The First Kiss

21 1 0
                                    

tttiiiinnggg tiinnggg tinngggg!!!!!

Di magkamayaw sa pagtunog ang mga baso kaya naman walang nagawa ang mga bagong kasal kundi ang pagbigyan ang mga bisita nila.

"Ang sweet naman nila. Sana makakita rin ako ng lalaking super sweeeeeettttt katulad ng hubby ni ma'am," kinikilig na sabi ni Jass habang patuloy pa rin ang pagpalo ng tinidor sa baso niya.

"Saglit muna nating puputulin ang paglalambingan ng newlyweds," sabi ng Host. "Tinatawagan ko ang lahat ng single ladies na samahan ako sa harapan," patuloy nito habang naglalakad at pinatatayo isa isa ang mga dalaga na bisita.

"Ay naku wag na po ako. Eto na lang pong si Jass,' natatawang sabi ni Erika sabay tulak sa kaibigan nya.

"Bakit married ka na ba?" tanong ng host sa kanya sabay tingin sa kamay nya kung may singsing siyang suot.

"Halika na dahil single ka pa. Akala ko tuloy batang nag-asawa." natatawang sabi ng host at hinila na siya nito papunta sa harapan kasama ng iba pang mga kadalagahan.

Hiyang hiya man ay tumayo siya roon kasama ang iba. pinagpasapasahan nilang mga dalaga ang bulaklak habang may tugtog. Kung sino ang may hawak nito at nahintuan ng tugtog ay maaalis. Patuloy sila sa pag indak hanggang sa maging apat na lang sila. Si Erika na pinipilit mapunta sa kanya ang bulaklak upang maalis sya ay nakasama pa sa apat na natira.

"Naku miss wag pagtagalin sa sarili ang bulaklak para lang maalis," pabirong sabi ng host sa kanya nang mahalata na gusto niya talagang magpatanggal sa laro.

Sakto namang inilipat niya sa katabi ang bulaklak nang huminto ang tugtog at tatlo na lamang silang natira.

"Papayag ba kayo na hindi sila sumasayaw?" tanong ng host sa mga bisita.

"Hindi!!!!" sagot naman ng mga ito.

Pinatagal muna ang tugtog upang makita silang sumayaw. Ginanahan atang sumayaw ang kanina'y nahihiyang si Erika nang biglang inihagis sa kanya ng katabi nya ang bulaklak at tumigil ang tugtog.

"Yesss! Nasa akin ang bouquet." tuwang tuwang sabi nya sapagkat alam niyang siya na ang maaalis at maiiwanan na nya ang dalawa.

"Naku tuwang tuwa si miss..... anong name mo?' tanong ng host

"Erika po," nakangiting sagot niya. Aalis na sana siya sa harap nang bigla siyang hilahin  nito.

"Oooppsss, Miss Erika, saan ka pupunta? Parang kanina lang ay tuwang tuwa ka na nasa iyo ang bulaklak ah,"

"Ay eh uupo na po. Kasi di ba sa akin po nahinto ung bulaklak kaya ibig sabihin tanggal na ako," kinakabahang sagot niya nang iginiya siya nito na maupo sa isang silya sa unahan.

"Thank you mga Miss,"baling ng host sa dalawa pang kasama niya kanina. "Dahil tatlo na lamang kayo kanina syempre kung kanino nahinto ang bouquet ay siya na ang mapalad na dalaga," at naghiyawan ang mga naroon matapos ipaliwanag ng host na siya na ang "lucky girl" na maaaring susunod na daw ikasal.

Tuwang tuwa pa man din sya. 'Yun pala bandanh huli ay siya pa ang ipapaiwan ng makulit na host na ito. Akma sanang magpoprotesta pa siya nang tumalikod na ito....

Naiwang tulala si Erika.

"At sino naman kaya ang lucky man? Single boys lapit na kayo dito," sigaw ng host sa mga lalaking nag uunahan pa sa paglapit.

"Ay ang taray ni Miss Erika. Mukhang ang daming nagkakacrush sayo ayan oh nag uunahan pa sila," natatawang sabi. "Ang haba ng hair!"

Bawat isa sa mga binata ay binigyan ng isang shot glass. Syempre pa kasama sa mga ito si Ron na poging pogi sa suot niyang lavender na longsleeves. Naroon din ang iba pa nilang naging kaklase na malapit din sa teacher nila at syempre pa si Seph na mukhang seryosong seryoso ang itsura.

Ako Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon