~ Chapter Ten: BIOLOGY CLASS (✿◠‿◠) ~

4K 114 6
                                    

Author:
New chapter!! I hoe you like it and enjoy! May mga pictures akong inilagay and then yung meaning ay kuha lamang kay Pareng Google. Huwag seryosohin masyado yung chapter. Hihi isang hamak na Grade 9 student lamang ako kaya wala pa akong alam sa Bio ng college. Kuha lamang yan kay Google. Maraming salahat and always don't forget to Vote,comment and share this story to your friends. Happy 12reads :)
----
Nang nakapunta na kami ni Jasper sa school agad kaming bumaba sa aking sasakyan.

"Mavis, thank you sa pag hatid saakin. Maiwan na kita, a-attend na ako ng Literature subject. Mamaya na lang ulit!" Paalam saakin ni Jasper at tumango na lamang ako.

Dumeretcho na ako sa Engineering Building para umattend sa Math class.

Buti hindi pa nagsisimula ang klase dahil wala pa ang aking Prof kaya pinag pahinga ko muna ang aking sarili sa hinabang nilakad papunta dito.

Nakita namin na dumating na ang Prof, kaya agad nagsi-ayusan ang aking mga classmate at nakinig sa kanyang itinuro ngayon.

Nag class dismissed na siya kaya agad kong inayos na ang aking gamit at dumerecho na sa Bio class.

Habang palakad na ako papuntang Science Building biglang naramdaman ko ang vibrate ng aking cellphone sa bulsa kaya kaagad kong kinuha iyon.

~HOTChris😘~
Goodmorning Mave, we're here in Biology Class. Goodluck mamaya :)

Pagkatapos kong basahin iyon, in-off ko na ang aking cellphone sabay inilagay iyon sa bulsa.

Binilisan ko lalong maglakad patungong Science Building.

-----

Mabilis ko ding napuntahan ang Science Building at papasok na sana ako sa room biglang nakita ko si Devon na nasa labas at nakasandal ito sa pader.

Napatingin agad siya sa gawi ko at kumunot ang kanyang noo, tinignan ko siya ng malamig na tingin. Pumasok ito ng room at dinaanan lamang ako. Wala na akong nagawa kundi pumasok na din sa classroom para ihanda ang aming gagawin na Lecture mamaya.

Inilagay ko muna ang aking bag sa upuan ko, binuksan ko iyon at kinuha ang laptop and blinder ko.

Dinala ko iyon sa unahan, sinet up ko muna ang aking laptop. Pagkatapos nilapitan ko si Devon na nasa gilid, nakita kong sinet up niya na din ang kanyang latop at may inilagay siyang bookmark sa blinder niya.

"Mr. Mortus, ako ang mau-unang mag tuturo sa klase. Pagkatapos ko ay ikaw naman ang susunod. Iyon ang ini-mail ni Mrs.Santiago kahapon and i know natanggap mo din iyon. I-ready mo na dapat ang gagamitin mo mamaya habang mag tuturo." Pag papaliwanag kong sabi sakanya.

"I know Ms.Hermosa." malamig niyang sabi at hindi ito lumingon lamang at nakatutok pa din sakanyang Laptop.

"Okay. Goodluck saating dalawa" sabi ko sakanya at umalis na ako sa kanyang tabi

"Thanks, Goodluck then." rinig kong sabi niya at pumunta na ako sa unahan para ayusin ang aking ile-lecture. Sabi ni Mrs.Santiago, provided niya na ang Powerpoint presentation kaya hindi na namin kailangan gumawa ng Presentation but yung mga kulang na details sa  ile-lecture namin ay dapat kami na doon ang gumawa. Kaya may dala kaming laptop dahil sa kulang na details.

PROJECT VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon