FEW WORDS 1:
(Alarm tone) Volume: Full
HALOS malaglag ako sa higaan ko ng biglang tumunog yung alarm ko, natamaan naman yung paa ko sa gilid nung higaan ko kaya napa 'Aray!' ako sa sakit. Nung gising na yung diwa ko, tinahak ko na yung daan papuntang cr. Nag hilamos na ako, at nag toothbrush. Nag taka ako bakit ang dilim pa sa labas eh sinet ko naman yung alarm ko ng 6:30 am. Bumalik ako sa higaan ko para kunin ang cellphone ko at nung nakuha ko na, tiningnan ko yung oras at sinagaw ang pangalang.. "DORAAAAAAAAAAA!"
Bumaba na ako ng kwarto ko at pumunta ng kusina para maghanap ng kakainin. Nakita ko naman yung kapatid ko na isang taon lang ang agwat ko sakanya, nakatayo siya malapit sa pinto ng fridge namin, tumatawa. "Anong nakakatawa dun, ha Dora?" sabi ko sakanya at tawa parin siya ng tawa.
"Eh kasi.. HAHAHAHAHHAHAHA... Kuya yung mukha mo.. HAHAHAHAHAHA.." halos hindi niya mabigkas yung mga salita dahil tawang tawa siya. "Nakakatawa ba yung sinet mo ng 4:30 yung alarm ko? Tapos ang lakas lakas pa ng volume halos mabingi ako. Nakakatawa ba yun Dora ha?!" sigaw ko sakanya at tumatawa parin siya. "Kuya, hindi mo kasi naiintindihan eh. Birthday ko ngayon at kailangan mong tapusin yung Thesis ko. At dahil, may ininstall akong secret camera sa kwarto mo kagabi, regalo mo na sakin yung nakakatawa mong mukha at reaksyon sa video ha! Wag kang mag alala, kukunin ko na mamaya yung hidden cam. Ehehe" sabi niya sabay alis.
Walangyang kapatid yun ah! Pinag tripan ako!
Bigla siyang bumalik, "And stop calling me DORA kuya!" sabi naman niya at tuluyan nang umalis.Binuksan ko naman yung fridge namin nag hahanap ako ng makakain, nang biglang 'click' walang hiya, ba't hindi ko na pansin na may hidden cam pala dito? Dami talagang alam nung kapatid ko!
"Dorothy Raumier Gomezzzzzzzz!!!" sabi ko at pinuntahan ang kapatid ko. Nung pagdating ko sa kwarto niya, grabe yung tawa niya na parang gustong gusto ko yung ginawa niya. Pagkapasok ko sa kwarto niya. tumambad sakin ang nakangiti niyang mukha at humarap ulit sa Macbook niya.
"Kuya, open mo facebook mo. Hehehehehheh" sabi niya. Ako naman tong uto uto, binuksan ko ang facebook ko and yes, nakapost na nga yung picture ko si fridge kanina. At sakin pang account! Hinack niya nanaman ang facebook ko! "So, masaya ka na niyan Dora? Okay na ba yan para sa birthday mo? Wag kang umasa na tatapusin ko yung thesis mo ha. Pinag ti-tripan mo ako." sabi ko sakanya at bigla naman siyang lumapit sakin at kumapit sa braso ko at nag puppy eyes.
"Kuyaaaaaa~ Grabe ka naman, parang di kana nasanay. Nung dati nga, nung bata pa tayo.. Kailan nga yun? Nung kinder pa tayo, habang naliligo ka sa labas nun, kinuha ko yung cellphone ni mama at pinicturan ka. Naked ka talaga. Grabe kaya iyak mo nun, sabi mo pa nga na ipapakulam mo ako pero hanggang ngayon hindi mo parin yun ginawa. Tapos nung nasa mall tayo, hindi ko maubos yung chocolate ice cream ko tapos nilagay ko sa upuan mo yung ice cream ko tapos nung pag upo mo mukha kang naka tae nun tapos galit na galit ka sakin ni hindi mo nga ako sinasaktan nung time nayun, tapos nu--" tinakpan ko naman agad yung bunganga niya. Ang ingay, daming sinasabi. Tinanggal ko naman yung kamay niya sa braso ko at lumabas sa kwarto niya.
"Kuya naman ehh~" sabi niya at tuluyan na akong umalis. Pinag ti-tripan mo ako ha, now it's time for my revenge.
Pero bago ako mag revenge sakanya, nag prepare muna ako dahil may pasok pa ako ng 7:30. Naligo na ako, nagbihis, kumain at nagtoothbrush. Daily routine. Tapos nag pahatid na ako kay Mang Ramil sa school. Ewan ko anong balak nung kapatid ko at di pa siya sumabay sakin.
Nung nakarating na ako sa school, syempre bumaba na ako sa kotse. Pag baba ko, eto nanaman yung mga babae. Tilian. Naririndi yung tenga ko. Pero wala akong magawa, gwapo talaga ako eh. HAHAHAHAHA. Sigurado ako, pag uusapan nanaman yung picture ko sa fb. Habang naglalakad ako, as usual.
BINABASA MO ANG
SILENTLY SILENT
Teen FictionShe's silent. She's voiceless. She's not speaking any words. But she's not mute. She can't express her emotions. Would she regret meeting them? The boys who would make her life at risk? Be ready of her silence, because she's SILENTLY SILENT.