Part 4

158 4 0
                                    

Dumating sila Joseph at Jeril dala ang mga chichiryang binili nila.

 " oh- ano nang nakain nyo at parang nagkakatuwaan na kayo ?"tanong ni Jeril habang papilit nyang ningingiti ang kanyang mga labi.

" wala., "mabilis na sagot ni Jela na para bang may tinatago. Hindi na ito pinansin ni jeril. Malamang masaya na siyang nagkakasundo ang mga ito.

Buong hapon silang nagkwentohan't nag aasaran. At simula ng araw na yun ay naging buong barkada na sila .. Tuwang tuwa si Jela ng muling makakita ng mga taong makakatulong sa kanya sa kahit anong paraan. "hayy.. Mga mababait rin pala ang mga ito .. "sabi niya sa kanyang sarili.

Makalipas ang mga araw .. "hoy! Aalis na kami ngayong hapon. "

"ha? Parang ambilis ata."sabi ni Alexis na parang nagbibilang ng mga araw

"eh--2 weeks vacation lang naman iyon."sagot ni Jela.

Naupo sya sa tabi ni Jeril, " haha-- ano yan ?"tanong nito habang tinitingan nito ang ginagawa ni Jeril.

"Wala., assignment. Ano ulit sabi mo ?"

Tumingin lang si Jela kay Jeril at di sumagot.

"hoy ano nga ? May sinasabi ka ba kalina ?"sabi ni Jeril.

"aalis na daw siya! Mamaya.. YEHEY"sagot ni Jay na parang masaya pa sa pagbalik-laguna ni Jela.

"ang yabang mo talaaga."sagot ni Jela. Napansin rin nito na pawang di interesado si Jeril nang marinig nyang aalis na si Jela.

Sa sobrang pagtataka nya ay hindi nyang mapigilang mapaluha, nang muntikan nang pumatak ang luha nya .. Tumungo na lamang ito.. "ay sige na magaayos pa pala ako."

Umalis nalamang siya. Napinagtaka nila alexis , joseph at jay

"p're.. Ayos lang ba yun?"tanung ni Joseph.

"oo. Ganyan talaga yan"sagot ni Jeril habang pinagpapatuloy ang ginagawa.

Samantala... Di na napigilan ni Jela ang pagpatak ng kanyang luha nang makarating sya sa kanyang kwarto. Di niya malaman kung bakit siya naiiyak ng ganuun nalamang. "ano ba ako?! Para akong baliw. Bakit ba ako umiiyak" tanung nito sa kanyang sarili sa tonong patawa ngunit na tulo ang luha.

Ngunit sa totoo lang .. Hindi nya talaga matangap na ganoon nalamang ang naging reaksyon ni Jeril nang malamang aalis na siya, para bang wala lang ito para sa kanya.. Kaya nasaktan ng husto si Jela."bakit ba ganoon?dati naman ganoon din naman ang kanyang reaksyon.. Pero ngayon pakiramdam ko.. Iba "muli pang bigkas nito. "nababaliw na nga ba ako?"

Hindi niya tinatangap ang katotohanang nagkakaroon na siya ng pagtingin rito, buong araw na nag-kulong si Jela sa kwarto.. Umiiyak hanggang makatulog. Magaalas syete na ng dumating ang tita ni Jela. Kaya ginising sya ng kanyang tita maribel. Agad naman itong bumangon. At naalalang hindi pa siya nakakapagayos ng gamit nya. Habang inaayos nya ang mga gamit nya ay naisip nanaman niya si Jeril. Kaya dali daling sumilip sya sa bintana ng kanyang kwarto.

" wala na pala sila dun"

----

Magaalas-otso na sila nakaluwas.

Gabi na nang makarating sila sa kanilang bahay sa laguna.

Hindi na natulog si Jela dahil sa pagkatulog na nito ng hapon..

Nang gabing iyon.. Buong gabi nyang inisip ang naging reaksyon o emosyon nya ng makitang ganun lang ang naging sagot ni Jeril.

"baka nga importante talaga ang ginagawa niya"

"kaso.. Magsasalita lang naman siya? Wala , di naman aabot ng 1 minuto ang pagsasalita nya"pagkokontra pa niya sa kanyang sarili.

Maya-maya lang ay dinalaw na rin siya ng antok. Kinabukasan niyon ay maagang pumasok si Jela.

Nananatili paring yun ang tumatakbo sa utak nito. Hindi nya maiwasan isipin iyon sa oras na tahimik sya o walang kausap.

Napaka laking DEAL ito para kay Jela at mahigit 1linggo na niya itong pinopoblema.

Natigil lang ito nang malaman niyang nagugusto-han na niya ang kanyang ka-eskwela. Si Ken.. Dahil ang bestfriend nya na si mia ay may gusto sa bestfriend ni Ken.. Ay hindi nya naiwasang nagkagusto na rin ito kay KEN.

Sa una crush crush lang.

Pareho namang kasing busted sila Jela at Mia kila Ken at kay Jes pero determinado talaga ang magbestfriend.

Nang christmas vacation ay bumalik si Jela sa q.c .. Nagkita kita nanaman sila. Walang pinagbago at parang nakalimutan na ni Jela ang pagdaramdam kay Jeril .

Umaga ng makita niya si Jeril na nakatambay sa harap ng bahay nila Jela doon sa may Kubo. Pinuntahan ito ni Jela.

"hoy! Ang agang gala."sambit ni Jela.

"ha? Kasi naglilins sa bahay.. Maalikabok!"

Tumawa lamang si Jela. At lumingon lingon lamang.

"haha. Kamusta naman? Sorry nga pala sa .. Haha busy lang talaga ako noon eh"

Muli nanamang naalala ni Jela ang pagtatampo nito kay Jeril.. Matagal tagal rin siyang nakapagreact. Pero hindi na siya nagsalita tungkol sa nangyari sa araw na iyon.

"may ikwe-kwento ako sayo."

"alam mo ba may crush na ako"pagmamayabang ni Jela.

".. Crush ka rin ba? "tanong ni Jeril na pwang kumportableng hindi ang isasagot ni Jela.

" Haha, siya nga first love ko eh <":"dagdag ni Jela habang kinikilig.

Nagkwento si Jela tungkol kay Ken .. At pinapakingan nalamang ito ni Jeril.Kahit pa ayaw ni Jeril pakinggan ang mga ito.

Kinahaponan ay muli silang nagkita at nagkwentohan ulit tungkol kay ken.

Kinabukasan .. Kinabukasan ng bukas at sa mga susunod na araw ay SI KEN parin ang pinaguusapan nila.

Naging kompermado na kay Jeril na totoong inlove ang kanyang kababata sa Ken na iyon. 

Isang araw.. Nagkita muli si Jela at Jeril..

"oy! Alam mo ba ang ganda ng tulog ko kasi maganda ang panaginip."ani ni Jela.

"ay nako. Tungkol nanaman yan kay KEN no?" tanong ni Jeril kahit alam naman niya ang sagot nito.

"oo."kinikilig na sagot ni Jela.

"Puro nalang KEN KEN KEN. Walang katapusan KEN! Lagi nalang KEN. Lagi nalang si KEN ang pinaguusapan natin. Wala naman siyang gusto sayo bakit mo ba pinagpipilitan? Para ka lang tanga. Nakakasawa na puro nalang KEN. Lahat nalang si ken. Mabait matalino .. Oo na., alam ko na ! Ano naman ang pakielam ko ? " si Ken nalang ba ang tao sa mundo?  Ha ? Ayoko na. Kung tungkol nanaman yan kay KEN .. Sige. Ayoko nang nakinig ... makikinig nalang ako ng mga kabaduyan dyan kesa sa walang katapusang ken mo"....

Basta Akin ka lang. Akin lang : ) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon