Nagising si Chloe sa loob ng isang kwarto. Pagmulat ng mga mata, nakita nya ang mama ni Alex na nakaupo sa tabi ng kanyang kama.
"Ma, si Alex po? Gusto ko syang puntahan." tinangka nya bumangon pero nahilo ulit sya. Tumayo palapit sa kanya si Mama Meann.
"Wag ka muna bumangon anak, relax ka lang, wala pa sa ospital si Alex. Pupuntahan natin sya mayamaya." Pasiguro nito sa kanya.
"Ma, ano po ba ang nangyari?"Naiyak na naman sya. Binigyan sya ng tubig ng matanda. Pilit pinakalma ni Chloe ang kanyang sarili, walang mangyayari kung panghiinaan sya ng loob. Kailanagn malakas sya para alagaan si Alex.
Pumasok si Freddie sa kwarto. Nasa clinic pala sya ng opisina nila Alex. "Dumating na sa St Lukes si Alex Tita, Chloe. Kaya mo na bang bumangon?" Tanong nya kay Chloe ng pilit na etong tumayo pagkadinig sa balita.
"Kaya ko na, Freddie, please let's go...." maski naliliyo pa ay dahan-dahan na syang bumagon at pilit inayos ang sarili.
Sa mga sandaling yun, si Alex lang ang nasa isipan ni Chloe. Inalalayan sya ng Mama ni Alex at ni Freddie. Sa ospital, kasalukuyan ng kausap ng mga doctor ang Papa ng lalaki. Katatapus lamang ma x-ray at ma CT scan nito. Inaantay naang nila ang mga results ng mga tests na ginawa kay Alex. Sedated pa si Alex.
Pagdating sa ospital, agad dumeretso sa private room sina Chloe. Kakalipat pa lamang kay Alex sa kwarto mula sa mga tests na ginawa sa kanya.
"Hon....my gosh! " Naiyak na naman si Chloe pagkakita sa kalagayan ng nobyo. Naka taped ang dibdib ng lalaki dahil sa mga bali sa ribs.Kailangan din ng sling kapag kapag nakakabangon na eto. Kulang nalang mapuno ng benda ang katawan ng nobyo. Awang-awa sya sa itsura nito.
Habang busy sa pag assist si Chloe sa mga nurses sa pag aasikaso kay Alex, kausap ng parents ng nobyo ang doctor na umasikaso kay Alex.
Laking pasalamat ng 2 matanda sa sinabi ng doctor na walang internal damage si Alex. Yun nga lang 3 broken ribs at collar bone ang nadali sa kanya.
Unti-unti ng nagkamalay si Alex. Pagmulat ng mga mata, si Chloe agad ang nakita nya. Di nya maintindihan kung bakit todo emote ang nobya habang tarantang lumapit sa kanya.
"Hon, ano ang masakit sa iyo?, Kamusta ka na?" Tanong ng nobya sa kanya.
"Hey, stop crying, I'm in one piece, see? Naka tape nga lang ata, mukha na akong mummy sa dami ng benda ko." Birong sagot nya dito.
"Pwes di biro ang nerbyos na binigay mo sa amin ha, tapos nagbibiro ka pa ng ganyan, how coud you?" Akusa nya dito.
Pinilit gumalaw ni Alex para aluin ang nobya pero di nya maigalaw ang leeg nya. "Aw...Hon..sorry na. I know nag-alala kayo sa akin, ako rin akala ko di na ako magigising pa. Sorry na....Shocks...ang hirap naman ng brace na to..." reklamo ng lalaki.
"O sige na, wag ka na magkikilos, baka magkalasan pa ang mga bali mo sa ribs." Saway nya sa nobyo. At least alam nya na on the mend na eto, malakas na magbiro ang nobyo kaya ibig sabihin on the road to recovery na nga eto.
Si Chloe na ang nagbantay at nag asikaso sa nobyo habang nasa ospital at nagpapagaling eto. Mahirap na pasyente ang nobyo. Nasa hospital na nga pero lagi naman nasa telepono at ng kalaunan ay nag la-laptop na eto. Halos di na rin mapigilan bumangon ng matantya na ang sakit sa katawan. Palibhasa sanay sa trabaho sa field kaya madaling naka recover si Alex sa bugbog ng katawan na dulot ng aksidente.
Isang umaga, pagkatapos mapalitan ang bendang nabasa dahil mapilit na naligo si Alex, may pumasok na bisita s kwarto nya. Kasalukuyang nasa banyo si Chloe at nagpapalit ng damit na nabasa dahil sa kakulitan ni Alex.
BINABASA MO ANG
Habang Buhay (Completed Story)
RomanceIsang kuwento ng pag-ibig na sinubok ng pagkakataon. Will love ever survive? O basta na lamang susuko? Habang buhay........