Oh my gosh! Alex!
Bakit mo nagawa sa akin to? Mga walanghiya kayo!
Nawindang si Chloe sa nadatnan. Nasa kama nila ni Alex ang walanghiyang si Jackie. Tulog na tulog! At nagkalat ang mga damit nito sa sahig.
My God, patawarin ako ng Diyos....."Walanghiya ka, umalis ka dyan! Malandi ka!" Pukaw nya sa babae.
At yakap-yakap pa talaga ang unan na bigay ni Alex! Akin yan.
Pupungas-pungas na bumangon si Jackie. Pagkakita sa kanya ay nangiti eto ng ubod tamis.
"O bakit? Nagulat ka ba? Paano yan, nagkaayos na kami ni Alex. He realized he still loves me. Kaya sorry ka na lang girl." Sabi pa nito sa kanya.
Gusto magwala ni Chloe ng mga oras na yun. Hinanap nya si Alex sa kwarto. Nasaan ang lalaking yun?
"Si Alex ba ang hinahanap mo? Wala, umalis saglit, naglambing kasi ako ng blueberry pancakes kaya ayun agad-agad na bumili." Tumayo na rin eto at nagulat si Chloe. Walang pakialam na naglakad sa harapan nya si Jackie ng nakahubad!
Ang kapal lang talaga! Di nya alam kung bakit natuod sya ng mga oras na yun. Pati dila nya ay tila umurong din sa pagkabigla sa mga nakita!
Isa-isa nitong pinulot ang mga damit sa sahig at sinuot. "Gusto mo sumabay ka na sa amin kumain. pabalik na si Alex, I'm sure, kanina pa sya umalis." Aya nito sa kanya.
"Hindi na kailangan, pakisabi kay Alex kung saan sya masaya, pwes magpakasaya sya." Yun lang at tumalikod na paalis si Chloe
Nilibot nya ng tingin ang buong kabayahayan. Inisa-isa ang lahat ng mga alaala ng bawat sulok na pinagtulungan nilang buuhin at ayusin.
O God! Give me strenght! Alam ko di mo ako bibigyan ng isang pagsubok na di ko kakayanin. Usal nya habang kinukuha ang picture nila sa ibabaw ng center table sa sala. Akin to, bigay ng Mama ko ang frame na to! Alo nya sa sarili.
Pagka-alis ng bahay, agad na umuwi ng kanyang townhouse si Chloe. Wala si Rose dahil linggo. agad-agad na nag ayos ng konting gamit si Chloe. Kailangan muna nyang lumayo para makapag isip. Pupunta sya kung saan makapag isip sya.
I need space to think things over. Relax Chloe. Ang asar talo. Isa-isa nya inayos ang mga gamit paalis. Mga ilang araw lang para makapag isip ang kailanangan nya.
Sa kanyang pag e-emo, di nya napansin na kanina pa nag va-vibrate ang kanyang mobile. Di nya narinig eto. Si Alex ang kanina pa tumatawag sa kanya.
FLASHBACK
Nagising si Alex na masakit ang ulo. Hinaplos nya ang bukol nya sa ilalim ng batok. Napabalikwas agad si Alex ng maalala ang nangyari sa kanya ng nagdaang gabi.
Katabi nya si Jackie sa kama! Paano nangyari to? Lagot na talaga sya!
Dahan dahan syang bumangon. Laking pasalamat sya ng makitang kompleto pa ang kanyang suot ng nagdaang gabi.
Agad na ginising ni Alex ang mahimbing na pagkakatulog ng katabi. "Jackie, gising. Ano ang ginawa mo? Bakit ka naririto, wala na tayong dapat pag-usapan, alam mo yan. Umalis ka na please." Pakiusap nya dito.
Anytime ay dadating na si Chloe. Malaking gulo talaga eto kapag nadatnan sila ng nobya at sa loob pa ng kawrto ang eksena.
Goodluck sa kanya kapag nagkataon!
Tiningnan sya ng makahulugan ng babae. Imbis na bumangon, nagulat pa si Alex ng isa-isang naghubad si Jackie ng kanyang damit at ikinalat sa lahat ng sulok ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Habang Buhay (Completed Story)
RomanceIsang kuwento ng pag-ibig na sinubok ng pagkakataon. Will love ever survive? O basta na lamang susuko? Habang buhay........