Part 2

192 3 0
                                    

Napatitig lang si Jela kay Jeril.

 " Ano ba yan, Mag-iisang taon palang kaming  hindi nagkita ganyan na kaagad yan ? Ang gwapo-gwapo at parang isang mukang pinapangarap ng bawat babae"bulong ni Jela sa sarili.

"Ha--a ? Ahmm .. Ano ? A--no ulit sabi mo ?"tanung ni Jela kay Jeril nang ito'y manumbalik na sa kanyang sarili ... marahil sa sobrang pagkagulat nito ay nawalan siya panandalian ng pandinig at hindi nya masyadong naaninag ang sinabi ni Jeril.

"Bakit ka nauutal ? Haha. Ang sabi ko bakit kung saan saan ka pa natingin? !!"tugon ni Jeril kay Jela habang pinagmamasdan pa ito. Sinulyap ni Jela ang nasa likuran ni Jeril. " Jerr--ril, Sino sila? Bagong lipat?"tanung ni Jela na pawang iniiwasan ang bawat tingin sakanya ni Jeril.

" Ah! Sila.. Oo bago lang yan dito. Nga pala mga bago kung kaibigan"sabi ni Jeril habang pinapapunta niya ang mga kaibigan.. Pinakilala ni Jeril si Jela sa kanila.

"Jela, Ito nga pala si Alexis, Joseph at si Jay" habang hinihila ang tatlo.  Mukang mababait ang tatlong bagong kaibigan ni Jeril siguro nga'y sa una lang sila ganyan pag tagal ay magiging isang katulad din ni Jeril ang mga maaamong tupang iyan.

" Ah.. "ang tanging nasagot ni Jela na sinisimulang tingan ang mga ito. "Ah. Jeril, wait lang magpapalt lang ako." dagdag pa nito. Hindi na hinintay ni Jela ang sagot ni Jeril at kusa na itong tumalikod at pumasok sa kanilang bahay. Pagkapasok palang niya ay dali-dali  syang pumunta sa kanyang kwarto., Sa totoo lang ay hindi agad sya nagpalit ng damit, Pagkadating nya sa kanyang kwarto ay agad siyang sumulyap sa bintana. "HALA! Ba't gaaaanoon .. ANG GWA-GWAPO naman ng mga iyon. H-- " sabi ni Jela na parang kinakausap pa ang kanyang sarili. Naupo muna si Jela sa kanyang kama at saka sya nagisip -isip. Hindi sya mapakiniwala na  sa ganoong panahon lang siyang mawala ay parang bumaba ang mga anghel sa langit.  Kinatok sya ng kanyang tita maribel. Saka nya lang naalala sila Jeril na naghihintay pa pala sa kanya sa baba.

"Oy., ahaha., Sorry natagalan. Kasi naman nakalimutan ko na kung saan ko pinaglalagay ang mga gamit ko."natatawang pagpapaliwanag ni Jela habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. Naunang naglakad sila Alexis at Joseph habang magkakasabay na naglakad sila Jay, Jeril at Jela sa likod ng mga ito.

Nang napatingin si Jela kay Jay ay binigyan sya nito ng masamang tingin. Nagulat si Jela sa naging expresyon nito. Ngunit pinalagay nalang niya ang kanyang sarili na baka nga ganyan lang talaga sya kung makatingin.. Saka wala siyang naiisip na dahilan upang magalit ito sa kanya. Sinuklian nalang ni Jela ito ng ngiti.

" Jerry, San tayo? "tanung ni Jela habang nililingon nya ang kanyang kababata . Hindi agad nakasagot si Jeril dahil nahuli ito sa paglalakad. Muling inulit ni Jela ang kanyang tanong ngunit sa pagkakataon iyon ay mukang ito'y naaasar na.. "HOY! Jeril. SAAN BA TAYO PUPUNTA?"

"Hala, pasensya naman, hindi ko kaya narinig."sagot ni jeril na pawang nalapit kay jela. Napansin ni jela ang pagbilis ng lakad ni jay nang nakita nyang palapit si jeri sa kanya.

"Hmm.. Balita ko ayus na ang basketball court dito ah" sabi ni jela.

"ha? Oo nga. Covered Court na nga. Gusto mong makita?"ang pagyaya ni jeril kay jela.

"Aba naman syempre." "tara." Biglang Napansin ni jela ang pagtitinginan ng apat.

 "Tara na."pagulit pa nito.

"Ay sorry kayo nalang hihintayin nalang namin kayo. May gagawin pa ako ayy kami pala"pagtangi pa ni alexis."Ano bayan!? Sige na. "pagpupumilit pa ni Jela.  Napangisi nalang si Alexis sa kanya at ganun na rin ang naging reaksyon ni Joseph. "Hindi po. Okk lang kami dito. Kayo nalang"dagdag ni Joseph.

Nagtinginan nalang sila Jeril at Jela. " Eh, Kung ganun tayong dalawa nalang?"pakunwaring tanong pa ni Jeril. Sa totoo lang .. Bago pa man dumating si Jela ay napagusapan na nilang apat ang pag-iwan sa kanilang dalawa ng oras upang mag-usap. Sakto pa't tinaymingan pa ito nang pagyaya ni Jela, Kaya hindi na nahirapan pa silang tumayming na hindi nahahalata ni Jela.

" Sure ba kayong hindi kayo sasama?"muling tanong ni Jela.

"Ouch naman, para namang ayaw mo pa akong samahan. Nakakatampo kana"

"Hindi naman sa ganun Jeril, Malay ba natin magbago ang isip di ba?"sabi ni Jela na pawang nang aasar pa.

"Hindi talaga sige kayo nalang."muling sagot ni Alexis na para bang napipilitan nalang ang pagtawa. Tumalikod na sila upang hindi na marinig ang pagpupumilit ni Jela nang biglang ......

"Ako, Sasama ako sa inyo"malakas na bigkas ni Jay. Nagulat sila Joseph, Jeril at Alexis sa tinuran ni Jay.

"Ah,, ganun? Tara."agad na sagot ni Jela.

Hindi mapaniwala ang 3 nang sabihin iyon ni Jay, Kay Jeril nama'y ang pagkagulat ay nahaluan ng inis rito dahil iyon na dapat ang oras na mapagisa-isa lamang sila.

Ngunit  Hindi pinahalata ni Jeril ang pagkainis, baka kasi tuluyan ng makahalata si Jela. At tuluyan na silang mabuko nito.

"Haha. Joke lang. Kayo nalang wala namang kwenta dun. ENJOY ha"biglang sabi ni Jay. Natawa nalamang si Jela rito at napakamot ulo. Pagtalikod pa ni Jay ay agad niya itong Inirapan. Marahil sa isip isip nito ay malabo talaga sila ng magkasundo.

"Tara na nga Jeril!"

--

Nakarating na sila at naupo. "Wow, pwedi na ako rito magpractice ng basketball"sambit ni Jela habang nakatingalang pinagmamasdan ang bawat parte ng court.

"Pwedi kitang turuan."pagmamayabang pa ni Jeril rito. "Ha? Marunong ka naman ba ABER?"pangaasar pa ni Jela rito.

"MVP kaya ako"dagdag pa ni Jeril.

"MVP? Parang Malaking Vasura PO? Haha. Ayun ba?"muli pang pang-aasar ni Jela.

Lumakad si Jeril at pumunta sa court kung saan hiniram niya ang bola. Sabay puwesto sa court na para bang mag3-points. Nang nashoot ito ni Jeril ay agad itong sumigaw "Oh? Naniniwala ka na?"

Hindi nakapagsalita si Jela. Hindi niya maitatangi ang galing at ka-gwaponan ang kanyang kababata. Sa halip ay lumingon nlang siya kung saaan --- naging malaking insulto kay Jeril ang ginawa ni Jela kay agad niyang nilapitan ito. " Ayus, ganyan ka naman. Ayaw mo kasing aminin na magaling ako."pagmamayabang pa ni jeril

"Oo na Ikaw na. Fine!"sagot ni Jela na pawang may hinahanap-hanap.

"Alam mo.. Pwedi naman kitang turuan kung naiingit ka"pampipikon pa nito kay Jela. "Excuse Me! Haha. Hindi na ako interesado haha"sagot ni Jela.

Naupo si Jeril sa tabi ni Jela, "Hayy naku Jela., Pansin mo ba? Ang bilis ng panahon no?"

Napatingin si Jela kay Jeril, Habang si Jeril ay nakatingin sa ibaba. "Ha? Oo nga. Parang kahapon lang ng nakilala kita"mahinang sagot ni Jela.

"Ahm .. Ikaw ba Jela, yung totoo.. Nagsisisi ka bang nakilala mo ako?"tanung ni Jeril kay Jela. Muling tiningan ni Jela ang muka ni Jeril at napansin nito ang pagiging seryoso ng muka nito.  Nang hindi pa nakasagot si Jela ay agad na nilingon ito ni Jeril at nakita niya ang pagtitig sa kanya ni Jela.

Iniwas ni Jela ang kanyang tingin kay Jeril. Sabay siya napalunok. "Ako? Hindi Ah. Sa totoo lang Masaya ka kasama. Mabait paminsan naman'y palabiro-- kung naiisip mong ayaw kitang kasama nagkakamali ka. Sa totoo lang ako nga itong nahihiya sa iyo. Ang boring ko kasing kausap..... " hindi na hinayan ni Jeril na ipagpatuloy ni Jela ang kanyang sinasabi ....

 "Oy hindi ah., alam mo .. Mas masaya kang kasama. Alam mo ba kada linggo inaabangan kita kasi gusto kitang makita. Kasi yung mga katulad mo nakakamiss nakakamiss kaaway, nakakamiss ka-asaran basta ... At kung ako nasa tamang edad na pipili ako ng ganyang babae. Na kahit ganyan hindi madalas nagkikita, hindi nababawasan ang pagiging close sa ibang tao. Alam mo napaka-importante mo para sakin.."

"ha? Pano mo naman nasabi?"tanung ni Jela na parang naguguluhan.

"Ewan ko. Basta, " "Basta kailangan kita."sagot ni Jeril.

Basta Akin ka lang. Akin lang : ) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon