Part 1-"Yellow Umbrella"

58 4 0
                                    


With sling bag on my shoulder and keeping books in my arms, nagmamadali na akong lumakad pababa sa may shed para makaabot sa shuttle service this morning. Nagulat na lang ako na may ibang tao pala dun which is usually palagi naman akong mag-isa doon.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagkatinginan kami for only just 2 seconds, after that balik na ulet yung guy sa phone nya. Yes, only 2 seconds at never na syang tumingin sa akin.

Every morning sa shed palaging ganun, para lang akong halaman na nakatanim doon - nganga lang! Walang pansinan, walang imikan. Pagsakay nga sa bus palagi syang nauuna, pagdating naman sa Campus ito naman yung huli pagbaba.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ganun lang palagi ang eksena sa shed. Kung hindi ako ang mapapaaga, maaabutan ko nlng sya na nakaupo na doon.

Sa village din sya nakatira but I don't know the exact block or street, basta ang alam ko mauuna ang bahay namin - sa kanila diretso pa.

Sa school ko na nga lang nalaman name nya, sa kwentuhan ng mga girls doon. Actually maraming nagkaka-interest sa kanya, lutang na lutang kasi sya sa crowd dahil sa tangkad at puti ni kuya.

Oo, pogi sya pero ang mas nakakahook kasi sa kanya ung pagka-mysterious type, tahimik lang na medyo suplado - parang walang gustong kausap.

"Arvin" un ang name nya. Same kami ng year sa highskul pero pilot section sya kaya madalas sa mga skul events ko lng sya nakikita. Sa bus service palagi syang nakapwesto sa last row seats, favorite nya dun sa may bintana sa right side.

Sa front row ako before nung sa kanya, sa left side namn ako ng window. Ayoko ngang tumabi sa kanya baka kung anu isipin nila. Mamaya pipikit na yun sa byahe, di yata sya mabubuhay ng wala earphone nya.

Minsan ko lang syang makasabay pag-uwi, pagbaba namin sa shed diretso na pataas. Di ko sya magawang habulin dahil sa bilis nyang maglakad.

Habang tumatagal nararamdaman ko ang excitement everytime na papasok ako dahil alam ko magkikita na naman kami sa shed. At habang nag-iintay kami doon nagagawa ko syang pagmasdan, pero mabilis lang dapat nakakahiya baka mahuli nya ako.

Basta ang alam ko kinikilig ako, palaging inspired, dami ngang naiinggit sa akin kasi nakakasama ko sya sa shed palagi. Naging masaya ang 2 years na yun kaya ngayong malapit na ang graduation naiisip ko din kung dito pa rin ba sya sa campus magccollege or ito na ba ung time na magkakahiwalay na kmi?

"I'll never forget the moment na marinig ko ang boses nya for the very first time. One morning sa shed habang naghihintay ng service nagring phone nya, tandang-tanda ko pa ung exact words na sinabi nya: "Yes ma? ...Okay I understand, I will."

And that's it, tumatak na yun sa utak ko. Malaki ang voice nya, masarap pakinggan, hay naku sya na talaga!

One week before the graduation, hindi ko inaasahan ang close encounter ko sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o umiyak nlng after nun.

Isang uwian kc after ng final exams nagmamadali na akong umuwi, di na ako sumama sa mga classmate ko na magmall basta ang alam ko nakakapagod ang maghapon. Kaya nga pagsakay sa bus service tulog agad ako.

Nagising nlng ako sa lakas ng ulan sa labas, di ko alam kung paano ako makakapasok sa village medyo padilim na noon, naiwan ko kasi payong ko kanina. Pagtanaw ko sa may itaas nakita ko ung kapitbahay namin na papasok ng gate at nakapayong.

Kung tatakbo ako ng mabilis paakyat sa mga steps pataas, maaabutan ko sya. Pero ito na ung eksena na parang pang koreanovela.

Patakbo na ako ng biglang may humawak sa siko ko. Napa-iktad ako sa pagkagulat, may nagpayong sa akin mula sa likuran.

Napangaga ako nung nalaman ko kung sino ang may dala ng yellow umbrella: "Oh my gosh!!! Totoo ba to or panaginip lang? Grabe tagal nmn ng tulog ko sa shuttle!

Si Arvin ba tong nasa harapan ko?" Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba sa dibdib, parang lumaki bigla ulo ko. Di ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya, naramdaman ko nlng na hinila nya na ung siko ko.

"Tama gising na nga ako, nararamdaman ko hawak nya sa akin! Oh my anung gagawin ko?"

Ni hindi ko magawang itunghay ang ulo ko sa paglalalakad, ewan pero parang umurong dila ko, ni wala akong masabi na kahit ano. Di ko ma-explain yung feelings, malamig ang ulan pero bakit pinapawis ako.

          Sa tuwing nagkakadikit mga braso namin feeling ko matatalapid ako sa paglalakad sa sobrang kilig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa tuwing nagkakadikit mga braso namin feeling ko matatalapid ako sa paglalakad sa sobrang kilig. Di ko nga namalayan na nsa tapat na pala kmi ng gate ng bahay namin.

Medyo ambon na din, nawala na ung kaninang malakas na ulan. Feeling ko nga ginawa lang ung ulan para sa magkaroon kami ng moment together.

Bigla nyang kinuha ang kamay ko! "Shocks, ang bilis nman nito hawak kamay agad eh di mo pa nga yata alam name ko?" Pinahahawakan nya lang pala ung payong tapos patakbo na syang umalis.

"Wait lng ung payong mo!" That's the very first time na I talk to him. Pero lumingon lang sya at ngumiti, after that wala na sya... As in nawala na sya kinabukasan, sa sumunod na linggo hanggang sa graduation day kahit anino nya wala.

Ni wala akong mapagtanungan if anong nangyari or may alam ba kung asan sya ngayon. Akala ko pa nmn ung hapong iyon na ang simula, di talaga ako nakatulog sa kaiisip, pero yun na pala ung naging huli naming pagkikita.

Ano yun, bakit ganun? Asan na si Arvin? Bakit feeling ko ang bigat-bigat sa pakiramdam. Halos lahat ng picture ko sa graduation malungkot di ko magawang ngumiti, sabi ko nlng masama pakiramdam ko.

Nung mag-isa nlng ako sa room ko, di ko na napigilan halos lumutang kama ko sa dami ng luha na nailabas ko. Ang alam ko lng sobra akong nag-aalala sa kanya at sobrang hirap dahil wala akong alam kung sino makakasagot sa tanong ko.

Tanging yellow umbrella lang ang nag-iisang alaala na naiwan nya.

"Asan ka na Arvin, okay ka lng ba? miss na miss na kita!"...


WAITING SHED || A Short Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon