Chapter 46: Confession

2.5K 38 0
                                    


Vash POV

Nagmadali akong buhatin siya papasok sa Mansion.Nag-panic talaga ako ng bigla siyang mawalan ng malay kanina,muntik ko na ngang paliparin ang kotse sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko.

Inihiga ko siya sa kama ng kwarto ko tsaka kumuha ng first aid kit at ginamot ang kanang braso niya.

Mga ilang minuto din bago ko natapos gamutin ang sugat niya.Thankful naman ako kasi hindi masyadong malalim ang sugat na natamo niya pero nagdurugo lang talaga ito ng todo kaya nag- panic ako.Nang masiguro ko nang malinis na ang sugat niya ay humiga ako sa tabi niya at tinitigan siyang maigi.

"Bakit ba naaalala ko sayo ang asawa ko?"mahinang tanong ko kahit alam ko namang hindi niya masasagot ang tanong ko.Wala ngang malay diva? Shunga ka talaga Lerwick!

Na- te- tempt akong tanggalin ang maskara na nakatakip sa mukha niya kaso biglang nag- sink in sa utak ko ang sinabi niya kanina bago siya mawalan ng malay.

"Basta tandaan mo....Kahit anong mangyari,wag na wag mong tanggalin ang maskara ko.....pangako?"

Napatampal nalang ako sa noo ko at napa- buntong hininga.

Haist..nangako pala ako sa kanya.

Kahit gustong-gusto ko nang tanggalin ang maskara niya ay pinigilan ko ang sarili ko.Still! Nangako ako sa kanya at kailangan kong panindigan yun.

"Gusto na ata kita,Lady Mask!"

Napa- iling ako sa biglang pumasok sa isip ko.

May asawa ka na Lerwick!Mag hunos - dili ka! Mumultuhin ka ni Kheya nyan!



*****


Lady Mask POV

Pagdilat ng dalawang mata ko ay mukha agad ni Lerwick na nakasubsob sa couch na katabi ko ang bumungad sa kin.

I can't help but to smile nang mapagtanto kung suot- suot ko parin ang personalized na Maskara ko.

"Salamat,kasi pinanindigan mo ang pangako mo!" mahinang bulong ko.

Salamat kasi kahit alam kong kating- kati ka ng tanggalin itong maskarang suot ko ay hindi mo parin ginawa.Siguro mababaliw ako kapag nag- take advantage ka sa sitwasyon at tinanggal mo ang maskara ko.Hindi pa ito ang tamang oras para malaman ang katauhan ko sa likod ng maskara ni Lady Mask.


"Gising ka na pala"

"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? Ayos ka na ba? Pinag- alala mo ako--------"

*tsup*

"Salamat ha,kasi nandyan ka at pinanindigan mo ang pangako mo!"

Nang tiningnan ko siya ay nakahawak siya sa lips nya na halatang di makapaniwala sa ginawa kong paghalik sa kanya.

Ugh! Ikaw naman kasi Lady Mask eh...bat mo naman ginawa yun?pero bahala na....smack lang naman yun!

"Ang cute mo kapag nag- blu- blush ,My King" pang- aasar ko sa kanya.

Napahawak na naman agad siya sa sa pisngi niya kaya natawa ako.

"Oh emerged..so cute!"

"Hindi ah!"sabi niya at nag- iwas ng tingin.




Hahahahaha ang cute talaga!

**"**

Vash POV

Nag- iwas agad ako ng tingin sa sinabi ni Lady Mask.Ugh! Cute daw si ako? Ano ako tuta?

Pero kinilig ka naman..

Bwisit..sino ba nagsabing kinilig ako? Hindi kaya!

"My King!"

Nagitla naman ako ng biglang naging seryoso ulit ang boses ni Lady Mask.Bipolar nga talaga,parang kanina lang ay tawa siya ng tawa tapos ngayon bigla nalang naging seryoso.Minsan,ang hirap talaga intindihin ang mood ng mga babae.

Tumingin siya sa kin ng seryoso kaya yun din ang ginawa ko.Nagpalitan kami ng seryosong tingin.

Bigla nalang siyang ngumite kaya napataas agad ang dalawang sulok ng kilay ko.Bipolar nga talaga.Kanina ang seryoso niya pero ngayon bigla- bigla nalang ngumingite.Ugh! Baliw na ata toh!

"Lerwick,gusto kita------ Ay hindi! Mahal na pala kita!"



Natahimik ako ng ilang segundo sa sinabi niya.Mag- co- confess ba siya?

"Mahal mo ako?"di- makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Matagal na!" sagot niya na sinabayan pa ng pagtango.


Parang may kung ano sa tiyan ko.Parang may mga paru- paru na gustong kumawala..Teka--- baka bulate lang.Siguro ,gutom lang ako kaya ako nakakaramdam ng ganito.


Wag mong lokohin ang sarili mo,Lerwick!

Ugh! Bakit ba bigla- bigla nalang may nagsasalita sa utak ko?

Oo,inaamin ko ! May gusto din naman ako kay Lady Mask ,baka nga mahal ko na din siya eh.Pero ewan ko,gulong- gulo ako sa nararamdaman ko.Para kasing nakokonsensya ako sa namayapa kong asawa.Mahal na mahal ko si Kheya kaya sa tuwing may nararamdaman akong kakaiba para kay Lady Mask ay siya lagi ang naaalala ko.


Napayuko nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

But I was shocked dahil bigla nalang may lumabas na mga salita mula sa bibig ko.


"Aaminin ko,sa maikling panahon na nakilala kita...nagawa kitang mahalin,pero may asawa ako eh! Kahit na alam ko sa sarili ko na patay na si Kheya,ang asawa ko...ay nakokonsensya parin ako!"

Gusto- gusto ko ng batukan ang sarili ko dahil sa ginawa ko pero napaisip ako,magmumukha lang akong baliw sa harap ni Lady Mask! Baka nga pagtawanan niya pa ako.

"Alam kong mahal mo talaga ang asawa mo.Naiintindihan kita.Nagmahal ka lang naman eh..and all this time pinapahalagahan mo parin siya.Pero gusto ko lang sabihin sayo na mahal parin kita despite of the fact na mahal na mahal mo parin ang dati mong asawa hanggang ngayon!"


Natahimik ako sa sinabi niya.Wala akong masabi.I was speechless! Ang alam ko lang tama lahat ang sinabi niya.Lahat ng sinabi niya ay may malaking impact.

"Hindi ka nag- seselos sa namayapa kong asawa ?" I don't know pero yan ang tanong na unang lumabas sa bibig ko.Parang out of nowhere bigla nalang siyang sumagi sa isip ko.

*chuckle*

Awtomatikong napakunot ang noo ko sa bahagyang pagtawa niya.May nasabi ba akong nakakatawa? Or its just a proof na Bipolar talaga ang babaeng ito o ang ma's malala ay baka may sayad pala ito sa utak at gino- Good time lang pala ako neto?

"Bakit naman ako magseselos sa .....sarili ko,Lerwick?"

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya.Natulala ako bigla.

"What do you mean? Ano------ anong ibig mong --------" she cut me off.

"Just don't mind it ,Lerwick!"

After that bigla nalang siyang tumayo at nagpaalam na kailangan na daw niyang umalis.I insisted na ihatid ko nalang siya pero todo tanggi lang siya kaya wala na akong nagawa.








WHEN MR.DEVIL MEETS MS. INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon