Mabilis naman ang recovery ni Alex mula sa pagka aksidente.
Nasa ospital sila ngayon, final check up ng nobyo. Nag aantay sa lobby ng clinic si Chloe. Nasa loob pa ng clinic si Alex.
Sana clean bill of health na ang resulta. Usal ni Chloe sa sarili.
Pagkatapus ng check up, ihahatid sya ng nobyo sa bahay ng mga magulang nya. May dadalawin sila sa Rizal, isang tiyahin na may sakit.
Actually, nagpasama ang Mama nya sa kanya. Driver lang ang peg nya. Minsan lang naman maglambing ang mama nya kaya go lang sya. Baka sabihin pagkatapos nya magkandaugaga sa nobyo eh sa nanay nya wala syang panahon.
Gusto sumama ng nobyo pero sinabi nya na magpahinga na lang eto. Malayo din ang byahe at matraffic dahi weekend. Madami ang bumibyahe pauwi ng Rizal lalo na kapag sabado.
Promise nya kay Alex, maaga sya babalik bukas. Napapayag naman si Alex kalaunan.
"Hon, tara na hatid na kita sa inyo. Sabi ni doc pwedeng pwede na daw akong makipag wrestling. Good as new, ika nga!" Bida ni Alex sa kanya.
"Wrestling ka dyan, driving nga lang hinihingal ka na" Asar nya dito. Patingin sa sinulat ni Doc?"
Kinuha nya ang medical certificate na hawak ni Alex. Pinasadahan ng basa at ng masiguro na ok na nga talaga ang nobyo, saka nya binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"I'm so glad Hon! Sa susunod mag iingat ka na sa pag da-drive ha. You just didn't know, abot Binondo ang kaba ko nung naaksidente ka! Akala ko iiwanan mo na ako." Paalala nya dito.
Halik at yakap din ang ganti ni Alex sa kanya. "Hon, sorry kung umabot ng Binondo ang kabang ibinigay ko sa inyo. Sa susunod China na...."
Siniko nya ang nobyo. Nakailag naman agad ang isa.
"Hon, biro lang...sa China tayo mag babakasyon. Kaw naman. Tara na nga."
Wala silang pakialam na nag PDA sa lobby, buti na lang secretary lang ng doctor ang nandun.
"Thank you so much, Chloe. Sa pag unawa, sa pagmamahal! Basta, sa lahat-lahat! I love you!" Bulong nito sa kanya.
Magkahawak kamay silang lumabas ng clinic. Hindi nila napansin na may mga matang nakasunod sa kanilang dalawa.
Kung may matutunaw sa mga tingin na yun, sila na siguro yun.
Nagbabaga at halos umuusok sa galit si Jackie na sinundan ng tingin sila Alex habang palabas.
Bakit ka ganyan, Alex? ayaw mo maniwala, nagsisi na ako. Just give me one more chance. Mamahalin at pagsisilbihan kita, higit pa sa ginagawa ng Chloe na yan.
Sinundan nya ang dalawa hanggang car park. Dun narinig nya ang pag uusap ng dalawa bago pumasok ng kotse.
"Alex, be good ok. Wala munang extra curricular churva ha! Kota ka na! Bukas babalik din ako agad. sabay na tayong mag lunch." Bilin-paalala ng nobya.
"I'm good Hon! Behave ako, promise! Gusto mo isama mo na ako eh...."Pahabol pa nito.
Umiling lang si Chloe. Sabay dilat sa nobyo!
"Sabi ko nga sa bahay lang ako, aantayin kita!, Balik ka kaagad ha! Ma mimiss kita tonight, Hon!" Pa cute na naman nito.
Nagtatawanan na umalis ang dalawa.
Naiwan na nag isip si Jackie.
Wala ang atribida, pwes pagkakataon ko na eto.
Eto na ang tamang pagkakataon para bawiin ko sa yo ang dapat ay akin. Pasensyahan na lang Chloe. Wala ka ng babalikan na nobyo. Hahaha!
Mabilis na umalis si Jackie sa lugar na yun. Kailangan nyang maghanda.
Magiging akin ka na rin, Alex!
Mag aalas-onse ng gabi ng may nagdoorbell sa bahay ni Alex.
Kasalukuyang nagpapa antok si Alex. Nasanay na sya na katabi si Chloe lagi kaya hirap syang makatulog.
Hinahanap-hanap nya ang lambing nito sa kanya sa tuwing matutulog na.
Sino kaya to, di naman si Chloe at walang kotse sa labas.
Sa isip-isip ni Alex. Wala sa loob na binuksan nya ang pinto. Walang namang tao pero may iniwan sa terrace. Delivery siguro, isip nya.
si Chloe talaga ang daming gimik!
Paghakbang nya palabas ng terrace para kunin ang basket bigla nalang may humampas sa ulo nya.
Nawalan ng malay si Alex.
Napatili naman si Jackie. "Gago ka ba? Baka mapuruhan mo si Alex!" Saway nito sa kasama.
Tinulungan sya ng kasama na madala sa loob ng kwarto si Alex. Pagkatapos bigyan ng pera ay inutusan na nyang umalis eto.
Pinagmamasdan ni Jackie si Alex. Hinaplos-haplos ang maamo nitong mukha
Sino ngayon ang panalo, Chloe? Tingnan natin kung ano ang masasabi mo pag uwi mo bukas.
Alex, baby, halika na, matutulog na tayo. Hahahaha!
Napabalikwas si Chloe!
Ang sama ng panaginip nya! Agad nyang tinext si Alex.
Nakahinga naman sya ng maluwag ng nag reply naman agad eto.
Lumuwas na agad si Chloe. Nagpaiwan pa ang Mama nya sa Rizal. Sasabay na lang eto sa isa pa nilang kamag anak na dumalaw din.
Dumiretso na sya sa bahay ni Alex. May di sya mawari at pakiramdam nya something is wrong. Habang pauwi nagtatalo ang kalooban ni Chloe.
Naku wala sanang nangyaring masama! Girl, para kang aning! Nag text na nga ng good morning kanina di ba? Concentrate, at baka ikaw naman ang ma ospital sa pagkabalisa mo. Matuwa pa si Jackie!
Pagpasok sa bahay, nagtaka si Chloe dahil mag aalas-9 na tulog pa rin ang nobyo? Maaga magising eto maski na nung may sakit.
Dumiretso sya sa kusina para ilapag ang dalang kakanin na pabaon ng pinsan.
Agad na pumunta sya ng kwarto para i-check si Alex. "Hon, tanghali na, gising na.....masama ba ang....." natigilan si Chloe sa nakita.
Oh my gosh! Alex.................!
Readers I need your comments! Please leave your reactions, comments & suggestions dito sa wattpad.
Thank you so much sa lahat ng suggestions Ate Gidget, Sis Lowela & sa virtual DJ ko, Bureche! All are well noted!
BINABASA MO ANG
Habang Buhay (Completed Story)
RomanceIsang kuwento ng pag-ibig na sinubok ng pagkakataon. Will love ever survive? O basta na lamang susuko? Habang buhay........