"Manong para na po!" Bigla akong napatuwid ng pagkaka-upo sa bus nang makita ko ang waiting shed kung saan ako dapat bababa.Masyadong magulo kasi ngayon ang utak ko sa mga nangyari kanina, parang hindi kayang magprocess ng anumang bagay. Ang feeling ko sobrang bigat ng katawan ko, ung mga balikat ko parang may pasan-pasan, ni hindi na nga ako makatuwid ng likod habang naglalakad papalapit sa shed.
Ramdam ko naubos lahat ng lakas ko kanina. "Hay, nakalampas ako!" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makahawak ako sa lamppost na katabi ng shed.
Salamat dahil kung hindi ako nakakapit baka anytime tumumba ako, ramdam ko pa rin ung maga sa mga mata ko.
Maybe its almost 10pm, bukas na ang ilaw dito sa poste at wala nang masyadong dumadaan na mga sasakyan, madalang na lang. Im feeling exhausted at kelangan ko munang mag-ipon ng konting lakas bago ako umuwi sa bahay, kelangan ko munang umupo saglit.
Binuksan ko ang bote ng tubig na binili ko kanina, nakakatawa kasi kanina ko pa gustong uminom kaya lang di ko sya mabuksan-buksan. Actually, hindi ko nga din alam kung paano ako nakasakay ng bus at naka-uwi.
Sa pagkka-inom ko ng tubig parang narefresh ang feeling. Oo, narefresh lahat pati ung mga pangyayari kanina sa party. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili, nagmumukha na kasi akong tanga sa ka-iisip at kahihintay sa kanya.
Kung tutuusin wala nmn akong dapat asahan kay Arvin kasi never naman syang nagpakita ng interest sa akin.
Naramdaman ko ang biglang dampi ng hangin. Masarap nakkarelax, buti pa ang hangin na fefeel ko ung care, atleast nakapagbigay sya ng konting ginhawa.After syang mawala never na akong nakaramdam ng security sa buhay ko, di ko mapaliwanag pero parang may kulang sa akin. Pinagmasdan ko kung saan sya madalas umupo, bigla akong nakaramdam ng lungkot at pangungulila.
Muling nag-init ang mga mata ko, na-iimagine ko kasi na andun sya ngayon at nakasmile sa akin, ung huling smile na iniwan nya sa akin noon un ung nakikita ko ngayon. Parang sinasabi nya: "okay na, wag ka namang malungkot, andito na ako!"
Di ko na mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko, kinakailangan kong tumungo para hindi ako mapansing umiiyak if ever na may motoristang magdaan.
"Miss na miss na kita Arvin, asan ka na ba? Sayang di ka dumating kanina. Hanggang kelan ba ako maghihintay sau? Atleast man lang malaman ko kung pwede na akong tumigil. Nakakapagod na eh!"
Ilang dagok sa dibdib ang nagawa ko sa sobrang pait ng nararamdaman ko. Halos mabasa ang pants ko sa dami ng iyak na naibuhos ko. "Sana man lang andito ka sa tabi ko ngayon para damayan ako."
Nagising ako sa ringtone ng phone ko, nabigla ako sa pagkakabangon sa kama ng makita ko na si mommy ang incomingcall. Napahawak ako sa ulo, parang may pumitik bigla at napapikit ako.Anong oras ba ako nakatulog, parang nakarinig na ako ng tilaok ng manok bago ako pumikit. Grabe sobrang sakit ng ulo ko. "Yes ma?" Yun lang ang nasabi ko at sunod-sunod na ang sermon ng mommy ko.
Oo nga pala may usapan kami na after ng party dapat lumuwas na ako pabalik kinabukasan dahil baka mahirapan akong sumakay kasi malapit nang magholy thursday, pero anung oras na? It's 3pm at kung hindi tumawag si mommy baka abutin ulet ako ng dilim sa kama.
Sa itsura ko ngayon sa harapan ng salamin, di ko yata kayang magpakita sa amin ng ganito. Anu namn ang ipapaliwanag ko eh kahit isa sa knila walang nakakaalam ng tungkol kay Arvin, na walang sinumang lalaki ang magpapaiyak at magppalungkot sa akin dahil NBSB ako.
BINABASA MO ANG
WAITING SHED || A Short Story [Completed]
Historia Corta"We had the right love at the wrong time. Guess I always knew inside, I wouldn't have you for a long time..." Napangiti nlng ako, ito na nga siguro ang awit ng buhay ko, buti pa itong DJ alam ang sitwasyon ko. Pero sabi nga nila di ba first love n...