Silently Silent: 3 (Part 2)

5 0 0
                                    

Silently Silent 3 Part 2:

M A T T

MISS FEW WORDS is here. Pwede na ba akong masurpise? Teka, 'di nga? "Tita.." napalingon kami sa nag salita. It's really her. How in the world.. Tumingin ako kay Troy. I gave him the why-you-didn't-even-mentioned-that-you-know-her look. "I don't have idea too dude." bulong niya.


"Krystal, umupo ka hija." sabi ni Tita Gretta at umupo naman siya sa tabi ni Tita. "She rarely speak." sabi ni Tita. Hindi naman nag abalang tumingin si Miss Few Words samin. As usua, naka yuko nanaman siya.


"This is Krystal, daughter of my bestfriend." sabi naman ni tita at hinawakan si Miss Few Words sa likod. "Krystal, greet them please." mahinahon na sabi ni Tita sakanya. Tumayo naman siya at nag bow. Okay? What was that? Nahihiya ba siya samin dahil nakita namin siya sa rooftop na magpapakamatay?


"Okay, let's eat!" sabi ni tita at nag dasal muna kami bago kumain. Nung kumakain ako, siniko naman ako ni Drake. "Diba classmate natin yan?" tanong niya. Parang leon naman na naka tingin si Ford kay Drake. Dahil nga ayaw na ayaw ni Ford na may nag sasalita kapag kumakain. "Sorry dude.." bulong ni Drake kay Ford sabay taas ng kanang palad niya. Tahimik naman kaming kumain.



At nung natapos na kaming kumain, sinabihan kami ni Tita na lumipat sa sala para kumain ng dessert. Pumunta naman kaming apat sa sala, samantalang si Miss Fe-- uhm, uhrm.. Krystal (cough) Yeah.


Sumunod naman siya kay tita. Umup na kami sa sofa. Sa gitnang sofa kami umupo. Gustong gusto ko talagang maging interior designer. At sobrang ganda ng arrangement ng bahay nila Troy. Hindi naman masyadong malaki ang sala nina Troy, kaysa lang siguro yung sampung tao.



Sa harap namin may sobrang laking flat screen tv na nasa bricks na platform. Sa gilid naman ng tv, may tig iisang maliliit na table at nandun yung mga picture nilang mag pamilya. Nag iisang anak lang kasi si Troy. May dalawang maliliit na sofa sa gilid ng inuupuan naming apat.


Dumating naman na yung mga desserts na sinasabi ni tita. At pagkatapos nang naihatid yung mga desserts, dumating naman si Tita at si urm Krystal (cough).


Umupo si tita sa tabi ni Krystal (cough). "Let's eat the desserts!" sabi ni tita at isa isa na kaming kumuha ng platito sa lamesa. Napansin kong di kumukuha sa Krystal (cough). So napag isipan kong.. kausapin siya.



"Uhrm, K-krystal, kumain ka na." shet na uutal pa ako. Bakit ba? Hindi niya ako tiningnan at nakayuko parin siya at yung dalawang kamay niya nakalagay sa tuhod niya. "Hijo, don't call her by her name." bulong sakin ni Tita.

"Bakit po? Eh kayo na--" 

"I am the only one who can call her by her name. Kung tatawagin mo siya sa pangalan niya, siguraduhin mong nakuha mo na ang tiwala niya. May trust issues siya.. when her mom died." mas binulong pa ni tita yung last part at sinigurado ni Tita na hindi maririnig ni Miss FW.


Medyo kasi nahahabaan na ako sa FEW WORDS. Kaya FW nalang. So, hindi ko siya dapat tawagin by her name.

"So, kamusta yung pag-aaral niyo?" tanong ni tita samin. Sumagot naman si Ford. "It's ayos naman tita. Kaya lang po, the people in school saw us singing, so we need to make iwas po sa crowd." ang conyo naman nito.


"Its okay Ford, you can speak english." sabi ni tita. "Ma, alam mo naman na di namin pinapakita na kumakanta kami diba? Lalo na sa school? Kaso nakita kami eh, and the worst is sa Detention Room pa." kwento ni Troy sa Mom niya.


Bigla namang lumaki yung mata ni Tita at nagulat. "At bakit kayo napunta sa Detention?" tanong ni Tita. So lahat sila napayuko maliban sakin.


"Tita, pinagalitan po kasi kami ng Math Teacher namin. Late po kami ng 3 minutes sa klase niya eh." sabi ko sabay kamot sa batok ko. Ewan ko biglang kumati eh. HAHAAHA.


Biglang tumayo si Miss FW at lumapit kay Tita at bumulong. Sumenyas naman si Tita samin na uuwi na raw siya. Hala, baka na OP samin. Tumayo rin si Tita at hinatid si Miss FW sa labas. Nilabas ko naman yung cellphone ko at nakita kong may nag text, binuksan ko at nakita ko yung pangalan ng kapatid ko.

From: DORA

Kuya, pupunta ako ng hospital.
received: 8:35pm

Sabi sa text. Tinawagan ko naman agad siya. At sumagot naman siya agad, di narin ako nag abalang tumayo pa dahil kapatid ko naman yung kausap ko.

"Hoy, dora. Ba't ka pupunta ng hospital?" inunahan ko naman agad yung nakakairitang 'hello~' niya.

Bigla din namang napatingin si Ford sakin.

"Eh kasi kuya~ Kapag pinipikit ko yung mata ko an--"

"Ano? Sumasakit?"


"Hindi an--"

"Ipa check mo na yan! Ngayon na!"

"Kuya teka lang ha, kapag kasi pinipikit ko yung mata ko.. Wala akong makita." sabi niya. Tumahimik lang ako.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAAHHA"
tawa niya sa kabilang linya. medyo nilayo ko naman yung cellphone sa tenga ko dahil nakaka rindi sa tenga yung boses niya.


"Okay bye." at binabaan ko na siya. Langyang kapatid talaga. 16 years old, ang childish masyado. Hay nako. Kung di lang babae yung kapatid ko, matagal nang puno ng bugbog yun sa katawan.


"What happened to your sis dude?" tanong ni Ford na kanina pa nakatingin sakin. "Ah wala, pinagtripan ako." sabi ko. "Yeah, her blog. So funny" bulong niya pero di ako nag pahalata na narinig ko.


Binabasa niya blog ng kapatid ko? Eh walang ibang laman yun kundi yung mga kung ano anong pinangagawa niya sakin. Ni wala ngang sense yun eh. Ako lang may sense pero yung blog niya wala, pati yung kapatid ko walang sense.
"Ano dude?" sabi ko at tiningnan niya lang ako ng blanko. Binalewala ko nalang.


Bumalik naman si Tita Gretta, "Boys, I have something to tell you." sabi ni tita at umupo sa inupuan niya kanina. "Krystal is an introvert child. She rarely speaks about her personal life, diba classmate niya kayo? Can you do me a favor? Kasali ka Troy anak." sabi ni tita at tumango naman kami at tahimik na nakikinig sakanya.



"It's not just for her, for me.. But it's also for her mom.. Her mom is a very good friend of mine. She also designed this house. Grabe ang pinag daanan ni Krystal nung namatay yung mom niya, hindi siya nag sasalita. She became mute for a very long time. Ako ang nag encourage sakanya na paminsan minsan ay mag salita siya. At nung nakuha ko na yung tiwala niya, sakin lang siya nag sh-share. At ayaw kong maging ganyan siya, gusto ko may mga kaibigan siya." sabi ni tita at bahagyang yumuko.


"Please, protect her and please be her friend."

* * *

SILENTLY SILENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon