"BAILEY'S POV"
Ilang araw na ang nakalipas simula nung ligawan ako ni Kenneth, pinapakita niya talaga sakin yung pagiging maalaga niya, yung pagiging responsable niya na karapatdapat talaga siya na maging boyfriend ko. At sympre, lagi kong nararamdaman yung weird feeling na 'yon. Hays! Ewan, pati ako naguguluhan na din sa sarili ko eh
"Babe.." Tawag niya sakin. Nasa condo ko kami ngayon, wala lang tinatamad na kasi akong gumala eh at sympre dahil babae ako, ako yung masusunod.
"Hmm?" Sagot ko habang nag sicellphone. "Wala." Nag pout siya saka niya hinigpitan ang pagkayakap niya sa bewang ko. Ang cute niya oo na!!! Para siyang 5 years old okay?!
"Babe!!" Sigaw niya at humiga sa tiyan ko. "Ano nga? Sasampalin na kita eh." Nakakainis ang kulit kulit. -__-
"Inaaway mo na naman ako." Sabi niya at hinalikan ang tiyan ko. "Ang kulit mo eh" iritang sabi ko.
"Eh? Wala nga." Hinimas himas niya yung tiyan ko yung totoo? Tss "Wala naman pala eh!" Sabi ko at ibinaba ang cellphone ko.
"I love you." Napangiti ako sa sinabi yan parang tumatalong yung puso ko sa tuwa eh pero gago ba? Kailan pa natutong tumalon ang puso? Tapos natutuwa pa? Abnormal.
"Babe." Tinapat niya ang mukha niya sa mukha ko habang nakayakap padin siya sa bewang ko. "Po?" Tanong ko.
"Ang ganda mo." Inirapan ko lang siya, paulit ulit? Hanggang kailan niya ba uulitin 'yan? Nakakasawa na eh.
"Pag sinagot mo 'ko feeling ko ako yung pinaka maswerteng lalaki sa buong mundo." Yung ngiti ko ay napalitan ng pekeng ngiti, di ko alam kung matutuwa ba ako o makokosensya eh hindi alam ni Kenneth na deal lamang 'to kaya ako pumayag na ligawan niya 'ko.
He kissed me gently on my lips. Lagi niyang ginagawa 'to, hindi torrid kundi gentle lang yung sa pawad pag dampi ng labi niya eh pinaparamdam niya sakin na mahal na mahal niya ako. Kung seryosohan lang 'to ako yung pinaka maswerteng babae sa buong mundo, pero hindi eh he don't deserve a girl like me. Siguro may babaeng mas deserving para sakanya. After that kiss, tinitigan niya ako sa mata saka ako hinalikan sa noo.
"I love you." Sabi niya. Nginitian ko siya, isang pekeng ngiti hindi ko alam kung bakit ko pa tinutuloy ang deal na 'to eh pero wala eh ma pride kasi ako ayokong natatalo pero kung wala ang deal mas pipiliin kong mahulog ng tuluyan sa lalaking nasa harap ko ngayon kahit minsan hindi ko maiwasang hindi magduda dahil sa pagiging casanova niya pero nakikita ko 'yon sa mga mata niya na totoo ang sinasabi niya.
"Gusto ko pag naging tayo, gusto ko hindi na tayo mag break. Gusto kong patunayan na may forever." Sabi niya at hinalikan ang pisnge ko.
"Forever doesn't exist." Sabi ko at iniripan siya. "Bitter." Sa pagkakasabi niyang 'yon ay biglang may pumasok na naman sa isip ko, biglang nag flashback lahat lahat.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. "H-ha? Yes. I'm okay." Ngumiti ako ng pilit para ipakita sakanya na okay lang ako.
"Are you sure?" Tanong niya ulit. "Hmm. Yeah!" Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit, nararamdaman ko na naman yung sakit. Yung sakit sa mga nakaraan ko.
*KRIIIIIINGGGG*
*KRIIIINGGGG*
[Bitch on phone]
"Hey."
"Bitch.."
"Why? Is there any problem?"
"He's back…"
"H-huh? What do you mean? Sino?"
"Nate is back, andito na siya. At hinahanap ka niya, he's asking for your forgiveness. Bailey, anong gagawin natin? Anong gagawin mo?"
"I don't know."
I end the call. Natulala ako, he's back. Kaya ba ganito nalang yung nararamdaman ko? Bumalik na siya? Yung taong nagpasaya ng sobra sakin pero siya din ang nanakit ng sobra sakin? Yung taong binago ang buhay ko, pero binago ang sarili ko dahil sa pananakit na ginawa niya.
Bumalik na yung taong matagal ko ng hinihintay, bumalik na siya. Bumalik na yung taong minahal ko, pero ginago ako.
💦
FOLLOW. COMMENT. VOTE.