Silently Silent: 2

13 0 0
                                    

                                    M A T T
  
NANDITO kami ngayon sa Frozty Cafe. And nagulat nga ako nung nakita ko rin dito si Miss Few Words. Hindi ko akalain na ang mga tulad niya ay pumupunta rin pala sa cafe. As usual, nakayuko ulet siya. Nag babasa ng libro.

Bagong libro nanaman ata yung binabasa niya. Hindi ko alam kung naririnig niya ba yung sinasabi ng utak ko pero bigla siyang lumingon sakin, ang putla ng mukha niya and she have that eyes that when you look at those eyes, nakakataas ng balahibo. Dahan dahan niya namang ibinalik ang tingin niya sa librong binabasa niya. That was creepy~

"Dude? Nakikinig ka ba?" nabigla ako nung tinapik ni Troy yung balikat ko. "Tsaka, sinong tinitingnan mo? Wala namang tao sa table nayun ah?" sabi ni Troy at napatingin ulit ako sa table kung saan naka upo si Miss Few Words kanina. Nawala na siya. Saan siya napunta?

"Sigurado kang okay ka lang dude? Kanina pa ako nag sasalita dito tungkol sa kabataan ko pero di ka naman nakikinig." tampo ng loko.

"Yeah, we're laughing here and you're like.." sabi ni Ford at dinemonstrate pa ng loko kung pano ako nakatingin sa table ni Miss Few Words kanina.

"Tuloy mo na Troy! Makikinig na ako." sabi ko kay Troy at tinuloy na niya yung kwento niya kuno nung pagkabata niya. "Tapos ayun diba? Nung sumakay ako sa isang swing, nahulog ako nauna yung mukha ko kaya ganito ako kagwapo ngayon. Thanks to that incident though." sabi ni Troy tas bigla namang sumingit si Drake.

"Wag mong sabihing, nag paretoke ka dude?" sabi niya bigla naman siyang binatukan ni Troy, "Hindi no! Gwapo ko na kaya, since birth pa." angal naman ni Troy. Si Ford naman mukhang may ka text kaya hindi nag sasalita. "Nga pala mga dude, babalik dito si Mommy galing US. Punta kayo sa bahay bukas ng gabi ha?" sabi ni Troy um-oo naman kamming tatlo.

Nang biglang tumayo si Ford, "Dudes, I need to go. My mom needs me. I'll be back later." sabi niya sabay alis ng cafe. Mukhang urgent nga masyado, nag iiba yung mukha niya eh. "So di na siya papasok mamayang hapon?" tanong ni Troy. "I'll be back later diba sabi niya? Nasan utak mo Troy? Nasa paanan mo?" sabi ko sakanya. Sinapak naman niya ako.



Napag desisyunan naming pumunta muna ng rooftop, 10:30 pa naman, mamayang 1 pa naman yung klase namin. Wala kasi kaming pasok sa umaga kasi training ng CAT ng school namin. Mamayang hapon pa ulit babalik ang mga teachers namin.

Naunang mag lakad si Drake at binuksan niya yung pinto ng rooftop at pumasok na kaming tatlo. May 4 na upuan doon, kay umupo na kaming tatlo. "Matt..." tawag sakin ni Troy. Tiningnan ko naman kung ano yung tinuturo niya. Babae, nakatayo sa edge ng rooftop. Parang magpapakamatay ata.

"Matt, baka tumalon! Ayokong maka witness ng ganitong pangyayari!" sabi niya at tinakpan naman niya yung mata niya gamit ang kanyang dalawang kamay. "Ang OA mo. Hindi yan tatalon. Ipupusta ko aso namin." sabi ni Drake at nilapitan yung babaeng sinusubukang mag pakamatay.

"Miss? Kung gusto mong mag pakamatay, wag sa ganitong paraan. Masakit yan, gutay gutay yung katawan mo sa baba niyan. Lunurin mo nalang yung sarili mo, odikaya take up pills and i-overdose mo sarili mo." sabi ni Drake. Sira ulo tong lokong 'to ah! So ine-encourage niya pang mag pakamatay yung babae? Aba!


Tumakbo ako sa direksyon nilang dalawa, at niyakap ang bewang nung babae, at hinila pabalik. Nasa taas ko siya ngayon. Ngayon lang nag sink in ang mukha niya sakin.

Si Miss Few Words! Umalis naman siya agad sa taas ko at pinag pag ang palda niya. Naka yuko na ulit siya. Tumayo na ako. Aalis na sana si Miss Few Words, pero pinigilan ko siya at hinawak siya sa bandang pulso ng kamay niya.

SILENTLY SILENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon