Habang Buhay Chapter 1

6.7K 46 11
                                    

I promise this is going to be a short story. Maybe 3 to 5 chapters lang. I already drafted 2 chapters to a character in another story (still on going) and until its done, di ko pa pwede ilabas ang story ng character na ipinagkatiwala sa akin. So while waiting, I made another story to fill the gap.

Nagising si Chloe sa biglang pag sigaw ng konduktor ng bus. "O stop over tayo, 15 minutes. Ang gustong mag CR at kumain pwede na bumaba. Tandaan lang ang bus no. natin ha, baka ibang bus ang masakyan nyo mamaya." Nakarating na sa likod ang konduktor at tinitingnan kung may tao ba na nagpaiwan o may hindi bumaba para mag inat-inat. Halfway na ang byahe nila papuntang Baguio. Dahan-dahan tumayo si Chloe sa kanyang upuan. Namanhid ata ang kanyang balakang sa pagkakaupo sa bus habang tulog. Di pa sya nagugutom pero after mag CR ay pinilit nya mag kape. Malamig sa bus at maski konti gusto nya makaramdam ng init man lang sa kanyang sikmura. Habang umiinom ng kape, nakaramdam ng kirot si Chloe sa kanyang puso. Paano ba naman sa tapat nya ay may lovers na naglalambingan. Anak ng patatas naman! Nasambit nya sa sarili. Pumunta na nga sa malayo para makapag isa, pati ba naman sa daan, may reminders? Yamot na tumaayo si Chloe dala ang kanyang kape at tumayo malapit sa bus na sinakyan nya. Mahirap na, baka dapuan na naman sya ng pagka emo, di nya mamalayan, naiwan na pala sya! Kainis kasi ang dalawang yun, sa harap ko pa nag tukaan.

After 15 minutes lumarga na ang bus. 2-3 hours pa at nasa Baguio na sila. Pwede pa matulog ulit. Madilim pa rin sa labas, tama lang na mag 6am ang dating nila sa City of Pines. Bakit nga ba sya nasa bus papuntang Baguio? Pumikit na lamang sya para pigilan ang mga luha na kahapon pa pilit pinipigilan. Di nya kaya mag breakdown sa loob ng bus! Baka akalain ng katabi nya sira ulo sya. Kaya mo yan Chloe....utang na loob.

Parang kahapon lang ang nangyari sa kanya.

Naglalakad si Chloe palabas ng opisina ng may lumapit sa kanyang isang babae. Napatigil sya sa pagbukas ng kanyang kotse ng mapansin na sya talaga ang pakay nito. "Miss, may kailangan ka ba?" Pati una nyang tanong sa babae. "Ikaw ba si Chloe?" Tanong nito. May kapayatan at pagkamataray ang asta nito. Halata naman na jologs dahil sa porma nito. "Oo, ako nga, bakit?" sagot nya dito. Tiningnan sa ng taas baba ng babae, dito pa lang ay nasabi na ni Chloe sa sarili na di nya gusto ang kara ng babae. Nagulat sya ng biglang tumaas ang boses ng kausap habang palapit sa kanya." Pwes, ako si Jackie, and for your own good, layuan mo si Alex dahil akin sya, ok!" Mataray na sbi nito sa kanya. Nabigla man, ay hindi nagpatinag si Chloe. "Excuse me, Miss, hindi kita kilala at ano ang sinasabi mo tungkol kay Alex? For your info, boyfriend ko sya at matagal na kami. So please, wag ako ang guluhin mo." Tumalikod na sya para pumasok sa kanyang kotse ng biglang hawakan sya nito at pilit hinarap sa kanya. "Please Chloe, layuan mo na si Alex, mahal ko sya, akin sya, bago naging kayo, kami na. Now I'm back and I want him back for good." Winaksi ni Chloe ang kamay na nakahawak sa kanya.

So this is the enfamous ex of Alex!  Sa tanda nya, 1 taon na sa abroad si Jackie ng magsimulang magkalabuan ang dalawa. Ayaw ni Alex na mag abroad eto pero mapilit si Jackie. Sa kalaunan nasunod din ang gusto nito na mag HK at mag trabaho bilang isang tutor. Sa una ay ok naman ang dalawa pero habang tumatagal, naging madalang na ang mga email at tawagan nilang dalawa.  Busy daw lagi sa mga alaga si Jackie at madalas pa isama ng amo sa mga out of town trips ng mag-anak. Pero may nakapagbalita kay Alex na taliwas sa mga sinasabi ni Jackie. May nakakuha pa ng pictures dito habang may ka date sa Central Park! Tama ba naman yun, mag di-date sa public place pa. Nakipag break si Alex dito at di man lang sya nag sorry sa lalaki, basta na lang nito tinanggap ang pakikipag break ni Alex.  Poor Alex, matagal din bago nakapag move on eto at naging masaya ulit. Nang maging sila, open book na ang buhay nila sa isa't isa. Sya naman, ordinary lang ang naging past love nya, di major heartache like Alex. Sa kanilang dalawa mas may hang up si Alex pagdating sa relasyon, pero dahil na rin sa love nila sa isa't isa unti-unti nilang napagtatagumpayan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon. 

Habang Buhay (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon