Part 6

129 2 0
                                    

Mag 9:30 na nakauwi si Jela. Pagbukas niya ang pintuan ay nakatulog na sa kanilang sofa si tita maribel. Ginising niya ito upang makalipat na sa kalapit bahay kung saan ito natutulog kasama ang anak niyang sila Kuya Ferrie at Ate maureen. Nang nagising na ito.. Binigyan niya si Jela ng sermon at pawang nagtatampo ito kay Jela. Kasi mapinsan minsan lang ito kumain sa bahay ng Hapunan pag ito'y natuloy rito. "sorry na tita bel, eh kasi naman namimiss ko lang talagang gumala.. Saka magchri-christamas na ikaw rin namang magluluto di ba ? Wag na kayong magtampo."paglalambing ni Jela sa kanyang tita bel.

" ah cge't matulog ka na. Kung gusto mong kumain ay nasa ref ang niluto kong pakbet. "ani ng kanyang tita bel.

Kumain si Jela sa may sala. At nanood ng tv. Nakaramdam siya ng kunting takot kaya kinuha niya ang landline sa Master Bedroom at nagsimulang mangtrip sa mga tao. Nanghuhula siya ng numero at saka niya kino-call.

"beeeep .. "

"hellow?"

Laking tawa ni Jela ng may pumasok na isang tawag. Isang lalaki ang sumagot.

"helloww? Sino to ?"tanong ng lalaki.

"a-aa--aaa--aa"sabi ni jela na parang ginigaya ang boses ng multo sa THE GRUDGE.

Agad na binaba ito ng lalaki.

Binaba na rin niya ang telepono. At saka tumawa ng tumawa. Wala siyang dahilang matakot sa kanilang bahay kahit na siya'y magisa lamang. Sapagkat katabi lang naman nila ang bahay ng kanyang tita maribel. Ni-lock ni Jela ang pinto sa Main Door pati narin sa likod. At saka siya umakyat sa 2nd Floor.

Dumeretso siya sa kanilang Teris.. Pinagmasdan ang mga bituin.. Habang nakaupo sa lapag. Muli siyang Tumayo at tinanaw ang bahay  nila Jeril.. Saka niya lang naalalang tawagan si Jeril. Agad agad siyang bumaba at kinuha ang telepono sabay ng pagpatay niya sa TV na naiwan niya palang bukas.

Umakyat muli si Jela. Tinawagan niya si Jeril at saktong may sumagot rito.

"hello?"

"hello."

"Sino to?"

"hulaan mo !!"

"ahh, o ano Jela?"

Mabilis na nahulaan ni Jeril ang tagpo ng mga salita at nahulaan niyang si Jela nga ang nasa likod ng Linya.

"wala lang."ani ni Jela.

Nang biglang may sumingit na boses mula sa linya ni Jeril.

" Sino yan Jeril. Ang aga tumawag ha"

Na pawang boses ng ate carla nito.

" si Jela to. "sagot ni Jeril.

"ah di na kayong nagsawang magusap ha. Walang sawaan sa pagmumuka ha. Araw araw naman kayong naguusap."ani ni ate carla.

" Jela .. Hay nako dun nalang ako sa kwarto wait. Ang daldal kasi ni ate."

"wag sa teris niyo nalang haha. Nasa teris ako."

"ah sige.."

Umakyat agad si Jeril at Agad na tinanaw si Jela sa kanilang bahay.

Kumaway kuway pa si Jela rito.

" bakit ba ? "

" wala lang haha. Kasi natatakot ako sa bahay."

" ha ? Ano gusto mong gawin ko puntahan kita dyan bantayan kita sa pagtulog mo?"

" YUUUCK! Haha. Wala lang miss lang kita."

" Talaga? Ilang oras lang ba tayo nagkita ? Haha"

-- nang napalingon pataas si Jela ay nakita niya ang napaka-gandang buwan. Nakita ni Jeril ang paglinga nito " ang ganda ng buwan no? " naunang tugon ni Jeril.

Basta Akin ka lang. Akin lang : ) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon