Sa pagkagat ng preno ni Arvin, sa pagtigil ng aming sasakyan, bigla rin akong napahinto sa malalim kong pagmumuni-muni.Buhat pa nang kaninang pagsakay ko panay na ang tanaw ko sa labas, halos magka-stiffneck na nga ako. Ilang na ilang kasi akong gumalaw, kung nakakaputol lng siguro ng daliri ang kuko malamang kanina pang natanggal ang mga hinlalaki ko sa kamay.
Nakakatense kasi, hindi sa pag-aalala kung saan ako dadalhin ni Arvin, na baka killer na to ngayon at kung saan ako itapon pagkatapos, hindi naman sa ganun!
What I mean is, sobrang iba pala ung feeling na kasama ko sya ngayon, as in kaming dalawa lang. Ibang-iba sya sa nafeel ko before nung magkasukob kami sa yellow umbrella, siguro kasi nagkataon lang un, na wala lang pagkatapos idaan sa bahay, wala na!
Eh ngayon, yung alam ko na may sasabihin sya sa akin, na kelangan meron kaming pag-usapan, na sa sobrang importante nagawa nya pa akong sundan sa mall. Doon ako kinakabahan, doon ako natatakot!
Ano kaya un? Hindi talaga ako mapakali, sa sobrang pag-iisip di ko na napansin kung saan kami pupunta.
Kanina habang nasa byahe kami, ang alam ko lang nararamdaman ko na madalas nya akong sinusulyapan, ewan basta ramdam ko un.
Para bang marami syang gustong itanong at sabihin, pero baka nga na-iilang pa sya at alam nya na ilang na ilang din ako kaya tahimik lng ito sa pagddrive.
Dahil dun lalong nadagdagan ang paghanga ko sa kanya, di sya ung tipong nagttake advantage, pinaparamdamn nya sa akin ung respect kaya naman alam ko na tama ung disesyon ko na sumama sa kanya.
Ayaw nya siguro na maging uncomfortable ako, hinahayaan nya lang siguro na maka-adopt muna ako sa bilis ng mga pangyayari. Siguro nga naisip nya na baka gulat na gulat ako sa biglang pagsulpot nya ngayon.
Na gusto nyang ipakita sa akin na safe syang kasama, na wag akong magworry kasi wala naman syang gagawing masama, gusto nya lang talaga akong makausap.
At sa part na iyon di sya nabigo, feel na feel ko ung care, this moment lalo ko syang nakikilala, sure ako isa syang mabuting tao. Isang tanong lang ang narinig ko sa kanya, kung okay lang daw ba ako?
Isang matipid na tango lang ang sagot ko, sabi nya pa may pupuntahan daw kaming importante, after nun wala na, tahimik na, walng nang kibuan.Nangunot ang noo ko nang muli akong napatingin sa paligid sa labas ng bintana. "Teka, familiar ang tindahan na ito kung saan kami tumigil!" Sigaw ko sa utak ko, sobrang nagtataka lang kasi ako.
"Bakit andito kami, saan gustong pumunta ni Arvin?" Etoh kasi ung store kung saan ako madalas bumili ng mga kelangan ko nung highschool, sabi nga name it at andito na lahat.
Buhat sa pwesto namin tanaw na dito ung waiting shed kung saan una kaming nagkita ni Arvin, mga dalawang kanto lang ang layo mula dito sa tindahan. Di ko naiwasang lingunin si Arvin, busy ito sa pagttxt.
Napadukot ako ng cellphone sa bulsa, kahit may wristwatch ako dito pa rin ako madalas tumitingin ng oras. "Oh no! It's almost 10:00 pm, kaya pala sarado na itong tindahan!"
Usually 9:00 pm kasi closing nitong store, medyo may edad na kasi ang may-ari kaya maaga tong magsarado.
Biglang may umilaw sa may harapan namin malapit doon sa waiting shed, malabo na rin mata ko sa kahaharap sa computer kaya di ko na un binigyang pansin, isa pa wala akong suot na salamin ngayon.Ang alam ko lang kelangan na akong magtxt kay Mommy, dapat makagawa ako ng dahilan, mag-isip nang anumang alibi para di ito mag-alala kasi malayo to sa province namin.
BINABASA MO ANG
WAITING SHED || A Short Story [Completed]
Short Story"We had the right love at the wrong time. Guess I always knew inside, I wouldn't have you for a long time..." Napangiti nlng ako, ito na nga siguro ang awit ng buhay ko, buti pa itong DJ alam ang sitwasyon ko. Pero sabi nga nila di ba first love n...