umalis na ng bahay , pero siyempre dinaanan ko muna beshi ko nang makita kong nakahilata parin siya kaya naman kinatok ko ng malakas yung bintana niya at nahulog siya sa kama niya 

"Bwiset ka Cenon!"

"Bumangon ka na diyan oy! "

"Hala ka , anong oras na ba? badtrip ka kasi eh nanggulo ka pa kagabi eh! " at nagmadali siyang kumilos at hinintay ko nalang siya , maya maya natapos na din siya at sabay kaming pumasok na sa school.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon