Just Like the Old Days

26 2 0
                                    

Samantala, ang lakas naman nang kabog ng dibdib ni Erika. Hindi nya malaman kung bakit sa dinamirami ng tao sa mundo ay kailangan nya pa makita si Seph. Ilang taon ang lumipas pero ang kayabangan nito, hindi pa rin kumukupas. Pero in fairness, gwapo pa rin ito.

Bakit ko nga ba sya tinawag nakakainis eh di sana hindi na ko napahiya at nagmukhang tanga kung hindi ko na lang sya pinansin. Akala mo kung sinong hari. Yabang talaga.

Ilang minuto na rin syang naglalakad nang wala sa sarili.

toinks................

kundangan kasi'y napakalayo ng iniisip niya kaya't hindi niya namalayan ang nakabukas nang bahagya na manhole sa harapan nya.

"AYYYYYYYY! Nalusot yung babae!" hiyawan ng mga nakakita sa kanya.

Sa sobrang pagkapahiya ay hindi niya malaman kung ano ang unang gagawin, ang magtago o ang umahon mula sa pagkakahulog ng isa niyang paa sa manhole. Mabuti pa nga yata kung nahulog na lang sya nang buo nang walang nakakita sa mukha nya.. Sobrang nakakahiya kasi,

"Hanggang nayon ba naman lampayatot ka pa rin?" sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod niya. Hindi man niya nakikita kung sino ang tumutulong sa kanya ngunit alam na alam niya kung sino iyon.

Bwisit! Sa dami naman talaga ng tutulong sa kanya bakit ito pang buskador na ito,

Hinila siya nito pataas upang maiahon niya mula sa butas ang isa niyang paa, 

"Yuck! Ang baho mo na. Kung gusto mo kasing magswimming wag naman dyan." natatawa nitong sabi habang naglakad na palayo sa kanya.

"Yabang mo! Mabilis ang karma makakarma ka rin," naiinis niyang sabi habang hinahagilap niya ang wet tissue niya sa bag. Kailangan nya munang punasan ang nabasa niyang paa at sapatos. Mabuti na lang at may malapit na bench kaya't doon siya naupo.

"You're welcome!" sarkastikong sigaw ni Seph sa kanya sapagkat hindi man lamang sya nagpasalamat dito.

So mean... naguilty naman siya dahil hindi man lang siya nagpasalamat dito. Pero bakit ba.... eh tinulungan nga sya nito pero parang pinahiya na rin naman sya dahil kung anu-ano pa ang sinabi nito sa kanya.

May isang nagmagandang loob naman na lumapit sa kanya at tinanong kung ok lang sya or kailangan niya ng tulong.

"Ok lang ako. Salamat." nahihiyang sagot nya. Pero sa totoo lang, napapahiya pa rin siya kaya nanatili muna siyang nakaupo roon upang hindi na makita ng iba ang basang pantalon niya pati na sapatos. Hindi kasi niya alam kung paano aalis na lugar na yon nang hindi pagtitinginan ng mga tao.....

Naalala niyang tawagan si Ron or si Jass nang biglang may humintong kotse sa harap niya.

"Lampayatot, gusto mo bang sumabay? Sakay ka na!" alok ni Seph sa kanya.

"huwag na lang. Utang na loob ko pa sayo yan!" pagalit na sabi nya

"Tinulungan kitang tumayo kanina kaya may utang na loob ka talaga sa akin."

"Sinabi ko bang tulungan mo ko. Yabang nito!"

"So, ayaw mo talaga? Ikaw rin, bahala ka kung gusto mong dumikit sa katawan mo ang amoy ng imburnal. Alis na ko," nakangising sabi nito na umaktong paaandarin na ang sasakyan.

"Hoy, sandali!" Pigil niya rito. "iiwanan mo talaga ako dito?"

"Sus dami mong arte. Eh sino ba umaayaw sa alok kong sumabay ka?" naiirita nitong sagot.

"Yabang talaga. Pasalamat ka at masakit lang paa ko at gusto ko nang makauwi agad kaya sasabay ako sayo."

"huh! At ako pa talaga ang magpapasalamat hah. Ayos ka ring lampayatot ka eh noh. Try mo kasing kumain ng masustansyang pagkain nang di ka lampa." pang aasar pa nito habang binubuksan ang pinto ng passenger seat.

Sa likod sana sasakay si Erika nang makita niyang binuksan nito ang pinto sa may upuan sa tabi nito. "Hoy, Ano ka, balak mo pa kong gawing driver mo?"

"Oo na dyan na ko uupo. Nakakaasar. Wala lang akong choice kaya ako sasabay sayo!"

"OO na Oo na. Dami pang sinasabi sya na nga lang makikisabay.," at pinaharurot na nito ang sasakyan.

Tahimik lamang sila sa loob ng sasakyan. Nakakapanibago rin pala kung magkasama sila na walang nagsasalita. Halatang hindi mapakali silang dalawa kaya't kailanagn ay may magsalita.

"Alam mo ba kung saan ang bahay ko?" pagbasag ni Erika sa nakabibinging katahimikan.

"Bakit sinabi ko bang ihahatid kita sa bahay nyo? Sabi ko lang sabay ka na. hindi ko sinabing hatid na kita sa bahay nyo," nang-aasar nanamang sabi ni Seph.

"Naku!!!!!!!!!!!!!! Bwisit ka talaga! eh saan mo ko ibababa?" nanggigigil na sabi ni Erika rito habang nakatingin rito ng masama.

"Sa may St. Jude St. ako nakatira. Di ba sa St. Michael ka. So mga tatlong kanto lang naman ang layo nun mula sa may amin. Maglakad ka na lang mula sa amin," natatawa nitong sabi

"Paglalakarin mo talaga ako. Grabe Seph bakit ang bait bait mo? Sana talaga kunin ka na ni Lord!" pinapalo nya pa ang braso nito habang sinasabi iyon. "Ibaba mo na kaya ako dito. Magttricycle na lang ako."

"Grabe, Nakonsensya naman ako. Baka mamaya sabihin pang driver na masasakyan mo pinabayaan kong bumaho yung tricycle nya dahil sayo," pang aalaska nanaman nito.

"Pakitigil mo na ang sasakyan mo. Bababa na ako!" seryosong sabi nito.

"Ihahatid na kita. Wag kang sumimangot lalo kang pumapangit." pigil ang tawang sagot ni Seph. Nagkandahaba kasi ang nguso nito sa pagsimangot at halatang napipikon na sa mga sinasabi niya.

"Sabi ko itigil mo ang kotse bababa na ako!" sigaw nito na siya namang ikinagulat niya.

Sa sobrang seryoso nito ay itinabi niya ang sasakyan at inihinto ito. Agad namang bumaba sa kotse niya si Erika at tyempong may tricycle na padaan kaya't agad itong pinara at suamkay.

"Erika! hahatid na nga kita!"sigaw ko rito.

hindi na ito sumagot at tinignan lamang sya ng masama.

"Napaka pikon talaga ng babaeng un," sa isip nya. "Di na mabiro."

Sumakay na ulit siya ng sasakyan at nag drive na pauwi sa kanila. Nguilty siya sa ginawa niya pero wala naman siyang maisip kasi na pwde nilang pag usapan kaya ininis na lamang niya ito.. Kasi naman wala itong pinagbago mula nung high school. Lampayatot pa rin ito.

*****************************************************************************************************

"Hindi ka man lang nya sinundan para pilitin na ihatid ka na nya?" naiinis na tanong ni Ron kay Erika.

"Hindi nga. Ang kulit hah paulit ulit. Unlimited?" naiirita na niyang sagot nang ilang beses na nitong tanungin iyon at ilang beses na rin niyang nasagot. Tinawagan kasi niya ito upang ikwento ang nangyaring kahihiyan sa kanya kanina.

"Ano ba kasing iniisip  mo at hindi mo namalayang mahuhulog ka na pala sa manhole?" napalitan na nang pag aalala ang tono nito.

Matagal siyang natahimik.... Ano nga ba ang iniisip niya?

"Nabwisit kasi ako kay Seph nung parang hindi ako kakilala nung binati ko sya kanina eh.' naiinis nanaman sya nang maalala iyon.

Napabuntung-hininga naman si ron sa kabilang linya. " Si Seph nanaman ang dahilan kung bakit ka napahamak.... Sorry Erika... kung di kita iniwan sa coffee shop baka di ka sana napahamak kanina." sisi nito sa kanyang sarili.

"Nyek... Di mo naman kasalanan yun eh. Saka kung hindi ako shushunga shunga na lakad ng lakad nang wala sa sarili eh di sana di ako napahamak."

"Kahit na. Kung kasabay mo ko maglakad man lang eh di sana hindi ka nahulog dun."

"Naku tama na yan Ron. Basta hindi mo kasalanan yun."

Nagpaalam na sila sa isa't isa nang biglang nakareceive siya ng text mula sa close nilang teacher nung high school.

"I'm getting married guys :) Want to attend my special day?" sabi sa text.

Ako Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon