Silently Silent: 4

11 0 0
                                    

                                    M A T T

                                     ~*~

NALAGLAG ako sa kama ko pagkatapos mag ring nung alarm ko. Sobrang lakas eh, Di ko pa pala na adjust ang volume nito. I can feel the pain in my butt. Nauna kasi yung puwetan ko nung nahulog ako. Kagagawan nanaman nito ng kapatid ko langya.

Tiningnan ko yung alarm clock ko, 7:35am?!! Patay! Late na late na late na late na ako. Agad akong bumaba at nadatnan ko yung kapatid ko na kumakain.

"Oh, di ako ang may pakana niyan ha. Sampung beses nang tumunog yang alarm mo Kuya, napaka sleepy head mo talaga." sabi nung kapatid ko sabay kain nung tinapay. "Langya, late na late na ako." sabi ko at umupo sa harap niya. "Yuck kuyaaaa, mag mumog ka muna dun!" sabi ni Dora sakin at talagang nilagay niya pa yung kamay niya sa ilong niya na parang nababahuan.

"Hoy, kapal mo. Kahit ilang araw pa ako di mag toothbrush, mabango parin ang hininga ko." sabi ko sakanya at pumunta sa lababo at nag mumog. "Kadiri ka kuya." Nung tapos na ako mag mumog, bumalik na ako sa lamesa at tiningnan ng may pagtataka ang kapatid ko.

"Hoy, bakit di ka pa nag bibihis at pumunta ng school?" tanong ko sakanya at kinuha yung tinapay na nasa gitna. Kumuha naman ako ng swissmis at tinimpla ito. "Wala akong pasok ngayon. Saka kuya, na-open mo na ba ang facebook mo? Sikat na kayo. Pinost kahapon yung video niyo sa Detention Room ng school niyo eh." sabi niya at kinagat ang kinuha niyang tinapay na tatlong layer na may palaman na pineapple jam.


Kahit kailan ang baboy talaga nito kumain. Parang hindi babae. Teka, ano?! Pinost sa facebook ang video namin?! "At sa youtube din pala ehehe. Akala ko ba kuya na ayaw niyong malaman ng ibang tao lalo na ng school niyo na kumakanta kayo?" tanong niya.


"Eh kasi nakalimutan namin na may camerang nakatingin pala samin sa Detention room." sabi ko at ininom ang hot choco ko. "Pati sa school ko kuya, sikat na kayo." sabi niya malapit ko naman nabuga yung iniinom ko. Hindi ko nalang siya pinansin at tinawagan si Ford.

"Hello?"

"Hello dude, pumasok ka?"

"Nope. Just woke up (humikab)"

"Ah okay, tatawagan ko muna yung iba nating tropa." *toot toot*


Si Troy nanaman yung tinawagan ko.

"Hello? (humihikab)"

"Nasa school ka dude? Mukha--"

"Nasa bahay pa ako, kakagising ko lang." 

"Okay!" *toot toot*


Tinawagan ko naman si Drake. Eto sigurado, mag aaral 'to.

"Hello? Speaking."

"Hello dude. Late na ako nagising eh, nasa scho--"

"Parehas tayo. Ilang beses nga nag ring yung alarm ko di man lang ako nagising."

"What?! Yung dalawa nating tropa, late din nagising."

"Sige dude. Mamaya pa ako papasok. Mag ha-half day ako. Matutulog ako ulit. Ciao!" *toot toot*

Okay? Something's strange here. Anong nangyayari? Ba't ata kaming apat late nagising? Sabagay, 11pm narin kaming nakauwi kagabi kasi nag laro kami ng xbox. Sanay kasi akong matulog ng maaga at maaga din magigising.

"Anong sabi?" tanong ng kapatid ko. "Wala ka nang pake dun." sabi ko at nag lakad papunta sa kwarto ko. "Sungit talaga." narinig kong sabi ng kapatid ko. Humilata nalang muna ako sa kama ko.

SILENTLY SILENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon