Si Alex ang sumalubong sa kanya galing kusina. Gulat ang nobyo kung bakit nandun sya sa ganoong oras ng gabi.
"Hon, bakit may problema ba? Dis oras na ng gabi ah" Yumakap sabay halik sa kanya ng nobyo.
"Bakit, porket napunta ako ng dis-oras may problema na ba? Di ba pwedeng wala lang?" Nabunutan sya ng tinik sa dibdib ng oras na yun. Sa reaction ng nobyo, halatang wala etong alam sa rason kung bakit sya napasugod ng dis oras ng gabi.
"Halika ka nga dito, I miss you Hon! Dito ka na matulog ha!" Lambing ng nobyo sa kanya. " Ay teka lng, Alex..." pigil ni Chloe sa pagkagigil sa kanya ni Alex. Pero di na sya nakataggi ng akayin sya ni Alex papuntang kwarto. Ayan kasi sumugod ka ng dis-oras, akala tuloy ni Aex na miss mo lang sya!
"Alex, asan ag mobile mo? out of reach ka kanina pag tumatawag ako." Usisa nya habang papasok ng kwarto.
"Ha? hmm...ang bango ng honey ko, kakagigil, lika ka na nga, inantok ako bigla!" Sabay hila sa kanya patumba sa kama!
"Ay, teka lang Alex, ano ka ba?'Pero di na sya tinantanan ng nobyo. Bigla ng naglilikot ang mga kamay kasabay ang nag-aalab ng mga labi sa kanyang mga labi.. pababa....
Kapag ang nobyo ang nag init, pati sya walang lakas para pahindian eto. Ganun nya kamahal si Alex, na pati sarili ay nagawa nyang isuko maski wala pang bendisyon ng kasal. Asawa na kung ituring sya ni Alex at kung hindi lamang sa mga magulang na konserbatibo, matagal na siguro silang nagsama maski nakalatag pa lang ang petsa ng kanilang kasal. Madalas na rin siya o si Alex mag sleepover sa bahay ng bawat isa kapag maluwag ang schedule nila.
Kinabukasan, maagang nagyaya si Alex na mag jogging sa PICC. Iyon ang malimit nila gawin kapag natapat sa weekend ang sleepover nila.
After jogging, nag light breakfast sila sa Emerald Gardens sa Roxas Blvd.
"Hon, asan na nga pala yung mobile mo? " balik tanong nya sa di nasagot na tanong nya kay Alex ng nakaraang gabi.
"Di ko nga malaman kung sa office ko ba naiwanan o dun sa site, hon. Baka sa site, kasi pinahanap ko na kay Mabel sa office, wala daw eh." Sagot ng nobyo sa kanya habang kumakain ng lugaw. Sinubuan sya nito. Ganyan ang ugali ni Alex. laging sweet sa kanya. Minsan gusto pa nito sa iisang plato lang sila kumain. Susubuan sya nito at susubuan din nya ang nobyo.
Di nya kakayanin kapag may dumating na isang Jackie sa relasyon nila ngayon. Paano nya itatanong kay Alex kung nakipagkita na ang dating karelasyon dito? OMG! Nalilito na talaga si Chloe.
"Hon, ayaw mo ng lugaw, Mc Cafe na naman? Selos na ako nyan ha!" Untag ng nobyo ng mapnsin na malalim ang inisip nya. Ayan, nagdududa na tuloy si Alex na may problema ako. Kung alam mo lang, lalaki ka. Wag na wag ka magkakamali sa akin. Piping sigaw ni Chloe.
"Inaantok pa ako, Hon." matamlay na sagot nya sa nobyo.
"Ganun ba? Pinagod ba kita?" sabay ngisi ng nakakaloko sa kanya. Tumabi ang nobyo sabay yakap kay Chloe. "Tara uwi na nga tayo, napagod ako bigla, gusto ko na magpahinga ulit." Lambing ni Alex sa kanya.
"Oy, lalaki, tumigil ka, uuwi ako sa bahay ko ha, dun mo ako ihahatid ngayon. Madami akong gagawin today!" Banta ni Chloe kay Alex.
" Di sa bahay mo tayo, no problem, tara na." Patay! Lagot, for sure wala na namang matinong trabaho syang matatapus kapag nasa bahay si Alex. Pero napag isip-isip nya, mabuti na rin yun, at least di sya mag aalala buong maghapon sa whereabouts ng nobyo.
Chloe ano ka ba, praning ka na talaga, kabitan ko kaya ng GPS device si Alex para alam ko ang galaw nya?
Hahaha! Kakaloka! Bakit ba affected ako, baka naman ako lang at ang Jackie na yun eh tumatawa lang sa isang tabi! OMG! GV lang, keri ko to!
BINABASA MO ANG
Habang Buhay (Completed Story)
RomanceIsang kuwento ng pag-ibig na sinubok ng pagkakataon. Will love ever survive? O basta na lamang susuko? Habang buhay........