Part 11

113 3 0
                                    

2 araw na ang nakakalipas simula nang nangyari ang nakakahiyang pangyayari na iyon. December 24, Lumabas muli si Jela upang bumili ng Yelo sa tindahan. Nakita niya sila Jeril  ngunit di niya ito tiningnan.

Kaya kusang lumapit si Jeril sa kanya at kinausap.

" hoy! Kaya ka pumuputi ng ganyan di ka nalabas  eh adik ka no? Ano bang droga mo?"

Tiningnan lang ni Jela si Jeril at sinamangutan lamang ito.

" Pepe ka na rin pala? Tapos bukas Bingi at magiging Bungi"tawang tawa na sambit ni Jeril habang sila Alexis ay tawa ng tawa.

"Ito oh, droga ko. YYYEELLO."sabi ni Jela habang tinataas ang dala-dalang Yelo.

Nagtinginan lang sila at saka tumawa, napatawa rin naman si Jela ngunit agad rin niya ito nilisan sabay sabi...

"Ang Corny"

Buong hapong nakahilata si Jela sa kanilang Sala.

Magaalas -dos na ng dumating ang Mama at Papa ni Jela kasama ang mga kapatid nito.

Ngunit nanatili parin siyang nakahilata.

Maya-maya lang ay Umalis ang tita Maribel at Ang Mama ni Jela  papuntang Palengke kasama rin ang Papa ni Jela na Maghahatid sa kanila dun.

Samantalang ang Ate ni Jela ay tumaas at nagcomputer. At ang Kuya naman niya ay Nasa Kabilang Bahay kung saan naroon rin ang dalawa pa niyang nakakabatang kapatid.

Nang nakaramdam ng gutom si Jela ay saka lang siya tumayo at tumingin ng makakain sa Ref. , Kumuha siya ng tinapay at umakyat sa taas. Tinapik niya sa likuran ang ate niyang abala sa pag-fafacebook.

"oy! Adik."sabi pa niya.

"ang boring naman rito."ani naman ng ate niya.

"di kaya. Kasi ayaw mong lumabas. Kaya mo nasasabing BORING no."

"basta boring dito. Dapat sa alabang nalang tayo nagchristmas."

"dahh.. Mas boring dun! Wala namang tao roon"

"Ayun nga eh"

"e basta, masaya rito."

"hmmm.... "

Napatingin ng malangkit si Jela sa kanyang Ate. Para kasing iba ang iniisip nito kaya sinubukan niyang itanong.

"anong Hmmm ? Bakit?"

"basta. Nandito pa ba si Jeril ? Jeril ba yun? "tanong ng kanyang ate

"Oo kaya. Tropa-pits ko nga yun eh."

 "  Sila Ongkan at Baby Jane rin."dagdag pa ni Jela,na pawang iniiwasang mapagusapan si Jeril.

"Si aling Caring nga rin nandito pa  saka si Majirel."

"Ahhh.. "masulit na sagot ng ate ni Jela.

Pumasok na si Jela sa kanyang kwarto bago pa mahantong sa bukingan ang pag-uusap nila ng ate niya.

Sumilip siya sa bintana at nakita sa malayo sila Jeril. Sinitsitan niya ang mga ito.. Nang lumingon ay nagtago siya.

Maya-maya lang ay may kumatok sa kanyang kwarto.

"Jela, Bili ka ng Ice cream dun sa may dulo. Baka maubusan pa tayo mamaya."

" ho ? Mamaya na. "

"Bahala ka pagnaubusan ka. Walang magpapabili dun sa may labasan ha."

Agad na lumapit at binuksan ni Jela ang pinto.

"Pera?"

"O ito."sabay abot sa 500 peso.

Basta Akin ka lang. Akin lang : ) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon