Love Chain

16 0 0
                                    

"Is it okay kung maiiwan ka na kasama nila or if you want ihatid muna kita bago ko puntahan si Pam?" bulong ni Ron kay Erika. Tinawagan na kasi ito ng girlfriend nya at nagpapasundo na iyon sa bahay ng kaklase kung saan ito gumawa ng project.

"I'll be alright. You go ahead after you eat," paniniguro niya dito.

"Are you sure?"tumango naman sya bago uminom sa mango shake na inorder nya. "I'm sorry. Ayoko sanang iwan ka na kasama sila but I guess Pam and I need to talk," nakayuko ito habang nagsasalita.

"Pam is a very nice girl. Bagay nga kayo eh. I'm sure naman na mahal mo talaga sya,"

"I guess so... but I think not as much as I love you Erika." nakatitig na si Ron sa kanya. Nahihirapan na rin siguro ito at naguiguilty sa girlfriend nya dahil kahit 6 months na ang mga ito ay mas mahal pa rin sya ni Ron. "Sabi mo nga she's really a nice girl so I want to be fair to her. Ayoko namang paasahin sya and in the end malalaman nyang mas mahal ko ang kaibigan ko kaysa sa kanya."

Naguiguilty rin tuloy sya kay Pam. Kasi naman feeling nya sya ang may kasalanan eh.

"hoy, kayong dalawa," bulyaw sa kanila ni Jass. "Bakit ba ang seryoso ata ng usapan nyo?" Parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mga mukha nyo ah. May problema ba?"

"Problema ka dyan.... Wala noh..." sagot ni Erika kay Jass. hindi siguro ito ang tamang lugar at tamang oras para ikwento sa kanya ang napag-usapan nila ni Ron kasi may asungot itong kasama.

"Saan tayo pupunta after natin kumain?" tanong ni Seph na kay Erika nakatingin.

Umiwas naman ito ng tingin. Naku bakit nga ba sya kinakausap nito. Parang kanina lang eh ang sweet sweet nila ni Jass... sila na lang ang mag-usap.

:"I'm gonna buy the dress that I saw last weekend. Pwede nyo ba akong samahan muna?" naglalambing na tanong ni Jass habang humawak pa sa braso ni Seph.

"I'm sorry guys. I think mauuna na ko kasi may pupuntahan pa ako eh," si Ron. "Erika, are you sure you want to stay?" nakatingin ito sa kanya.

Ayaw naman niyang abalahin pa ito. Gusto niyang makapag isip mabuti si Ron kung tama bang makipag break kay Pam. Malay mo naman maisip nitong mahal talaga niya ang babae. Hihiwalay na lang din siguro sya sa dalawang ito dahil baka langgamin na sya sa kasweetan ng mga ito.

"Go ahead. I'll stay." after he heard what I've said, he kissed me goodbye then he whispered "Don't hurt yourself too much." and he left.

Loko talaga yung lalaking yun. Ano naman feeling nya, high school pa rin ako na may crush sa mokong na to. no way!

"Excuse me guys, I'll just answer this call. It's mom," paalam ni Jass sa kanila ni Seph nang magring ang cellphone nya.

"Dami mong pantal oh!"sabi ni Seph sabay turo sa braso nya.

Nagtataka namang hinanap nya ang tinutukoy nito.

"Wala naman ah..."patuloy pa rin sa paghahanap nang marinig nyang tumatawa si Seph. "Pinagtitripan mo nanaman ako?" naiinis nyang tanong nang marealize nyang niloloko lamang sya nito.

"Di mo ba kita? Naku malamang nabulag ka na. kanina kasi sa sobrang sweet nyo eh nilalanggam na kayo kaya ka siguro puro pantal."

"tse.... papansin ka nanaman. Lakas mo magtrip eh noh." inirapan ko sya.

"Totoo naman eh. Kulang na lang maghalikan kayo sa sinehan sa sobrang lapit ng mga mukha nyo," tila nagtatampong sabi nito. Naku hah... arte lang? Nagdadrama.... eh ano naman ang karapatang magdrama....

speaking of halikan....

"aray!" sigaw ni Seph habang hawak hawak ang ulong binatukan ni Erika. Medyo napahiya naman ito nang makitang napatingin sa kanila ang ibang naroroon. "Bakit ka ba nambabatok? Kababaeng tao mo...." sita nito na medyo hininaan na ang boses.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon