"Asan na kaya si Jass? Di rin ba nagtetext sayo?"tanong ni Erika kay Ron habang nagdidial ng number ni Jass sa cellphone nitya.
"Hindi pa. Bakit ba inip na inip ka eh nagsabi naman syang mahuhuli sya di ba?
"Eh hello 2pm ang showing ng papanoorin natin. Anong petsa na wala pa rin sya." naiirita na ko. Ayoko yatang mahuli sa papanoorin namin. Gustung gusto ko talagang mapanood ang Starting Over Again. Maganda daw kasi un.
"Sorry guys. We're here na.Sobrang traffice kasi," paliwanag nya habang hila hila ang kasama niyang hindi ko talaga inaasahan.......
Napatingin ako sa kamay nilang magkahawak...
Oh well.. I should have expect it. Lalo pa nga at inamin na nya sa akin na gusto nya ito...Pero bakit ganito ang pakiramdam....parang may kumurot sa bahagi ng puso ko.....
"Bakit kasama mo yan?" nagtatakang tanong ni Ron kay Jass.
"Sinabi ko naman na may isasama ako ah. Ok lang naman sayo di ba Erika?" nakatingin lamang ito kay Erika habang hinihintay ang sagot niya.
"Ang tagal mo naman...Halika na baka magsimula na yung palabas," Di mo naman nasabi na yang mokong na yan ang isasama mo. Gusto ko sanang idagdag pero sinarili ko na lamang.
Andyan na eh may magagawa pa ba ako. Hindi ko naman gugustuhin na hindi maging masaya ang friend ko.
Sumunod na sila sa akin. Inalalayan ako ni Ron habang hinahanap namin ang reserved seat para sa aming apat na nagmukhang double date.
Naupo sila nang nakagitna sina Jass at Erika. Si Ron sa gilid ni Erika at syempre si Seph sa gilid ni Erika. Tahimik naman sila habang nagsimula na ang palabas.....
'you want anything to eat?" tanong ni Ron sa katabi. Lumapit pa ito upang magkarinigan sila.
"no thanks. Kakain naman tayo mamaya di ba paglabas natin." sagot ni Erika.
Tumango lamang ito. Sa totoo lang ay hindi sya makapagconcentrate sa pinapanood nila kasi naman ay naririnig nya na humahagikgik si Jass sa tabi nya. Halatang tuwang-tuwa ito habang nag-uusap sila ni Seph.
Bwisit kasi.... magkukwentuhan lang pala eh di sana di na lang sila sumama na manood... Panira ng mood....
Nakatutok lamang sya sa screen pero ang totoo sa sulok ng mga mata nakikita nya ang mga ito na kanina pa nagbubulungan.
Nakita niyang hinubad ni Seph ang jacket nya.
"Ay sorry." narinig niyang sabi nito sa kanya dahil nabunngo sya nito habang isinusuot kay Jass ang jacket.
Tinignan nya lang ito at inirapan.
tse..... pasweet hindi naman bagay....... pero deep inside naiinggit sya kasi kanina pa sya giniginaw kung bakit naman kasi sobrang lamig sa loob ng sinehan.
"Giniginaw ka?" tanong ni Ron. Tumango naman sya subalit ano bang aasahan nya. Wish nya lang ay may maipapahiram din si Ron na jacket sa kanya kaso wala naman itong suot na jacket eh.'
Nagulat sya nang bigla ay tumaas ang kamay nito papunta sa kabilang balikat niya.
"Ok lang?" tanong nito sa kanya nang akmang aakbayan sya nito.
Ngumiti sya bilang pagpayag. Sa gilid ng mga mata nya alam niyang nakatingin si Seph.
bwahahaha!!!!! Mas sweet ata si Ron :)
Yumakap pa sya kay Ron nang mapansin nyang hindi inaalis nito ang tingin sa kanila.
Natawa naman si ron sa ginawa nya.
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Sana
RomanceCrush...... Puppy love.....first love.... Lahat naman yata pinagdaanan yan. Masasabi mo bang masaya ang childhood days mo kung hindi mo naranasan ang mga yan? Yung tipong kinikilig ka sa tuwing makikita mo sya..... kinakabahan ka sa tuwing nakakasal...