11

27 3 0
                                    

Sinubukan kong tumayo ulit, at buti ay nakaya ko naman kahit medyo masakit pa ang ulo ko.

Naglakad ako palabas ng kwarto, at nakita ko si Kenneth na nakahiga sa sala habang natutulog.

Linapit ko siya at umupo sa sahig at itinapat ko ang mukha ko sa mukha niya.

Tinignan kong mabuti ang mukha niya. Buong mukha niya. Ang gwapo niya talaga, parang siya 'yung mga lalaki sa pelikula, sa mga istorya, kakaiba. Masyadong perpekto.

Oo, masyado siyang perpekto para sa katulad kong babae. Hindi niya ako deserve. Hindi siya para sa akin. Hindi ako bagay sakanya.

Biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko, agad ko itong pinunasan.

Isa lang ang balak kong gawin ngayon, kung ano ang plano ko... Isa lang, ang lumayo mula kay Kenneth. Tama si Nate, dapat ko siyang layuan.

Hindi ko man alam kung ano ang rason ni Nate, pero siguro 'yon ang tama. 'Yon ang dapat.

Tatayo na sana ako para ayusin ang sarili ko paalis, nang biglang may humawak sa mga braso ko.

"Where are you going? Dito kalang." Rinig kong sabi niya. Tinignan ko siya, nakapikit siya habang nagsasalita kaya napangiti ako.

"Uhm, iinom lang ako ng tubig. Sige na, matulog kana ulit. Okay?" Sabi ko sakanya saka siya hinalikan sa noo.

"Hmm, sa noo lang?" Sabi niya at ngumuso kaya agad ko siyang hinalikan sa kanyang labi.. Pero smack lang hehe.

Ngumiti ulit siya at saka naman ako tumayo at pumasok sa kwarto niya.

Habang nag aayos ako ng sarili ko ay 'di ko maiwasang ma-konsensya sa desisyon na gagawin ko, kaso ito ang dapat.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto niya at nakita ko siyang mahimbing na natutulog.

Hindi ko maiwasang umiyak habang tinititigan siya. Kahit sa konting panahon ng aming pagkakakilala ay napasaya niya ako.

Naging masaya ako. Napangiti niya ako, ayoko man gawin ang desisyon na 'to, kaso ito ang dapat. Ayoko ng ganito, hindi niya deserve ang isang katulad ko.

Nasa tapat na ako ng pinto niya ng muli akong napalingon sakanya.

Pumatak na naman ang mga luha sa aking mga mata. "Siguro nga handang dito nalang, maging masaya ka. Deserve mo 'yon, Kenneth. Paalam." Sabi ko at tuluyang lumabas sa condo niya.

The Bitch and The Casanova (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon