Part 10

83 3 0
                                    

Kinabukasan ...

Agad na bumangon si Jela sa kanyang kama ng marinig niya ang malakas na ingay sa labas. Sinilip niya iyon sa bintana...

" Hala!"bigkas niya sabay tingin sa kalendaryong nakasabit sa likod ng pintuan. "4 na araw nalang pala at christmas na"dugtong pa nito.

Muling sumilip si Jela sa labas.. Nakita niya si Jeril na katulong sa pagsabit ng mga palamuti.. Pinagmamasdan lamang siya ni Jela mula sa kanyang kwarto..

Nang Biglang...

Napatingin si Jeril sa bintana-an ng kwarto ni Jela. Napansin ni Jeril ang pagsusulyap ni Jela, Kaya biglang isinara ni Jela ang kanyang bintana.

Di na pinuntahan ni Jeril si Jela sa kanila ayaw niya kasing abalahin ito sa paguumagahan niya. Kasi baka pagtinawag niya pa ito ay makalimutan nanaman nitong kumain.

Higit 2 oras ang nakakalipas ay lumabas si Jela. Tinawag niya si Jeril, Pero mukhang di siya narinig ni Jeril. Kaya nilapitan niya ito..

"OOOYY JERIL !!!"sigaw nito.

Hindi siya pinansin ni Jeril na abalang nag-aayos ng isasabit na bandaritas.

Habang si Jela nama'y dinilaan nalang siya.

" BLLEEEH!"sabay alis.

Bigla namang napansin ni Jeril ang pagalis ni Jela.. "Hoy! Jela ikaw pala!"sambit pa nito.

Asar na asar si Jela sa ginawa ni Jeril.

"Wala naman akong ginagawa rito tapos mang-gaganito..!!!"sabi pa niya sa kanyang sarili ngunit nagpatuloy parin siya sa paglalakad.

"anong problema nun ?"tanong naman ni Jeril sa kanyang katabi.

Nagkawit-balikat naman ito.

Naglakad lakad si Jela sa kanilang Village pansin niya na sabawat sulok na tingan niya ay may mga taong naghahanda sa pasko.

Agad na tumakbo si Jela.. Papuntang court.

Nakita niya rin ang paghahanda ng lahat ng naroon, nagtayo sila ng stage sa likod ng court. Pagkaupo niya .. May nakita siyang ".....Party for us"  agad niya itong nilapitan..

"CHRISTMAS PARTY For Us. @25th of December(birth of Jesus Christ"

"A mass before the celebration..."

"Oh ? Bakit ka narito?"sambit ni Jay

Nagulat si Jela kay Jay kaya tinapik niya ito.

"Eh ? Ano naman? Ikaw? Ano ginagawa mo?"sagot ni Jela habang napipiyok-piyok pa.

"Natulong. Tanga ka ba?"sagot naman ni Jay

"Wow! Talaga lang ha? Masipag ka pala?"pang-aasar pa ni Jela rito.

"oo. E ikaw lang naman kasi walang kwenta rito."sagot ni Jay kay Jela

Matagal bago nakasagot si Jela kay Jay. Kaya napangisi si Jay kay Jela

" Talaga! Kasi .. Ahm kasi di ako mabait"sagot ni Jela sabay alis.

Buong pagdadabog na lumakad si Jela palayo kay Jay.

Nang madaanan niya sila Jeril ay tinawag siya nito at nilapitan

" hi !"sabay ngiti nito.

Agad na sinipa ni Jela ang binti ni Jeril.

" OUCH ! Ano  bang problema mo ? HA? "

" Wala nanaman kayong mapagtripan ? Mga bwesit!"

Umalis si Jela at tumambay sa tindahan.

Basta Akin ka lang. Akin lang : ) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon