M A T T
NGAYONG ARAW na kami mag sisimula sa aming unang plano. Ang bigyan siya ng pagkain! (Insert drum rolls) "Ready ka na mamaya?" tanong ko kay Troy. Tumango naman siya. Nasa Frozty kaming apat ngayon. And bumili narin si Troy ng burger at Iced Coffee.
Tumayo naman na si Drake at sumunod na kaming tatlo. Nag lalakad kami sa hallway ng may sumigaw. "KYAAAAAH! Nandiyan na silaaaa!" wala kaming ideya kung sino yung tinutukoy nila, kaya dire-diretso lang kami sa paglalakad. dumadami yung tao sa hallway.
Nanunang nag lalakad si Drake at Troy, at sabay naman kami ni Ford. Tiningnan ko si Ford, nag kibit balikat naman siya. When we reached the first stairs na aakyatin namin, biglang may nag play. Galing ata yung Radio BC building. Napalingon si Drake at Troy. "Dude, kanta natin. Yung sa DT" sabi ni Troy. "Damn!" ang tanging nasabi ni Drake.
Nung nakarating na kami ng second floor, patuloy parin sa pag play yung kinanta namin sa DT. Sobrang dami nang tao at maraming tumitili. May ilang MEDIA namang kumukuha ng litrato namin. "Oh god, this is too much." sabi ni Ford at yumuko tas hinawakan yung ulo niya. Binilisan namin ang paglalakad dahil may dalawang hagdan pa kaming aakyatin.
Pag dating namin sa ikalawang hagdan, natapos na yung kanta namin pero may nag sasalita na. "Nung narinig ko kung gaano kaganda yung boses nila agad akong humingi ng copy nung video at pinapakinggan ko araw araw. Nakakainlove talaga!" okay? parang interview yung pineplay. "Hindi ko akalain na marunong pala silang kumanta, sana mapansin ako ni Matt!" nung narinig ko yun napa 'oww' ako. Wala na, exposed na kami, sira na kinabukasan namin. Di loko lang.
Sa wakas ay nakarating na kami sa classroom. Pagdating namin, pinagkaguluhan kami sa classroom. Mabuti nalang at nakaalis agad kami. Dumeretso na kami sa mga upuan namin. Tiningnan ko naman si Miss FW. Walang imik, mukhang walang balak gumalaw, nag babasa parin ng libro. As usual, ano pa bang aasahan namin? Makisali siya sa mga babaeng tumitili? Teka, bakit galit na galit ako? Hahaaha.
"Ibibigay mo na?" sabi ni Drake. "Mamaya na dude, kapag lunch na. Kapag humupa na yung mga babae." sabii ni Troy. Tumango naman si Drake bilang pag sang ayon. Dumating naman yung physics teacher namin na si Sir Ibanez. Ginawa ko naman yung dapat kong gawin at umupo na.
~*~
Lunch na at eto na nga. Nag hahanap kami ng tiyempo at hinihintay naming humupa yung tao sa classroom. "Kailangan natural lang yung galaw ha?" sabi ni Drake kay Troy. Tumango naman si Troy. Si Miss FW? Nakayuko nanaman, nag babasa ng libro. Yun lang, lunch na pero di pa siya kumakain. Nung medyo onti nalang yung tao sa classroom, tumayo na si Troy at inayos ang sarili. Nilapitan niya ng dahan dahn si Miss FW. Nung medyo malapit na siya kay Miss FW, lumingon siya samin at he gave us the kaya-ko-to look, tumango naman kami. And we mouthed "Go".
"Kumain ka muna." sabi ni Troy at umalis at bumalik samin. Syempre di namin pinahalata na plinano namin yun. Tiningnan niya lang yung pagkain, inurong palayo at nag basa ulit. Anong problema niya? Bumalik si Troy kay miss FW at tinanong niya ito, "Kumain ka na, gusto mo bang malipasan ka?" pangaral ni Troy sakanya, bahagya lamang itong umiling at tiningnan si Troy ng madalian. "Sige na. Mapapanis yan. Sayang yung pera ko kapag ganun." pilit ni Troy. Biglang tumayo si Miss FW, at tumakbo palabas ng classroom. Srsly?
Bumalik si Troy samin, "Nakakatakot siya mga dude." sabi ni Troy at umupo sa tabi ko. "Walang reaksyon yung mukha niya, at napaka pale niya." explain ni Troy. "Maybe she doesn't want us to be her friend." sabi ni Ford. "Subukan lang natin, malay mo mahulog siya sa bitag? Hindi talaga uubra sa unang subok." sabi ko.
* * *
BINABASA MO ANG
SILENTLY SILENT
Teen FictionShe's silent. She's voiceless. She's not speaking any words. But she's not mute. She can't express her emotions. Would she regret meeting them? The boys who would make her life at risk? Be ready of her silence, because she's SILENTLY SILENT.