9

56 4 0
                                    

Pumasok ako sa school na may ngiti sa aking mga labi.

Ngayon papunta ako sa court para puntahan si Kenneth.

Papasok na ako ng court ng marinig ko ang tawanan nila, ang kanilang usapan.

When i heard something's familiar to me..

"Tol, when you see her siguradong magagandahan ka sakanya. She's very... Basta.. Mahirap ipaliwanag, kakaiba siyang babae" rinig kong sabi ni Kenneth.

Nagmadali akong pumasok sa court. Unang nakita ko ay si Sean, at Gabe na naglalaro ng basketball

Nakita ko si Kenneth na may kausap, nakatalikod ito mula sa akin pero napaka pamilyar ng likod niya

Tumingin sa akin si Kenneth ng makita niya ako at ganun din ako

"Andito na pala siya" agad na humarap nang nakita ang kausap niya. Pero agad itong nawala nung nakita niya ako at ganun din ako

"Come here, babe" tawag sa akin ni Kenneth "Hey, Nate. Let me introduce to you my girlfriend, Bailey." There's a lot of pride with his smile

"H-hi Nate" bati ko sakanya saka ko inabot ang kamay ko. Nakipag shake hands siya saka pilit na ngumiti.

Namuo ang katahimikan sa aming tatlo, sobrang awkward lang kasi na kaharap ko ngayon si Nate, yung taong mahal na mahal ko. At si Kenneth na minamahal ako.

"Oh, by the way babe. Si Nate pala my bestfriend since we were young" agad naman akong naguluhan.

Since they're young? Eh sa kababata ako ni Nate dati, so how come?

"Nate si Bailey, my girlfriend. Ang ganda niya diba?" Sabi ni Kenneth at inakbayan ako "Sobrang ganda" sabi ni Kenneth at pilit na ngumiti

Nasasakal ako, hindi sa pagkaka akbay ni Kenneth ngunit sa sitwasyon namin ngayon, masyadong mahirap. Nahihirapan ako. Di ko alam kung ano ba talaga ang gagawin ko.

Gusto kong umalis, gusto ko munang mapag isa.

"Ken, pwede ba akong pumunta sa CR?" Tanong ko kay Kenneth "Oh, sure" sabi niya saka ako hinalikan ako sa labi pero smack lang

Ngumiti naman ako sakanilang dalawa at nagmadaling umalis.

Nang makapunta na ako sa CR ay agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin, at doon may isang luhang pumatak sa mga mata ko hanggang sa nag sunod sunod na ito

Yeah i am crying again, because of him.

"You didn't tell me" rinig kong boses mula sa likod kaya agad kong pinunasan ang luha ko saka humatap sakanya

"What are you doing here?" Tanong ko kay Nate na nakatayo sa harap ko

"Bakit di mo sinabing nahanap mo na siya?" May halong galit sakanyang boses "Who?! Sino?!" Pasigaw kong tanong sakanya

"Si— Wala" agad siyang tumalikod mula sa akin "Pakatatag kayo" huling sinabi niya at umalis na.

Nanghina ako, kaya napaupo ako mula sa sahig. At hinawakan ang dibdib ko, na sobrang lakas ng tibok.

"What does he mean?" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib nang biglang sumakit ang ulo ko.

Sobrang sakit... Hindi ko kaya.. Wala akong ibang magawa kundi ang sumigaw mula sa sakit.

"Bailey, let's play!"

"Later, may inaantay pa ako"

"Lagi mo naman siyang inaantay"

"I said later Nate! Ang kulit mo"

"Hey. Are you waiting for me again?"

Pagkatapos non ay mas lalong sumakit ang ulo ko.

And everything went black....

The Bitch and The Casanova (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon