Basta Akin ka lang. Akin lang : ) Part 1

821 5 0
                                    

Laking tawa ni Jela ng matalisod si Jeril sa kanyang Harapan . Habang sila ay nagkakaasaran ..

" haha .. Ilan nakuha mong isda dre ? " biro ni Jela . Samantala nama'y  ngumisi lang si Jeril.

Matagal na magkaibigan sina Jela at Jeril .. Simula pa sa pagkabata nila ay parang pinagtagpo na sila ng tadhana ..

Nagkakilala sila sa Kanilang paaralan sa Quezon City. Madalas kasing tumakas si Jela sa kanilang mga activities sa kanilang room at  nagkukunwari pang mag-C.R, madalas rin ay hindi na sya bumabalik at tumatambay sa may harap ng kanilang C.R... Nang  may isang batang lalaking lumabas galing sa room nila. Agad na nagtago si Jela sa ilalim ng fountain sa harap ng Girl's C.R ., Nilingon nya kung naroon pa ang kanyang kak-lase ..

 "  Hay. Buti nawala narin .. " bulong nya. At umupo ulit sa kinauupoan nya .. Habang ngat ngat nya ang kanyang  Name Tag ..

Nagulat sya kasi yung batang lalaki ay kakalabas lang sa C.R, nawalan na sya ng oras upang magtago . Nilapitan sya ng bata at  umupo sa tabi ni Jela . Sabay .. " Hala! Lagot ka kay Ms.  Gomez . Di ba Classmate kita ? " tanong nito.

"Ang Daya mo. Isusumbong kita! " dagdag pa nya.

" Bakit nag C.R naman ako eh ." pagsisinuwaling ni Jela ..

" J-e-Je---l ..... " sabi ni Jeril habang binabasa ang name tag  ni Jela.

" Ano ba yan Jela yan. " naaasar na sagot ni Jela.

 " Eh, Ikaw ano ba pangalan mo ?" dagdag niya sabay kamot sa kanyang ulo.

" Jeril Valquez ".  Maya-Maya  lang ay napansin na ni Ms. Gomez na wala pa ang 2 sa kanyang mga estyudyante. Kaya lumabas sya at napuna nya sila Jela at Jeril . Pinapasok ni Ms. Gomez sila sa Room nila .        

  Uwian na ng muling mapanisin ni Jela si Jeril. Dahil sabay na dumating ang kanilang sundo. Hindi naman kinakausap ni Jela si Jeril matapos na mahuli sila ni Ms.Gomez kasi alam nyang maaring isumbong sila nito sa kanyang mama.  Nang sila'y uuwi na ng kanyang mama.......

Laking taka nya ng makitang nasa likuran sila Jeril. At hindi rin nya maiwasang isiping sinusundan sila nito.  Nang hangang nasa Street na nila Jela ay nasa likuran parin nila sila Jeril. Panay na ang tingn ni Jela sa likuran . Nang  makarating na sila Jela sa bahay nila.  Sabay sulyap sa pupuntahan nila Jeril .. '" AH!!! Taga rito paala iyon. "malakas pa nyang binigkas

 Nang sumunod na mga araw ay hindi naman sila naguusap, ni-maglaro kahit magkalapit lang sila ng bahay... Nang isang araw ay inabutan ng nanay ni Jela ang Bahay nila Jeril ng Handa. Dun nagsimula ang pagkakaibigan ng Mga magulang nila, madalas rin sila makipagtsismisan. kaya naging malapit  narin sa isa't isa sila Jela at Jeril. Madalas mangapit bahay si Jeril kila Jela upang maglaro. Ngunit kahit PAULIT ULIT ULIT nalang nilang nilalaro ang  tagu-taguan ay parang bago ulit pag sila ang naglalaro. Makalipas ang 7 buwan ay pinaalam ni Jela kay Jeril ang natanggap na tsismis. " Hoy. Lilipat na kami na bahay!. "pagyayabang ni Jela., Bagamat bata, ipinapakita nilang parang wala lang ito para sa kanila.

Dumating na ang araw na isasagawa ang paglilipat nila Jela. Umaga palang iyon ay bumisita na ang Mommy Carli ni Jeril upang magpaalam sa kanyang kumare at syempre kasama si Jeril. Habang nagkwe-kwentuhan ang mga Mommy nila Jeril at Jela, Hinila ni Jela ang Kamay ni Jeril at pinunta sa Teris ng kalapit na apartment sa kanilang street. " Ang Daya mo. " mahinang bigkas ni Jeril kay Jela. " Bakit naman ?" nagtatakang tanong ni Jela kay Jeril. "Kasi iiwan mo na kami, Eh pano pagdumating na sila Ongkan ? Pano ba mabubuo yung grupo natin eh aalis ka ?" nanghihinang tanung ni Jeril. Samantala nama'y nanatiling tahimik si Jela. Maya-maya lang ay Umalis rin sila roon at hindi nagkibuan man lang.

Basta Akin ka lang. Akin lang : ) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon