Nasa canteen na ako at hanggang ngayon iniisip ko kung paano nangyari na si Lia pala ang girlfriend dati ni Liyon. Lagi ko namang kasama si Lia pero bakit hindi ko man lang napapansin na may something sa kanilang dalawa . Tska ngayon ko lang din nakilala si Liyon .Grabe ang galing nila mag tago ha
"Uy kanina pa kita hinahanap"Napatingin ako sa nag salita
"L-Lia"umupo siya sa tabi ko at nakangiti siya sakin
"Oh , may problema ba?" Tanong niya , kaya naman para madugtungan ko na yung istoryang ginagawa ko , Kailangan ko siyang tanungin kung ano nangyari sa nakaraan nila ni Liyon
"P-Pwede ba tayo mag usap?"
"Ha? Oo naman sira ka talaga hahahaha"
"Sa rooftop"dagdag ko
Nasa may Rooftop na kami at nakapatong yung mga kamay at baba namin sa may harang paa makita yung mga puno sa baba at mga bahay
"Tagal mo na rin diyan sa bahay mo no?"pag uumpisa ni Lia
"Ah eh haha Oo nga eh "
"Teka , ano ba yung sasabihin mo?"napatingin ako sa kanya at siya nakatingin siya sa may langit habang ngumingiti
"A-Anong meron sa inyo ni Liyon?"ngayon , nawala yung ngiti niya , at dahan dahan niyang ibinaba yung ulo niya
"H-Ha? hahahaha anong pinag sasabi mo?"humarap ako sa kanya
"Lia , Hindi ko alam to pero Kaibigan mo ako . Hindi mo ba ako mapagsasabihan ng problema mo?""Hahahaha ano ka ba , wala akong problema no"napabuntong hininga ako
"Kaya ba umiwas ka nung nasa UC tayo kasi andun si Liyon? at nung umalis ka , tinanong niya ako kung ikaw ba yung kasama ko?"napayuko siya
"S-Scully , a-ayoko nang pag usapan to"
"Pero kaibigan m-"bigla siyang tumayo , kaya nagulat ako at napatingin sa kanya
"Oo kaibigan kita , kaya wag na natin to pag usapan kasi baka dahil dito masira yung samahan natin" umalis na siya sa harap ko pero bigla akong tumayo at sinundan siya
"Alam mo bang sinusubukan niya nang magbago para lang makuha ka niya ulit?" napatigil siya kaya naman napalunok ako
"Nakita ko siyang umiiyak non sa Gym , At ayun ang araw na unang beses ako nakakita ng lalaking umiiyak" dahan dahan siyang humarap ulit sakin kaya naman mas lumapit ako sa kanya
"Pero ayoko na Scully"
"Bakit? kasi natatakot ka?"
"Oo , natatakot ako kasi baka saktan niya na naman ako"huminga ako ng malalim
"Lia ,bakit ka ba kasi nagkakaganyan , Kung alam mo lang kung paano ginagawa lahat ni Liyon para sayo"pagpapaliwanag ko at pumunta ulit siya sa may pwesto namin kanina kaya naman sinundan ko siya
"Ayoko na masaktan Scully , Ayoko na magtiwala"
"Ano ba kasing ginawa niya sayo non at nagkakaganyan ka? at ang tanong , bakit sinagot mo siya kung ayaw mo naman palang masaktan?"
"Eh Scully hindi ko naman alam na magiging ganon ang sitwasyon naming dalawa , Oo mahal na mahal ko si Liyon pero habang tumatagal nakikita ko yung tunay na ugali niya kaya punong puno na ako nang panghihinala tuwing umaalis siya , Kasi alam ko na nasa gulo siya at may mga kinakalaban na naman at lalo akong nasaktan nung nakita ko siya sa may bar na may mga nakapalibot sa kanyang mga babae , tinatawagan ko siya that time pero hindi niya ako sinasagot"
"Noon bang niligawan ka niya hindi mo pa ba alam na ganon yung ugali niya?"
"Hindi pa Scully kaya nga sinagot ko siya eh kasi akala ko Mabait siya at mamahalin niya ako katulad ng binigay kong pagmamahal sa kanya"