Kasalukuyan namang nasa EVAC Helicopter si Alex. Naka alalay lahat ng medics na kasama sa airlift. Maselan ang lagay ang pasyente nila pero mas delikado na hindi mailipat agad ng hospital at mabigyan ng karapatdapat na medical attention. Hindi ganun ka advance ang hospital na napagdalhan Alex. Maswerte lang talaga ang pasyente at maagap syang nabigyan ng emergeny treatment. Head on collision ang nangyari. Sumalpok sa isang humintong trailer truck ang kotse ni Alex. Kasalukuyang kumukuha ng warning devices ang pahenante ng truck kaya walang signal na nakita si Alex. Wasak ang windshield ang kotse at kung hindi pa sa seatbelt at airbag, malamang patay na eto. Malala pa rin ang tinamo ni Alex na injury. Bali ang collarbone at several cracked ribs. Kailangan pa nya maisailalim sa CT scan at sangkatutak na x-rays just to be sure na walang internal damage dahil sa mga bali nya.
Two days ago.
Sir, may naghahanap sa inyo, nasa trailer po nag aantay. Sabi ng guard sa parking area. Kagagaling lang ni Alex sa constrction area. halos 24 hours na syang walang tulog. Magdamagan ang trabaho nila ngayon. Kailangan nila humabol sa oras dahil sa sunod-sunod na delays last month, behind schedule sila ngayon, kailangan mag double shift. Malaki ang penalty kapag hindi sila makahabol sa deadline. Dumeretso agad sya sa trailer office, sino kaya ang pupunta sa kanya, wala syang expected na bisita dahil kakaalis lang ng mga bisita nila.
Pagpasok sa opisina, nagulat si Alex ng may yumakap sa kanya mula sa likuran.
"Alex, i miss you. How are you?" Napaigtad si Alex, sabay harap sa taong ni sa panaginip ay ayaw na nyang makita!
"Ano ang ginagawa mo dito? Wala na tayong paguusapan pa, Jackie." Matigas na sabi nya sa kaharap.
"Alex, didn't you miss me? Look, alam ko malaki ang kasalanan ko sa iyo, and I'm sorry. Sana you can find it in your heart to forgive me." Pagsumamo nito sa lalaki.
"You think ganoon lang kadali yun Jackie? Forgive maybe, but forget? Maybe someday, pero hindi pa ngayon. Sorry, you may now leave." Pagtatapos ni Alex sa usapan nila.
"Alex, mahal kita! Bakit di natin dugtungan kung ano ang naputol....
"Jackie, enough! Wala ng tayo, matagal na. May ibang buhay na ako ngayon. And salamat, dahil sa iyo I met the one person na gusto ko makasama habangbuhay!" Pinal na sabi nya dito.
"No, Alex, I won't give you up. Mahal kita, please give me just one chance." Pagmamakawa nito sa kanya.
" I'm sorry. Please leave." Yun lang at iniwan na ni Alex si Jackie sa loob ng trailer office.
Pinahid ni Jackie ang mga luha sa mata. Masakit sa kanya na di na muling magiging kanya si Alex. Iyon ang di nya kayang mangyari. By all means, kukunin nya ulit eto.
OO nagpadala sya sa tukso habang nasa abroad at yun ay pinagsisihan na nya. Niloko at iniwan lamang si Jackie ng lalaking pinagpalit nya kay Alex. Akala nya ay tutuhanin at pakakasalan sya ni Jonas. Yun pala, pagkatapus gamitin at pagsawaan ay iniwan sya sa Hongkong.
Too late when she realized, kay Alex pa rin ang puso nya.
Kung di ko sya makukuha muli, mas hindi sya magiging iyo, Chloe! Tumawa ng pagak si Jackie. Mula sa bulsa, inilabas nya ang mobile phone ni Alex. nakuha nya eto last week habang nag aantay sa office ni Alex. Naiwan ng lalaki ang mobile na nag cha-charge at eto ay nasa conference room for a presentation. Kinuha nya eto at nagpaalam na lang sa secretary ni Alex. Ang sabi nya ay babalik na lamang sya. Narinig din nya sa secretary na papuntang site si Alex ngayong linggo kaya sinundan nya eto.
Wednesday night sa staffhouse kung saan pansamantalang tumutuloy si Alex, pagkatapus ayusin ang mga gamit sa kanyang pagluwas kinabukasan, nahiga na eto para magpahinga. Tatawag muna sya sa nobya bago matulog. Maaga ang luwas niya bukas para sa isang meeting sa kliyente.
May katok syang narinig mula sa labas. Sino ka ang kumakatok na eto? I'm sure problema sa site na naman. May instructions na ang night shift na kapag may mga problema or emergencies, puntahan o tawagan agad sya.
Pag bukas ng pinto, si Engr. Vic ang kanyang site engineer. "O Vic, hululaan ko, problema?" Patiuna nya sa kaharap?
"E sir, kakadating lang ng mga equipment eh. May problema sa unloading, may nasagi ang forklift..." pag eksplika nito sabay kamot sa ulo.
Napailing na lamang si Alex. There goes my early night. " Sige Vic, magbibihis lang ako."
Hindi na nakuhang tumawag ni Alex sa nobya.
Dadaan na lang ako sa bahay ni Chloe bukas bago pumasok ng opisina. Tiyak, katakot-takot na paliwanagan na naman eto sa nobya., sa isip-isip ni Alex.
As expected inumaga na si Alex sa site. Malaki ang naging problema ng aksidente at natagalan bago naisa ayos ang problema. Halos 2 oras lamang naidlip eto bago lumuwas ng Maynila. Kulang-kulang 2 oras ang byahe kaya kailangan maaga sya.
Sa car park nagulat sya ng madatnan si Jackie sa tabi ng kanyang sasakyan. 4am pa lang, pero nandun na eto. I will have to tell security to be strict. Kaya may mga kaso sila ng pagnanakaw sa compound. Maluwag ang security nila. Palibhasa probinsya kaya halos lahat ng tao madaling magtiwala.
"What are you doing here, masyado pang maaga. Go home okay." Ipinaso ni Alex ang gamit sa sasakyan. Kasunod niya si Jackie.
"Alex, we need to talk. Please...." Sumamo nito sa kanya.
"Look, Jackie, lahat ng dapat mong malaman nasabi ko na sa iyo. We don't have anything to talk about. Please excuse me, I need to go. And please, wag ka nang pupunta dito." Pagkasabi nun ay tumalikod na eto para pumasok sa sasakyan.
"No! Mahal kita, Alex, di kita kayang i give up, kung si Chloe lamang, kaya ko rin ibigay ang kaya nyang ibigay. Just like before, we can get married, I'm ready to settle down with you. Pasensya ka na kung nadala ako sa mga ambisyon ko noon.....I'm so sorry for hurting you, Alex. I love you." umakap eto sa lalaki.
Pilit kinalas ni Alex ang mahigpit na pagkayakap ni Jackie sa kanya. "Jackie, please stop! Maawa ka sa sarili mo. And please, leave Chloe out of this. Nakapag moved on na ako.
Please.....you have to let go of something na matagal nang wala or naputol. I'm sorry." Yun lang at sumakay na eto sa kotse.
Napaupo sa gutter si Jackie. Pilit pinipigilan ang mga luha habang tinitingnan palayo ang kotse ng dating nobyo.
"You can't do this to me, Alex. Kung di ka magiging akin, walang makikinabang sa iyo!" Dahan-dahan tumayo si Jackie upang lumabas sa parking area.
Susunod sya sa Manila. For sure sa opisina and punta ni Alex.
Habang nasa byahe, iniisp ni Alex kung paano sasabihin kay Chloe ang tungkol kay Jackie. Baka nga totohanin ng babae na puntahan at guluhin ang nobya. Kailangan maunahan ni Alex si Jackie. Mahirap na baka lumala ba ang sitwasyon.
Madilim pa ang kalangitan habang binabaybay ni Alex ang expressway. Nahihikab sya pero pilit nilalabanan ang antok dahil sa kakulangan sa tulog. Importanteng makapunta sya sa meeting mamaya at hindi pwede i postpone eto. Pabalik na ng Cebu ang kausap nya.
Biglang nag ring ang kanyang mobile. wala syang naalalang mobile sa kanyang backseat. ang alam nya nasa dashboard ang kanyang mga gamit, pati mobile. Pilit nilingon ni Alex ang tunog sa likuran ng sasakyan. sa wakas nakita nya, ang nawawalng mobile nya naka ipit sa bag na dala nya kanina. Pilit inabot ni Alex ang telepono.
Sa pagkatanda nya, isang segundo lang nawala ang mata nya sa hi-way.
Yun lang at isang malakas na kalabog na ang narinig.
"Oh my God!" Nasa isip ni Alex! IIsang mukha lang ang rumihistro sa isip ng lalaki bago pa nagdilim ang kanyang paningin.
Thanks for reading. Please leave your comments/insights.
BINABASA MO ANG
Habang Buhay (Completed Story)
RomanceIsang kuwento ng pag-ibig na sinubok ng pagkakataon. Will love ever survive? O basta na lamang susuko? Habang buhay........