"Bakit naging LA, Nate?" Tanong ko. "So, do you think na kapag andito ka sa pinas eh hindi ka niya mahahanap? Ano ba talaga ang gusto mong mangyare?" Medyo pikon na tanong ni Nate.
"Ang layuan siya." Sabi ko at yumuko. "Yon naman pala eh, ano pang inaarte-arte mo diyan? Pupunta tayong LA ngayon na." Sabi niya.
Ito na naman siya, ang pagiging bossy side niya. Wala na akon ibang magagawa kundi ang sundin siya kasi ito rin naman ang gusto kong mangyare.
"Nate." Sabi ko at tumingin sakanya. "What?" Sagot niya habang nakatingin sa daan.
"Pagkatapos ba nito, ano na ang mangyayare sa atin?" Tanong ko.
Tumingin naman siya sa akin ng nagtataka. "What do you mean?" Tanong niya.
"Nevermind." Sabi ko at tumingin nalang sa labas.
Naging tahimik ang biyahe namin papuntang airport. At habang nakatingin ako sa labas ay hindi ko maiwasang hindi makapag-isip isip.
Sigurado ba ako? Aalis ba talaga? There's something that keeps bothering me at hindi ko alam kung ano ba 'yon.
💦
Nagising nalang ako ng marinig ko ang boses ni Nate. "Andito na tayo." Sabi ni Nate.
Tumayo ako saka tumayo, at pagkalabas ko ng eroplano ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng LA.
Andito na ulit ako. Nakabalik na ako. But, am I really sure about this decision? Wala ba akong pagsisisihan? Tanong ko sa isip ko.
Nakasakay na kami ni Nate sa kotse ni Daddy. "So, bakit niyo naisipang bumalik dito? Nagkaroon ba ng problema doon sa pinas?" Tanong ni Daddy.
"Uhm, wala po Tito. Gusto lang talaga bumalik ni Bailey dito, miss niya na po kasi kayo." Napailing si Daddy at halatang hindi nakumbinse sa sagot ni Nate, alam ni Daddy na hinding hindi ko sila mamimiss.
"So, i have another question. Are you two are finally get back together?" Tanong ni Daddy.
Alam ko kung gaano kagusto ni Daddy na maging kami ni Nate, because of business. Yeah, business.
Hindi na lamang kami umimik ni Nate. "At mukhang hindi pa?" Dagdag ni Daddy na ikinatawa naman ni Nate.
"Malapit na po Tito." Sagot naman ni Nate na ikina-ngiti ko. "Diba, Bailey?" Sabi ni Nate at tumingin sa akin.
"Yep." Matipid kong sagot.
Nang makarating na kami sa aming bahay ay agad akong lumabas ng kotse at dumiretso sa kwarto ko.
Nakakapagod. Humiga ako sa kama ko saka nagbukas ng laptop.
I logged in my Facebook account saka tinignan ang messages.
Wala manlang nag message sa akin. I was about to close my laptop ng biglang may pumasok sa isip ko.
Kenneth... I decided to stalk him on facebook, pero hindi ko siya ma-search.
It's maybe na iba ang name niya or naka private ang account niya but nevermind.
Biglang may kumatok sa pinto, and uh.. Si Nate na naman 'to!
"Come in." Bumukas ang pinto at nakita ko Nanay Yoole
"Ay, Nanay ikaw pala 'yan." Sabi ko at isinintabi ang laptop ko. "Kamusta ang alaga ko? Namiss kita." Sabi niya.
"I missed you too, Nanay." Sabi ko at niyakap siya.
"Ba't parang biglaan naman ata ang pagbalik mo dito?" Tanong niya.
Napailing nalang ako saka ngumiti. "Nakita mo naba siya?" Tanong ni Nanay.
"Sino po, Nay?" Tanong ko. "Si Kenneth." Sagot niya at halatang nabigla sakanyang sinabi.
"Kenneth?"