Nagpaikot-ikot sa Burnham Park si Chloe.
Ahhhh! ang sarap sa pakiramdam ng hangin na tumatama sa kanyang balat habang sya ay tumatakbo.
Bakit nga ba sya tumatakbo at kanino? Mahal nya si Alex, sobra! Kaya ba nyang basta na lang mag give up ng ganun-ganun lang?
Eh lumarga ka nga agad-agad, Girl! Bakit di mo muna kinausap si Alex.
Sinabi ni Jackie ok na sila ulit di ba?
Baliw yun, bakit ka naniwala agad? Gosh! nasaan ng tiwala mo girl?
Yun ng mga katanungan na pumasok sa isip ni Chloe. Napahinto sa pag takbo si Chloe. Medyo nahilo sya sa emosyon na naramdaman ng mga oras na yun.
Napakawalang kwenta ko namang nobya. Basta ako naniwala sa ibang tao. Sana man lang kinausap ko muna si Alex. Pero paano kung totoo nga lahat ng sinabi ni Jackie? Nagtatalo ang isip nya ng mga oras na yun.
Wala sa sarili na nagpatuloy sa pag jogging si Chloe. Mabagal na lamang ang pag jogging nya dahil na rin sa naagaw na ng pag-iisip ang atensyon nya.
Bahala na, sa isip nya. pag uwi ko ng Manila, malalaman ko kung talagang may babalikan pa ba ako o talagang mas pinili ni Alex ang Jackie na yun.
Kaya ka nga nandito para mapag isa di ba? Kaya mag isa ka ngang mag jogging. Go Chloe, kaya mo yan.
At yun nga ang ginawa nya. Ibinuhos sa pag takbo na para bang wala ng bukas! Tagagtak ang pawis na bumalik si Chloe sa hotel. Maski papano ay nakapag-isip at gumaan ang bigat sa dibdib nya.
Dumaan sa coffee shop ng hotel si Chloe. I need my morning rush. Isip nya.
Busy sya sa kakapili ng bread sa display. Di nya napansin na may kanina pa nakatingin sa kanya mula sa sulok ng coffee shop. Naka hoodie at sunglasses eto.
"Miss, isa nito, please add it sa coffee ko. To go lahat ha!" Instruct ni Chloe sa cashier habang kumukuha ng pambayad sa bulsa nya. Nang may biglang humawak sa kamay nya para pigilan magbayad!
Nabigla si Chloe sa ginawa ng mama. Nilingon nya eto para kausapin. "Mister, what do you think you are doing?"
"Ako na Miss. Heto ang bayad nya." Sabi pa nito sa nagpapa cute na cashier sa kaharap.
" Andrew? What are you doing here? " Gulat na tanong nya sa kaharap! Maski naka hoodie at shades, kilala nya ang kaharap.
Bigla syang kinindatan ni Andy at hinila palabas ng coffee shop bitbit ang kanyang breakfast.
"Wag ka maingay, tumakas lang ako sa room ko. I have a location shoot, kahapon pa ako nandito." Paliwanag nito sa kanya. Habang naglalakad papuntang Patio ang dalawa, di maiwasang tingnan ni Chloe ang kaharap. Si Andy nga ang kaharap nya! At sa Baguio pa talaga kami nagkita ha!
Ayaw na ayaw nito na tinatawag syang Andrew ng mga kakilala. Andy lang ang gusto nyang ipatawag sa kanya. Bukod tanging si Chloe at ilang piling supporters ang nakakatawag sa kanya sa pangalang Andrew.
"After lunch pa ang call time ko. Tulog pa ang nga ang PA ko. Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" Tanong nito sa kanya habang nilalapag ang mga bitbit nilang kape at tinapay sa isa sa mga tables sa Patio ng hotel. Sa medyo sulok at di gaano matao na area yun, alam nya para di gaano ma pansin si Andrew ng mga tao.
Biglang napa upo si Chloe sa katapat na silya. Napatingin sa mga caddie na naglalakad sa golf area. Bumuntung-hininga! Yung hugot hininga na parang walang bukas! Eh, dapat bang itanong talaga, as in now na?
BINABASA MO ANG
Habang Buhay (Completed Story)
RomanceIsang kuwento ng pag-ibig na sinubok ng pagkakataon. Will love ever survive? O basta na lamang susuko? Habang buhay........