"BAILEY'S POV"
Nakipag kita agad ako kay Kaycee kaya andito ako ngayon sa isang café na halos langawin na kakahintay sa gagang 'yon.
"Omg! Sorry i'm late, may nakausap kasi akong guy eh kaya 'yon." Tinignan ko lang siya na parang sinasabi ko na wala akong pake sa sinasabi niya
"So, ano na?" Nag init ang dugo ko sa tanong niya. "Anong ano na?! Ikaw yung may sasabihin diba?!" Sigaw ko.
"Ay oo nga, sorry na." Inirapan ko lang siya bobita talaga 'to kahit kailan jusko.
"Kanina lang ang uwi niya galing LA." Pagsisimula niya sa kwento niya "Then?" Tanong ko.
"Pumunta agad siya sa bahay, pumunta daw siya sa bahay niyo pero wala ka daw don at sabi ng katulong niyo ay di kana umuuwi don kaya naman sa bahay siya pumunta at tinanong sakin kung nasan ka." Ahh ganon pala 'yon? Ang kapal din naman pala ng mukha niya 'no?
"Anong sinabi mo?" Tanong ko. "Sabi ko hindi ko alam." Gumaan ang pakiramdam ko sa narinig ko.
"Better, kala ko sinabi mo eh." Sabi ko sakanya sabay inom ng frappe na inorder ko.
"Nah, alam ko kung gaano kalaki ang galit mo kay Nate." Sabi niya "Galit ako sakanya pero patuloy ko parin siyang minamahal." Oo, ganon ako katanga.
"Until now? Seriously?" Nakataas ang kilay niyang tanong. "Ewan, hindi ko alam. Naguguluhan ako." Ano nga ba? Mahal ko pa ba siya o ano? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"How about kenneth? Pinaparamdam niya sayo kung gaano siya ka seryoso sayo." Natigilan ako sa sinabi niya pero agad na pumasok sa isip ko kung bakit namin ginagawa 'to.
"Remember? Deal lang natin 'yon. Sasagutin ko na si Kenneth and then di ko papatagalin ang amin." Sabi ko sakanya. "Kahit konti? Wala kang nararamdaman para sakanya?" Meron nga ba? Kahit konti? Di ko alam.
"Wala. As in wala." Di ko alam kung ano ang isasagot ko kaya Wala na lang. "Real eyes, real feelings." Naguluhan ako sa sinabi niya.
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong. "I can see it through your eyes, you're falling for him right?" Mas lalo akong naguluhan, anong sinasabi niya?
"N-no.. Ano.. Hindi ko alam." Maski ako hindi ko alam. Pero, hays damn!
"Pwede mong sabihing hindi, pero hindi mo maloloko ang sarili mo Bailey." I know. Pero hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang eh mahal ko si Nate at galit ako sakanya. Pero kay kenneth? Ang alam ko lang ay napapasaya niya 'ko sa tuwing magkasama kami.
"I'm not falling for him." Pagtanggi ko ulit sa sinabi niya. "Yes you are. Sa bawat pag ngiti mo pag kasama mo siya, alam kong gusto mo siya." Pagpipilit niya.
"Pero deal lang 'to. Walang dapat mafall, hindi ako nafofall sakanya." Bakit ko dini-deny? Kasi ayokong matalo sa punyetang deal na 'yan! Pero di ibig sabihin non eh may nararamdaman na 'ko para kay Kenneth tss.
"Sinasabi mo yan kasi bumalik na si Nate?" Natigilan ako sa sinabi niya. Dahil nga ba? Dahil nga ba don kung bakit ko tinatangging mahal ko si Kenneth? Na may nararamdaman ako para sakanya? Hindi naman diba?
"No! Hindi ganon." Pagtanggi ko ulit. "Then what?!" Sumigaw na siya.
"Enough! Walang patutunguhan ang pag uusap na 'to." Di ko na kaya, di ko na kayang tumanggi pa. Di ko na kaya ang pag uusap na 'to! Nahihirapan na ako masyado.
"Fine, pero bailey sana sundin mo ang sinasabi ng puso mo, para maging masaya ka. Andito lang ako para sayo kahit napaka maldita mo." Sabi niya at tinitigan ako sa mata.
"Tss bitch." Tumayo na ako saka iniwan siya mag isa sa loob.
Sumakay ako sa kotse ko saka huminga ng malalim.
"Nah, hindi ko gusto si Kenneth hindi ko siya mahal. Deal lang 'to deal lang!" Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon, naka shut down din ang phone ko para di ako ma contact ni Kenneth ayoko muna siyang makita ngayon gusto kong mapag isa.
Sa park…
—Ewan ko kung ano ba ang ginagawa ko dito, dito ako tinahak ng kotse ko eh pero siguro dito ko mapapakalma ang sarili ko.
May mga bata, nakakatuwa silang tignan. Hays bonjing… Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang mga naglalarong bata.
"Kamusta na kaya siya?" Para akong siraulong kinakausap ang sarili ko.
"Payat kana kaya? May abs kana ba? Baka may bisyo kana ha?" Tumigil na 'ko dahil alam kong maiiyak na naman ako.
"I'm sorry.." And suddenly my tears are starting to fall…
"Sabi ko na nga ba eh dito lang kita makikita."
💙
Author's Note: Hey readers! On the way na tayo sa 200 reads! Partyyyyyy. HAHAHAHA kidding. Don't forget to vote and to leave a comment. Hehehe i love youuu.
![](https://img.wattpad.com/cover/108082782-288-k620588.jpg)