Dominic's POV
"Maaaa! Anong ginagawa mo? Ba't ka naglalasing?" Sabi ko kay mama, nakita ko kasi siyang naglalasing sa kwarto nya, Hinanap hanap ko kasi siya, tapos nadatnan ko nalang siyang naglalasing.
"Ang papa mo....." Tapos umiyak na naman siya.
"Ma, bakit? Anong meron kay papa, kala ko ba matagal na siyang PATAY!" Oo nga naman, sabi ni mama matagal na dawng patay si papa, di ko nga siya naabutan eh, buti pa si kuya naabutan nya.
"May iba na siyang pamilya nak. Ang tanga ko kasi! Pinakawalan ko pa! ANG TANGA TANGA KO!" Sinampal sampal nya yung sarili nya, ayokong nakikita siyang ganito.
Teka, kala ko ba patay na?
"Ma. Tama na..." Sabi ko at niyakap siya "Ma kala ko ba, patay na si papa?" Tanong ko sa kanya
Lumingon siya sakin "Nagsinungaling ako sayo, hindi siya patay may babae siya kaya pinalayas ko siya. Ang hina ko nun, hinayaan kong manalo ang babae nya sa laban." Sabi ni mama ng umiiyak.
"Ma? Ba't kelangan nyong magsinungaling sakin? Buong buhay ko ma, tinutukso ako ng mga kaklase ko kasi wala daw akong tatay! Para nyo na ring pinatay ang karapatan kong. lumaki ng may tatay!" Tumayo ako at kinuha yung bote ng alak at umalis, pinabayaan ko muna si mama mag-drama, alam nyo naman mga babae daramtic actress XD.
Pagkababa ko sa sala, nakita ko si kuya nanunuod ng TV.
Tumingin siya sakin "Ba't ka umiiyak?" Luh? Naiyak pala ako. "S-si mama..." Tumayo siya at pupunta na sana sa kwarto ni mama, kaso pinigilan ko siya.
"Teka! Kuya!" Huminto siya at tumingin sakin. "Oh?"
"Si mama, kasi nagsinungaling satn, buhay pa pala si papa! May ibang pamilya lang!" Lumapit si kuya sakin "Intindihin mo naman si mama, nasaktan siya sa ginawa ni papa." Kuya.
"A-alam mo din to?" Yumuko si kuya "Oo." tipid nyang sagot.
"Ba't di mo sinabi sakin? Akala ko ba okay tayo?" Lumabas ako ng bahay para maglakad lakad nalang muna sa park.
KANINO BAKO LALAPIT?
KANINO AKO MAGLALABAS NG SAMA NG LOOB?
MAY MAPAGKAKATIWALAAN BA AKO?
MAY KAIBIGAN BA AKONG HANDANG MAKINIG?
MAY------TOOT TOOT TOOT
teka may nag-text!
1 New Message From Angela
*le clicks read*
"UY!"
TAMA!
SIYA NGA!
MAPAGKAKATIWALAAN TO. TEKA MATEXT NGA
"Busy ka ba ngayon?" *to angela*
Angela's POV
1 New Message from Doms
"Busy ka ba ngayon?"
"Hindi naman bakit?" *to doms*
Ano kayang kaylangan neto?
"Punta ka dito sa park pls? Alam mo na kung san okey?" from dominic
"Oo, alam ko na. Sige hintayin mo ko dyan"
Dali-dali akong nagbihis at sumakay na ng jeep papunta sa park na sinasabi nya. Ilang minuto lang dumating na ako , hinanap hanap ko siya , siya kaya yung nakatalikod? Naka itim? grabe naka-itim talaga? Lapitan ko nga, paglapit ko AY ANAK NG KALABAW si chesther pala -_- hate ko tong lalaking to eh, kaaway yan ni doms.
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer
Fiksi RemajaPano kung nabuking ka ng CRUSH mo na ikaw pala yung Secret Admirer nya? ☝ Tapos nalaman mo pang , crush ka rin pala niya.... ❤ Ang sarap siguro ng pakiramdam noh? ABOT LANGIT ang SAYA :) ~P R O L O U G E~ ❤ Mahirap maging isang Secret Admirer ng...