Part 2-"But Somewhere Down The Road"

49 2 0
                                    


With sling bag on my shoulder and keeping an envelope in my arms, muli kong napagmasdan ang waiting shed, ang nag-iisang saksi ko noon hanggang ngayon.

After 10 years nanatili pa rin itong nakatayo, patuloy na matatag sa kabila ng malalakas na ulan at matinding sikat ng araw. Buti pa sya di napapagod maghintay, buong tiyaga syang nag-aabang ng mga gustong sumilong sa kanya, bukas sya para sa lahat.

Sana maging katulad nya ako na sumusunod lang sa agos, ung hindi napapako sa nakaraan. Dahil habang nakatayo ako ngayon sa gilid ng shed, pakiramdam ko muling nabuhay ung matagal ko nang tinatago dito sa puso ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, kinaka-ilangan ko pang tumingala para mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Halo-halo kasing emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Masaya dahil sa wakas muli akong nakabalik kung saan nagsimula ang lahat, sobrang namiss ko to.

Pero mas nangingibabaw ang lungkot dahil akala ko pagkatapos ng maraming taon makakalimot na ako, umasa na mawawala na ang sakit kapag lumayo ako, hindi pala, andito pa rin pala sya.

          Pero mas nangingibabaw ang lungkot dahil akala ko pagkatapos ng maraming taon makakalimot na ako, umasa na mawawala na ang sakit kapag lumayo ako, hindi pala, andito pa rin pala sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaliwalas ang panahon, lalong nagbibigay lilim ang malaking puno sa tabi nito. Dumako ako kung saan madalas si Arvin nakapwesto.

Noong mga unang buwan na nawala sya madalas ko tong ginagawa, kapag namimiss ko sya pumupunta lang ako dito, nagpapalipas ng ilang minuto, ilang oras siguro, di ko na matandaan.

Basta ang alam ko halos gabi-gabi akong di makatulog sa pag-aalala sa kanya. At ngayon sa muling pag-upo ko parang bumalik lahat-lahat, ung excitement ko paggising sa umaga, ung tagal ko sa salamin bago umalis at ung mga palihim na sulyap sa kanya habang naghihintay kami ng skul bus dito sa shed.

Lahat un na miss ko ng sobra. Sabi ko nga nun sa sarili ko, mas okay na ung di nya ako pinapansin or kausapin, atleast andito sya sa malapit kasama ko, katabi ko.

Feeling ko nga safe na safe ko kapag andyn lang sya sa paligid. Pero ung ganito na until today wala akong kabali-balita sa kanya, ung ilang taong pag-iisip kung nasaan na nga ba sya, un ung patuloy na nagpapahirap sa akin.

Matagal akong nawala dito sa lugar namin, isang taon lang ako dito nagcollege. Yes 1 year lang, pinilit ko pang tapusin yun bago ako magpalipat, hindi ko talaga kaya na halos araw-araw kong makikita ung mga bagay na my connection kay Arvin.

After nun nagpalipat na ako sa ibang lugar sa probinsya ng mommy ko, doon na din ako nagkatrabaho. Hindi ko na din dinala ung yellow umbrella na iniwan nya, para saan pa? Actually, ayoko nang bumalik pero I have no choice, kelangan kong magprocess ng mga papers paalis ng bansa.

Matatransfer kasi ako ng branch aboard for 3 years then after that pwede akong magdecide if magsstay ako for good. Magandang simula un di ba?

WAITING SHED || A Short Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon