Part 5-"Afraid of Losing You"

25 1 0
                                    


Muli kong binuksan ang faucet sa sink, kahit ilang beses ko cgurong basain ang mukha ko ng tubig, hinding-hindi cguro nito mabubura lahat-lahat ng bagay na bumabagabag sa akin ngayon.

Dumukot ako ng tissue sa bulsa, this time kelangan ko ng tuyuin ang mukha ko at magretouch.

Muli akong tumitig sa salamin, still I can't make any reaction from my face, kahit anung pilit ang gawin ko hindi ko magawang ngumiti, para bang tamad na tamad ang mga muscle ko sa mukha.

Hindi ko din magawang umiyak na dapat kanina ko pang ginawa. Di ba etoh na ung pinaka-iintay kong moment ng buhay ko, ang makita sya?

Yung 10 years na pag-aalala at paghahanap, yung pangungulila at nakakapagod na paghihintay, finally matutuldukan na - nagkaharap na kami, as in harap harapan! Pero bakit ganun? Ganun ba talaga magbiro si destiny? Lalo kasi akong naguluhan.

Sa loob ng halos kalahating oras na pananatili sa loob ng wash room dito sa mall, sa tingin ko sapat na un para marefresh ako, feeling ko naman mas kalmado na ako ngayon.

Kung tutuusin its time na para kumain ako ng dinner, kanina pa kasing walang laman ang sikmura ko, nung tanghalian halos wala kaming time ni Alex para maglunch, pero ewan, wla akong anumang nararamdaman na reklamo ng tyan.

Matapos ang presentation with the client kanina, dito na ako nagpababa kay Alex. Pinilit kong magmukhang maayos sa harap nya para di nya muna ako ihatid sa terminal namin, ayoko pang umuwi.

Ang naiisip ko ngayon kelangan ko munang aliwin ang sarili ko, ung makakita ng maraming tao, makarinig ng ingay, maramdaman ang realidad ng buhay, kelangan ko ng kahit anung bagay na gigising sa aking kamalayan.

Gusto ko maging normal lahat, alam ko kaya ko to, nakapag-tiis nga ako ng ilang taon di ba?

Sa trabaho ko sanay na si mommy sa schedule ng pasok ko, sa editing maraming time ang kelangan, so kahit ma-late ako ng uwi ngayon basta itext sya okay na un.

Matapos kong makuha ang movie ticket nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng sinehan, comedy ang pinili kong movie siguro nga ito ang kelangan ko ngayon!

Umaasa ako na mailalabas ko to lahat kung itatawa ko, ayoko nang umiyak nakakapagod na. Medyo konti na ang tao sa loob, nasa last week na kasi ito ng screening, sabi nila nakakatawa daw to sobra.

Matapos akong makahanap ng pwesto nagfocus na akong manood, kelan ba ang last time na nakapasok ako ng sinehan? Kung may taong hindi mahilig sa ganito, ako yun!

Dahil uso na ngayon ung mga download sa usb at kahit sa mobile phone pwede na, un nlng ang time ko para maka-update sa movie world. Nakakatawa anu, nasa field ako ng editing/production pero walang hilig sa ganito.

Sa sobrang busy na din cguro sa kahahabol sa deadlines kaya eto wala nang time para sa mga ganitong bagay. Pero ngayon, eto ang naiisip kong paraan para marelax ang utak.

Ilang minuto nang nagsimula, still wala yata akong naiintindihan, nakatitig lng ako sa big screen. Akala ko makakalimot ako sandali pero hindi pala, natutulala talaga ako sa kaka-isip, magugulat na lang ako kapag nagtatawanan na sila.

Cguro nga sobrang comedy ang movie halos sabay-sabay sila kung tumawa may palakpak pa nang kasama, ung tipong nakakadala talaga. Pero ako kahit ngiti di ko magawa-gawa, di ko kayang makipagsabayan sa kanila, madalas nlng akong napapabuntong hininga.

After nun matutulala ulit, pero kahit anung try kong magfocus sa panoorin wala pa din. Buti na nga lang maganda ang napili kong pwesto, walang masyadong katabi, nakakahiya kasi kung makikita nila na wala akong karea-reaction sa palabas, baka iba pa ang isipin nila sa akin.

WAITING SHED || A Short Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon