The Heartbreak (FLASHBACK)

31 2 0
                                    

FLASHBACK

A week after what happened between Seph, Erika and Ron, Seph decided to finally accept to himself that he really likes Erika.

He decided to tell it to her. Ayaw nya namang gumraduate na hindi man lang nakahingi ng sorry sa lahat ng ginawa nya dito at nang hindi nasasabi ang dahilan kung bakit palagi nya itong inaasar.

Ang totoo, gusto kasi ni Seph na mapansin sya ni Erika. Noong una inaasar nya ito dahil pikon ito at madaling mainis. Pero ang totoo, gusto nya ito na laging makausap at makasama.... Pero hindi nya naman alam kung ano ang sasabihin sa kanya kaya inaasar na lang nya lagi.....

He had the courage to do so.

Isang araw sa practice nila ng graduation, nakapagdecide na sya na kausapin si Erika.....

During the lunch break ng practice nila, he went to the room where Erika and her friends always stay during break times. But she wasn't there.

He asked Jass and she said she was out for a while to get her food. He looked for her everywhere only to find her at the backstage with Ron.....

Aalis na sana sya at hihintayin na lang nya na matapos mag-usap ang dalawa pero naisip nya baka panghinaan nanaman sya ng loob kapag ipinagpaliban nya nanaman. Lalapit na sana sya nang marinig nya ang sinabi ni Ron.

"Hindi naman ako nagmamadali. Mga bata pa naman tayo kaya maghihintay ako basta sabihin mo lang na may pag-asa ako...." Sabi nito habang nakatitig kay Erika.

Naunahan sya! Hindi na sya nagdalawang isip.

It's now or never!

"Erika!" Tawag nya dito.

Sabay naman lumingon sina Erika at Ron.

"Gusto ko lang mag....sooo..rrryyy... Sa.... " nagkanda utal-utal na

"Pwede ba, hindi mo ba nakikitang nag-uusap kami," putol ni Ron sa sinasabi nya.

"Importante rin ang sasabihin ko sa kanya," sagot nya rito. Muli syang bumaling kay Erika. Huminga ng malalim at nagsimula na ulit magsalita. "Alam ko marami ako sayong kasalanan. Sorry na.... Pero ngayon alam ko na kung bakit nagkakaganito ako.... Kasi...... Kasi....." Hindi nya matapos tapos ang sinasabi nya.

"Erika, pakinggan mo muna ako.... Gusto ko marinig ang sagot mo sa tanong ko," singit nanaman ni Ron na pilit kinukuha ang atensyon ni Erika.

Halatang nalilito si Erika sa kung sino ang unang iintindihin at pakikinggan... Nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nasa tabi nya.

"Erika, mahal kita. Basta maghihi---" si Ron

"Erika nagkakaganito ako kasi gusto kita!" Mabilis na sabi ni Seph para putulin ang sinasabi ni Ron.

Halatang nabigla si Erika gayundin si Ron. Natigilan sila at natahimik silang tatlo.

"Nagpapatawa ka ba? " natatawang tanong ni Erika.

"Sa araw-araw na pang-aasar mo sa kanya, ngayon sasabihin mo gusto mo sya? Ano bang drama mo Seph?" Ngingisi ngisi namang tanong ni Ron.

Hindi sya nakakibo. Hindi nya alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag. Kung bakit ba naman kasi may asungot na nakapagitan sa kanila at nakikisawsaw sa usapan eh.

"Oh common Seph! Ano bang trip mo? Isa nanaman ba yan sa pangbbwisit mo kay Erika?" Tanong nanaman ni Ron.

"Toto---" magpapaliwanag na sana si Seph nang biglang magsalita si Erika.

"Malapit na graduation pero pinagtitripan mo pa rin ako," naiiyak niyang sabi. "Nakakainis ka talaga Seph! Sana hindi na lang kita nakilala!"

"Hindi kita pinagtitri-----," sabi ni Seph pero pinutol nanaman ni Erika ang mga sasabihin nya.

"Tama na! Please naman, tigilan mo na ko. Wala akong alam na kasalanan ko sayo. Lagi mo akong sinasaktan. Kakalimutan ko na lang lahat ng sinabi mo ok? Kunwari hindi mo ko pinagtripan ngayong araw na ito. Siguro mas better kung........ KakaIimutan ko na lang na nakilala kita!" Sigaw ni Erika sa kanya.

Nakakainsulto. Ilang araw niyang pinag-isipan ang mga tamang sabihin sa kanya..... Nilunok nya ang pride at nagtapat sa kanya kahit may kaharap na asungot! Pagbibintangan lang pala siyang nagtitrip lang....

Siraulo nga siguro si Seph pero ni minsan hindi niya naisip gawing biro ang nararamdaman nya.

Paalis na sana si Erika pagkatapos niyang magsalita.....

"Erika, sandali lang....." Pigil ni Seph sa kanya. Nasasaktan na rin siya sa nangyayari. "Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin? Feeling mo pinagtitripan lang kita?" Ngumiti siya sa kanya nang tumingin ito. Ngiting may kasamang hinanakit.... Mayamaya ay tumawa sya ng malakas at tumingin sa itaas... Para pigilin ang mga luhang malapit nang bumagsak......

"Ok! Sabi mo kalilimutan mo lahat ng sinabi ko ngayon? Kakalimutan mong nakilala mo ako? Sige! Kung iyan ang makakapagpasaya sayo! Isipin mong joke lang lahat ito! Narinig mo? JOKE LANG 'to! Hindi totoong gusto kita!" Pagkasabi nun ay umalis na sya at tuluyan nang iniwan ang dalawa.

END OF FLASHBACK

Siguro nga ang dami ng kasalanan ko sa kanya.... Naisip ni Seph. Masaya naman sya kay Ron kaya sinabi niya sa sarili niyang hindi na lang niya guguluhin ang dalawa. At siya mismo ang lalayo.

"Makukuntento na lang akong mahalin ka sa malayo....." Bulong niya sa sarili..........

Ako Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon