Seph's Point of View

82 2 10
                                    

"Ang galing nga nya eh! Ang dami nyang points na nakuha para sa team nila. Di ba Seph," sabi nya skin nang mapansing nakikinig ako sa usapan nila.

Nakakairita na puro na lang Ron ang bukambibig nya. Bakit marami din naman akong nagawang points para sa team.

"Kwento mo sa pagong!" Sa inis ko ay yun na lang ang nasabi ko.

Alam na alam kong maiinis nanaman sya at di nga ako nagkamali. Natawa ako nang makita ko ang pagngiwi ng mukha nya nang marinig ang sagot ko. Nanlilisik ang mata nya nang tumingin sa akin kaya naman tumakbo ako habang tumatawa pa rin.

Wahahaha! Ako ang nagwagi. Nakuha ko na ang atensyon na. Nakakarindi na kasi talaga dahil mula kaninang pagpasok eh si Ron na ang ibinibida nya. Paulit-ulit. Unlimited!

Nagtaka ako nang hindi ko na marinig ang karugtong ng sinasabi nya.. Paglingon ko sa likod ay hindi na sya humahabol...

Mukhang naghuhuli na palaka!

Haaayyysss.... lampa talaga. Tumakbo ako pabalik nang makita ko sya.....

Kahit lagi ko syang iniinis, ewan ko nga ba pero deep inside, alam kong nag aalala ako Sa kanya

"Ok ka lang ba? May masakit ba? Kaya mo bang tumayo?"eto agad ang natataranta kong Mga tanong sa isip ko na sasabihin ko sana sa kanya.

"Hoy! Ok ka lang ba?" pero ito ang biglang lumabas sa bibig ko pagkalapit ko Sa kanya.

Ewan ko nga ba pero bakit ba parang may sariling isip Ang bibig ko na kung anu ano Na lang ang lumalabas kahit hindi talaga ito ang gusto kong sabihin.

"Mukha ba akong okay? Kasalanan mo ito eh! Bwisit ka talaga!" Sagot nya sa akin natila naiiyak na sa iniindang sakit.

Parang gusto ko tuloy umayon sa kanya na bwisit nga ako. Tanungin ba naman kasi kung okay eh nadapa nga. Haysss... Seph Marcus Palma! Mag isip ka nga!

"Sorry na. Huwag ka nang magalit. Halika dadalhin na kita sa clinic," gusto kong sabihin sa kanya pero iba nanaman ang lumabas pagbuka ng bibig ko.

"Ako pa ang may kasalanan eh ikaw nga ang lampa dyan! Halika na dalhin kita sa clinic," natatawa ko pang sabi sa kanya na parang nang-aasar.

Hayyyss.. ano ba yan! Palpak nanaman. Ano bang bibig ito... ayaw makisama.

"Ewan! di kita kailangan. Umalis ka na nga."

Ouch! Sakit naman. Kunsabagay ang sweet kasi ng mga pinagsasasabi ko eh sa kabaligtaran....

Pero nag aalala talaga Ako Sa kanya. Baka kung ano Mangyari kung di agad matignan ang na sprain sa kanya..,, ah bahala na. Kahit ayaw nya pipilotin ko Sya kahit pa nga buhatin ko sya papuntang clinic.

Biglang dumating sina Jass at....tsk...tsk..... eto nanaman ang bida! Si Ron.

Ano pa nga bang magagawa ko. Inalalayan nila si Erika na agad namang sumama sa kanila. Wala ako nagawa kundi ang tumingin na lang habang palayo sila. Ang importante ngayon madala na sya sa clinic kahit pa nga si Ron yun at hindi ako,

*********************************

Kinabukasan, maaga ako pumasok. Aabangan ko sya at hihingi ng sorry.

Sana lang makisama ang bibig ko. Masabi Ko sana kung ano talaga ang sasabihin ko, kahapon kasi hindi na sya nakapasok ulit Sa klase. Pinahatid na sya pauwi dahil di nya talaga maitapak ang paa nya.

Pagdating ko sa school, sya agad Ang hinanap ng mga mata ko. Pero wala pa....

himala... dati maaga sya kung pumasok. Nakikipag-asaran pa nga Sa akin un Eh.

Ako Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon