M A T T
ILANG MINUTO nalang ay makakalabas na kami sa Detention room. Ilang minuto at segundo nalang ay mapapahamak na kami. Di loko lang hahaha. "Dude, okay ka lang? Namumutla ka." sabi sakin ni Drake. Himala 'to, nangungumusta yung mokong. "Okay lang ako, baka gutom lang." palusot ko sakanya.
Pero yung totoo, kinakabahan ako. Di ko alam kung anong gagawin kapag lumabas na kami. "Kinakabahan ako, langya." sabi ni Troy at ikiniskis ang dalawang palad niya. Bumukas yung pinto at eto na nga yung rason ba't kami kinakabahan. Pahamak na camera talaga! Ewan ko bakit lagi akong pinapahamak ng camera. Kainis!
"Pwede na kayong lumabas." sabi nung lalaking incharge sa DT. "Dude, pag labas natin.. Pag sinabi kong RUN, tumakbo kayo ha." sabi ni Drake. Tumango naman kami tatlo. Eto na, dahan dahang pinihit ni Ford yung doorknob at parang dagat sa labas sa sobrang dami ng babae. Sumigaw naman si Drake ng RUN at tumakbo kami sa gilid ng DT.
"Dudes! Run for your lives! Woohooh!" Sigaw ni Ford at tuloy parin kami sa pagtakbo. "Guys nandito sila!" sabi naman nung babaeng malapit samin. Lumingon ako sa likod at sobrang dami ng humahabol samin.
Grabe, sumasakit na yung paa ko sa kakatakbo. Malayo narin kami sa DT. "Dudes! Liko tayo sa Frozty tas magtago tayo sa likod ng YCA Hostel! Tara na!" sigaw ni Troy at sinunod naman namin ang sabi niya. Lumiko kami sa Frozty cafe at nagtago sa likod ng YCA Hostel. (Pronounced as: eeka)
Pag dating namin sa likod ng hostel, tila para kaming sumali sa isang marathon. Hinihingal kaming lahat. "Nawala sila! Saan na sila nag punta?" galit na sigaw nung babaeng naka uniform at may MEDIA ID. Grabe, pati dito sa school may paparazzi? Nakakatakot naman. Umalis naman yung babae at yung mga kasama niya.
"Thank God!" sabi ni Ford na hinihingal parin. "Pano na tayo nito?" sabi ko at tiningnan sila isa isa. Naka yuko lang sila at tagaktak ang pawis. Mukha kaming mga basang sisiw. "Teka, tatawagan ko si Mang Berting." sabi ni Troy at tinawagan ang driver nila. Si Ford naman, balik sa dati na ang hitsura.
Maya maya, dumating na yung driver nila Troy, si Mang Berting. Di ko alam, pero kamukha ni Mang Ramil si Mang Berting. Ahh it's not the time to think about that. Pumasok na kami sa kotse.
Katabi ko si Drake at ang katabi naman ni Drake si Ford. Nasa passengers seat naman si Troy. Hinatid kami ng driver ni Troy sa kanya kanyang bahay namin. Pinakuha ko nalang kay Mang Ramil yung mga bag namin sa school. Naiwan namin eh nung pinalabas kami ni Ma'am Basco. At dahil malapit narin mag 4:30, pagdating ko sa bahay, wala yung kapatid ko. Kaya dumeretso na muna ako sa kwarto ko, at humilata sa kama ko.
* * *
Sa di malaman na dahilan, bigla akong nagising. Nakatulog pala ako. Naka uniform parin ako hanggang ngayon. Hinubad ko naman muna yung vest ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tiningnan ito, "HAAAA?!" napasigaw ako ng wala sa oras dahil may 34 missed calls ako galing sa tatlo kong mga tropa.
Sht, may dinner pala kami ngayon sa bahay nina Troy! Kaya pala nagising ako. 6:45 na at dapat nandun ako ng 7:00pm. Langya naman oh! Hindi ko alam pano ko ginawa pero sa loob ng 5 minutes, nakaligo ako ng mabilisan, naka bihis, naka toothbrush at ready to go na. Simple lang naman yung sinuot ko, nag ripped jeans lang ako at nag three fourths na polo na sky blue.
6:50pm na. Mabuti nalang at 5 minutes away din yung bahay ni Troy dito. Same kasi kami ng subdivision pero sobrang laki naman ng subd na'to. Nag pahatid na ako kay Mang Ramil at nakarating ako sa bahay ni Troy ng 6:55PM. Sobrang eksakto. Mabuti naman at nakikisabay sakin ang tadhana ngayon.
Bumaba ako ng kotse at nakita kong naka abang sakin yung tatlo sa harap ng gate nina Troy. Pagkakita nila sakin lumapit agad si Troy at inakbayan ako. "Dude, kanina pa kami nag hihintay sa'yo, tinatawagan ka namin pero di ka naman sumsagot." sabi ni Troy sakin at tinanggal kamay niya sa balikat ko. Bigla namang nag salita si Drake na nasa gate.
"Akala namin nawala ka, at di mo matunton yung bahay nina Troy. Tara na pasok na tayo kanina pa nag hihintay si Tita." sabi ni Drake at nakapamulsang pumasok. Ngayon ko lang napansin, inalis na pala ni Drake yung kulay sa buhok niya.
Pumasok na kami sa bahay nina Troy, binati naman kami ng kanilang mga maids and butlers. Yaman ng mokong na'to. "Oh my oh my! My boys! I missed you so much!" pagkakita samin ni Tita Gretta, agad niya kaming nilapitan at nakipag beso-beso (?) "Namiss din namin kayo Tita." sabi ni Ford.
Okaay? Ba't nag tatagalog yan ngayon? hahaha himala 'tong mokong na'to."Oh, umupo na kayo. Ailyn! Nasan yung mga ibang pagkain? Dalhin mo na dito!" tawag niya sa Kusinera yata nila. Umupo na kaming apat. Kaharap namin ni Drake si Troy at Ford.
Habang palinga linga ako sa bahay nila Troy, I saw a familiar face. Side view niya palang kilala ko na siya. But the picture seems old. Pero bat nandyan si Miss Few Words? Pagdating ni Tita Gretta, tinanong ko siya at tinuro yung picture na nasa dingding. "Tita, mawalang galang na ho. Sino po ba yung babaeng naka side view na kasama mo sa picture? She's a bit familiar." napalingon yung tatlo at si Tita Gretta sa tinuturo ko. Biglang nag iba naman yung mukha ni Tita Gretta.
"That's..Kristine.. Kristine Fortalejo.. My Bestfriend. She's dead 2 years ago. She suffered heart disease." sabi ni Tita Gretta, at bahagyang napa iyak. Talagang mahal niya ang kanyang kaibigan. Teka, fortalejo? Fortalejo ba yung apilyedo ni Miss Few Words?
"I'm sorry to hear that Tita. But, does she have any children?" tanong ko. Tahimik lang na naka tingin sina drake, troy at ford sa pagkain. Mukhang nagugutom na ata. "Yes, she had a daughter.." sabi ni Tita at pinunasan ang luha niya. "Ma'am Gretta, nandyan na po si Ma'am Krystal." lumapit ang isa sa mga maids nila kay Tita Gretta, tumango naman si Tita sa maid. "And, she's here" sabi ni Tita Gretta...
* * *
BINABASA MO ANG
SILENTLY SILENT
Teen FictionShe's silent. She's voiceless. She's not speaking any words. But she's not mute. She can't express her emotions. Would she regret meeting them? The boys who would make her life at risk? Be ready of her silence, because she's SILENTLY SILENT.